Alas 7 na ng umaga nang magising ako, humikab muna ako at nilingon ang natutulog na Knox. Nakadapa ito at nasa lapag ang kaniyang kumot
"malikot pala matulog ang isang Knox" natatawang aniya ko
Agad kong kinuha ang kumot niya sa lapag at ikinumut sa kaniya.
Gaya nang nakasanayan pagsisilbihan ko ang mga kupal at papakainin si mongshil
"hi baby good morning" aniya ko dito sabay lapag ng kaniyang Dog Food
"arfff arff arff arff" kahol nito at sinimulan nang kumain
Hinihimas ko lang ang kaniyang buhok nang bigla may nag Doorbell.
"sino naman yun? Ang aga aga eh." inis kong aniya
Agad akong pumunta sa pintuan na nakabusangot at binuksan ito
Nagulat ako sa nakita ko
"hi" aniya nito sabay ngumiti
Agad kong sinara ang pintuan at sabay tumili
"omg!!!! Nag da-dayream ba ako? Jusqooo kung totoo o man toh salamat lord" aniya ko sabay tapik sa aking pisngi
Napakagat labi ako at sabay binuksan ang pintuan.
Nakita kong nakabusangot si Gio
"h-hi hehehe" bati ko dito
"naistorbo ba kita?" nag aalalang tanong nito.
Agad akong umiling
"nako, hindi noh!... Pasok ka" aniya ko rito sabay niluwagan ang pagbukas ng pintuan.
Ngumiti at umiling "hindi na!, naparito ako para dalhin itong pagkain sayo"
Nagulat ako at para akong maiiyak
"s-sa s-saakin?" hindi makapaniwalang tanong ko
Tumango ito "oo. Nakita ko ang ginawa mo sa bodega, napakalinis at napaka ganda at pinupuri ka din ng mga claqueurs team sa ginawa mo -" napakagat labi ako at hindi maiwasan mapangiti "at na gu-guilty ako sa nangyari" nakatungong aniya nito
Agad akong tumingin sa kaniya "na gu-guilty saan?" tanong ko dito
Huminga ito ng malalim "dahil hindi na kita nabalikan sa bodega, kala ko kasi ay umalis kana dahil hanggang 9 :am kalang dapat doon pero na laman ko kay kim na hinahanap ka nila" seryusong saad nito
Napatahimik ako at nag iisip kung ano ang sasabihin
"nag-alala talaga ako sayo, tyler" aniya nito na ikina angat ko ng ulo
nag-alala talaga ako sayo, tyler
nag-alala talaga ako sayo, tyler
nag-alala talaga ako sayo, tyler
Paulit ulit na naririnig ang salitang sinabi ni Gio. Nakaka adik yung boses niya.
Nakaka wala sa huwisyoTinapik ako ni Gio sa aking balikat "ayos ka lang ba?" tanong nito
Tumango ako at inamoy ang pabango niya.
Napakagat labi ako at inisip ang pag aalala niya
"g-gio"
Tumingin ito sa akin
"salamat" ngiti kong aniya
"saan?"
"sa pag aalala" nahihiya kong aniya
YOU ARE READING
𝙇𝙤𝙫𝙚 𝙞𝙣 𝘿𝙞𝙨𝙜𝙪𝙞𝙨𝙚 ²⁰²⁰-✔️
Teen Fiction𝐒𝐡𝐞 𝐢𝐬 𝐊𝐢𝐧𝐝, 𝐆𝐞𝐧𝐞𝐫𝐨𝐮𝐬 𝐚𝐧𝐝 𝐤𝐢𝐧𝐝𝐚 𝐒𝐥𝐨𝐰-𝐰𝐢𝐭𝐭𝐞𝐝 𝐚𝐧𝐝 𝐦𝐨𝐬𝐭 𝐨𝐟 𝐚𝐥𝐥 𝐬𝐡𝐞 𝐢𝐬 𝐮𝐥𝐭𝐢𝐦𝐚𝐭𝐞 𝐟𝐚𝐧 𝐎𝐟 𝐀 𝐅𝐚𝐦𝐨𝐮𝐬 𝐕𝐚𝐫𝐬𝐢𝐭𝐲 𝐩𝐥𝐚𝐲𝐞𝐫. 𝐀𝐧𝐝 𝐓𝐨 𝐦𝐞𝐞𝐭 𝐚 𝐕𝐚𝐫𝐬𝐢𝐭𝐲 𝐩𝐥𝐚𝐲𝐞𝐫 𝐚𝐧...