Wala ba siyang pasok?

"hello, miss kim" nakangiting aniya ko dito at mukhang gulat na gulat siya.

"t-tyler?.." nalilitong saad nito

"haha, ako nga. Anyway, wala kang pasok?" tanong ko dito at tinignan ang labahan niya.

"wala." sagot nito

Napa 'ah' na lamang ako. Dahil sana lahat na lang

"kasi diba malapit na ang semester at pagkatapos nun ay sport fest kaya yung mga lecturer nag me-meeting. Hindi mo alam?" tanong nito

Napakamot ako ng batok at ngumiti ako sa kaniya "nakalimutan ko eh" pagdadahilan ko.

Gagsti...

"magpapa laundry kadin?" tanong nito

Tumango ako at tumabi sa kaniya. Nangangalay na kasi ako eh.

"T-tyler" saad nito

"hmmm.." aniya ko habang nakangiti sa kaniya

"galit ka ba?" kumunot ang noo ko sa tinanong niya

Bakit ako magagalit?

Wala naman siyang ginawa eh.

"alam mo yung last time na pag-uusap natin. Gusto ko lang na humingi ng tawad at sobrang nainis ako sa sagot mo. Masyado kang pa cool at ignorante nung nag uusap tayo . Nakakainis, inshort.." natatawang aniya nito sabay nag seryuso.

Hindi ko alam talaga sinasabi ni kim.

" Pero alam mo yung sinabi mo sa akin ay tumatak talaga sa isipan ko at na realize kong tama ka" nakangiting aniya nito at nangingilid na ang luha nito

Omayghadd... Ano ba ang sinabi ko?

Ano ba kasi ang sinabi —putcha! Si kuya

Agad akong tumayo at kinuha ang selpon ko

"excuse me miss kim" aniya ko dito sabay lumayo sa pwesto ni kim.

Ang daming nangyari na hindi ko alam.

"HELLO!" sigaw ko dito nang sagutin niya ang tawag

"why are you shouting?!" inis nitong aniya sa kabilang linya.

"bakit pagbalik ko dito ang dami nangyari? Kala ko ba maayos ang lahat? Kala ko ba kayo mo ihandle, kuya?" inis na tanong ko dito

Narinig ko ang mabigat na buntuhinga sa kabilang linya.

"im sorry." aniya nito na ikinatahimik ko.

Sorry? Para saan? Bakit parang ang laki ng kasalanan ni Kuya sa akin?

"kuya?.." nag aalala kong tanong dito

"ano ba talaga nangyari?" aniya ko

"i will tell you after this operation" aniya nito sa kabilang linya sabay baba ng telepono.

Sumasakit ang ulo ko kay kuya.

Bumalik ako kay kim at nakita kong nalilito siya sa nangyayari

"pasensya kana miss kim, kasi alam mo. May problema ako ng time nayun at mukhang sayo ko ang binuhos lahat ng inis ko. Sige una na ako, ingat ka! " aniya ko dito at sabay kinuha ang aking labahan at mabilis na linisan iyun.

Hayysss

Nakarating na ako sa dorm at napapikit na lamang dahil sa ibat ibang emosyon na nararamdaman ko.

Pagdilat ko. Napatalon ako sa gulat nang makita ko si knox na nakatingin sa akin

"you know, you look like an idiot psh" aniya nito sabay upo sa couch

Napakunot ang noo ko at pumunta sa gawi niya sabay kapa ng kaniyang leeg at noo.

"may sinat ka pa ah! Bakit ka bumangon?!" inis na saad k dito.

Gusto niya talagang lumalala ang sakit niya.

"im hungry..." aniya nito habang nakanguso.

Napatawa na lamang ako dahil sa inaasta ni Knox.
Ibang iba sa knox na nakilala ko.

"paglulutuan kita. Diyan kalang" aniya ko sabay tap ng kaniyang ulo.

Good doggy

Nagluto ako at pinagmamasdan ko si Knox at mongshil. Mukha talaga silang mag ama.

Inihanda ko na ang aking niluto at inilagay sa tapat ni knox

"kain kana!" masayang aniya ko dito

Tumingin ito sa akin na parang bata "feed me please" aniya nito

Lihim akong ngumiti at mataray na tumingin sa kaniya "hindi ako personal assistant mo, kaya wag mo Kong utusan, kupal ka!" aniya ko

"i didn't command you im just invoke you" pagdadahilan nito

Asus!

Arte

"osiya osiya... Daming knows" aniya ko sabay sinubuan siya ng sunod sunod..

"oh... Inom ka na gamot!" nakangising aniya ko dito

"you always torture me!" aniya nito habang hawak hawak ang bibig..

"Ang tamad mo kasi... Kailangan pa subuan " singhal ko dito at agad na tumayo ngunit bigla niya akong hinila kaya naman napakandong ako sa kaniya

Hinampas hampas ko ito na agad niya namang inagaw ang aking kamay

"you're really back" nakangiting aniya nito na ikinahinto  ko

You're really back

You're really back

You're really back

Paulit ulit na nag e-echo sa utak ko

Anong ibig niyang sabihin?

Bakit ang lakas ng pagtibok ng puso ko?

Bakit niya ito ginagawa?

Bakit pakiramdam ko may alam siya?

Ano ba ang alam mo, knox?

Bumukas ang pinto at Dumating ang dalawa. agad akong bumababa sa pagkaka kandong kay knox.

"n-nandito na pala kayo" kinakabahan kong aniya at agad na lumapit sa kanilang pwesto

"akin na nga ito, ezra!" agaw ko sa mga pinamili nila.

Tulala parin sila at hindi makapaniwala sa nasaksihan nila.

"t-tyler.." aniya ni ezra sa akin

"aminin niyo nga saming dalawa" tumingin ako kay Finnick na seryuso ang itsura

Kinabahan ako at hindi makagalaw sa aking pwesto.
Samantala si Knox na naka sandal lang habang napakapikit na para bang, ayos lang na makita kaming ganun ang pwesto

Paano niya ba  ginagawa maging kalmado ?

"may tinatago ba kayo" seryusong boses ni Ezra

Patay!

Peste kang Knox ka!

Itutuloy...

𝙇𝙤𝙫𝙚 𝙞𝙣 𝘿𝙞𝙨𝙜𝙪𝙞𝙨𝙚 ²⁰²⁰-✔️Wo Geschichten leben. Entdecke jetzt