Bagsak ang aking mga balikat pabalik sa dorm namin.
Pagbukas ko ng pintuan nakita ko agad ang mga nakakalat na balat ng sitserya at mga nakakalat na boxer.
Tsk
"Oy, nandiyan kana pala!vro, Kumain kana ba? Ito popcorn "about na aniya ni ezra
Umiling ako at tinignan silang dalawa na busy kaka nood ng Jackie Chan.
"Saan ka galing vro? "Paguusisa ni Ezra
"Diyan Lang sa tabi tabi "aniya ko
Tumingin ito sa Akin at dahan dahang sinubo ang popcorn"Bakit hindi tayo nagka salubong? Sa tabi tabi din naman ako pumunta? " pabirong aniya nito
Tumawa ako at nakitawa rin ito samantala namang si Finnick tanging ngiti lang ang kaniyang ginagawa.
Pumasok nako sa kwarto at nagulat ako dahil sa mga naka salansang na damit at brief ang nakita ko sa kama ko
Kaya naman agad ko itong sinipa at nandidiring kunin ito
Errr... Grabe naman pala si knox hindi alam ang salitang kalinisan pati yung dalawang nasa labas.
Hayts
Humiga muna ako ng Ilang oras at tumayo upang ayusin ang mga nakasalansang na damit
Inayos ko ang mga nakakalat na gamit at inilagay sa tamang lalagyan at ang mga pinagpalitang damit ay inilagay ko sa basket .
Yung dalawang nasa labas ay natulog na din at iniwan Lang ang mga pinagkainan nila.
Agad ko itong nilinis at tinapon sa tamang basurahan.
Hayts...
Bumalik ako sa kwarto at nahiga.
Wala akong ganang kumain bala na magkaroon ng ulcerHayts!
siguro kailangan ko na talagang tanggapin na hindi ko magiging
ka-roommate ang isang conweySana
Sana
Talaga magka klase kami sa isang subject
Sana
Kinabukasan..
Alas 7 na ng umaga ng bumangon ako.
Nakaramdam ako ng matinding gutom syempre ikaw pa naman hindi kumain ng tanghalian at hapunan talagang mananakit ang tiyan moKakainis
Makapag luto nanga
Humikab ako at kumuha ng toothbrush sa aking gray na bag kinuha ko nadin ang wallet ko at inilagay sa bulsa ng pants ko.
Hayts hindi ko pa pala naayos itong mga damit ko... Mamaya na ngalang kailangan ko munang magluto!
Lumabas ako ng kwarto at pumunta sa cr kaso ngalang naka lock ito kaya naman sa lababo na lang ako nag toothbrush.
Habang nag to-toothbrush ako at kumakanta ng "brush brush brush 3x a Day" biglang bumukas ang pintuan at niluwa ang isang anghel na may anim na pandesal
Wow!
Na stun ako at ganun din siya.
Hindi ako makapaniwala na si Sungit ay nandito.
Wala ba silang tubig at dito nakikiligo sa dorm namin hmp!"tsk" asik nito
Ngumuso lang ako at inisip kong nadura ko ba ang tino-toothbrush ko
Lumaki ang aking mata at agad nag mumug ng tubig.
![](https://img.wattpad.com/cover/233277710-288-k990787.jpg)
YOU ARE READING
𝙇𝙤𝙫𝙚 𝙞𝙣 𝘿𝙞𝙨𝙜𝙪𝙞𝙨𝙚 ²⁰²⁰-✔️
Teen Fiction𝐒𝐡𝐞 𝐢𝐬 𝐊𝐢𝐧𝐝, 𝐆𝐞𝐧𝐞𝐫𝐨𝐮𝐬 𝐚𝐧𝐝 𝐤𝐢𝐧𝐝𝐚 𝐒𝐥𝐨𝐰-𝐰𝐢𝐭𝐭𝐞𝐝 𝐚𝐧𝐝 𝐦𝐨𝐬𝐭 𝐨𝐟 𝐚𝐥𝐥 𝐬𝐡𝐞 𝐢𝐬 𝐮𝐥𝐭𝐢𝐦𝐚𝐭𝐞 𝐟𝐚𝐧 𝐎𝐟 𝐀 𝐅𝐚𝐦𝐨𝐮𝐬 𝐕𝐚𝐫𝐬𝐢𝐭𝐲 𝐩𝐥𝐚𝐲𝐞𝐫. 𝐀𝐧𝐝 𝐓𝐨 𝐦𝐞𝐞𝐭 𝐚 𝐕𝐚𝐫𝐬𝐢𝐭𝐲 𝐩𝐥𝐚𝐲𝐞𝐫 𝐚𝐧...