Chapter 38: Disneyland

Start from the beginning
                                    

Napahiwalay kami ni Azi kila Paulheen dahil medyo wild ang rides na sasakyan nila at halos lahat ay bawal sa bata.

Kaya naman dun lang kami ni Azi sa light lang.

"Mommy gusto ko ice cream!"

"Mommy sakay tayo!"

"Mommy picture mo ko!"

"Mommy si Mickey Mouse!"

Halos mapagod naman ako ng sobra sakanya dahil hindi siya nauubusan ng energy.

"Teh!"

Agad naman akong napalingon. Nakita ko namang parating at nakitang sila Paulheen ito.

"Hays kanina pa namin kayo hinahanap. Tara rides! May nakita ako na pwede kay Azi."

"Ano gusto mo pa ba Azi? Hindi ka pa ba pagod? Mamaya pagod ka na."

Agad namang umiling iling ito. Kaya naman no choice nag rides uli kami.

Bago kami makapunta sa rides ay nanood muna kami ng shows at mga parades. Tuwang tuwa naman sila Mina habang nakasuot ng mickey mouse hairband.

"Let's go na Mommy sa rides!" pagpipilit ni Mina.

Agad namang kaming pumunta sa rides. Feel ko naman ay susuko na ang paa ko sa sakit nito.

Natigilan naman ako habang hawak si Azi sa nakita ko.

Nakasuot siya ng itim na hoodie habang nakajeans at mask. Kahit naman ay nakamask siya ay halos makilala ko agad kung sino siya. Bumaba naman ang tingin ko sa design ng damit nito.

Umiilaw itong iron man. Hindi ako pwedeng magkamali.. Si Jungkook ang nakikita ko ngayon sa harap ko.

"Iron Man!" tuwang tuwang sambit ni Azi at binitawan ang kamay ko.

Nanlaki naman ang mata ko sa gulat nang binitiwan niya ang kamay ko at tumakbo palapit sa lalaking iyon.

Parang halos mawalan ako ng hininga nang biglang niyakap ni Azi ang lalaking iyon.

Natigilan naman ang lalaki at nagulat sa ginawa ni Azi. Tatakbo na sana ako palapit sakanila ngunit hindi ko nagawang lumapit nang binuhat ito nang lalaki.

Kahit malayo ako ay rinig ko ang tawa ni Azi. Sobrang bilis ng tibok ng dibdib ko nang bumaba ang tingin niya sa sapatos ni Azi.

Di na ko nagdalawang isip pa at tumakbo na ako agad para kuhain si Azi. Nanlaki ang mata ko nang tinanggal niya ang mask niya.

It was him..

Tila bumagal ang takbo ng mundo nang maglandas ang tingin namin sa isa't isa.

"Who is he?" he interrogated with his deep voice.

Para naman akong naestatwa at tila hindi makasagot.

"Tell me.. Siya ba si Azi?"

"Fuck.." he cursed as he pulled his hair in frustration.

"Dianne!" natigilan kaming dalawa nang biglang dumating si Paulheen.

"J-jungkook.." gulat na gulat niyang bulong.

"Azi, let's go na." tawag ni Mina kay Azi.

Agad naman akong kinabahan sa naging ekspresyon ni Jungkook. He was like a beast who is filled with anger and pain. Afterwards he grabbed my hands. Para naman akong sisinukin sa takot sakanya.

"Let's talk." malamig nitong sambit habang nakatingin pa din ng madilim sakin.

Mamatay na ba ko? Shit.

"Ah-eh! S-sige una na kayo! Ako ng bahala kay Azi, teh.." natatarantang sambit ni Paulheen bago na ako hinila palayo ni Jungkook.

"Anoba!" iritado kong reklamo nang makalayo kami.

"Sabihin mo nga sakin. Sino ba talaga yung tatay ni Azi huh?" seryosong tanong nito na tila nagpipigil.

"A-anobang pake mo ha?! Bitawan mo ko!"

"See your stuttering." sarkastikong sambit nito.

"B-bitawan mo na 'ko. Natatakot na ko, Jungkook.." naiiyak kong sambit dahil sa higpit ng hawak niya sakin.

Tila nawala naman lahat ng galit sa mata niya nang sinabi ko yun at napuno lang ito ng pagalala.

Agad namanng nanlaki ang mata ko nang bigla niyang binagsak ang ulo niya sa balikat ko.

"Anoba--"

"Gustong gusto kong magalit sayo.. Pero bakit di ko magawa Dianne?"

"Kahit na yung dahilan, itinago  mo sakin yung anak ko.." he cried.

𝙢𝙖𝙧𝙧𝙞𝙚𝙙 𝙩𝙤 𝙟𝙚𝙤𝙣 𝙟𝙪𝙣𝙜𝙠𝙤𝙤𝙠 - completed [JEON JUNGKOOK] Where stories live. Discover now