End

222 28 3
                                    


Miliano POV;

"Miliano Kyst Boss Master!"

Maingay na pumasok si Owen sa opisina ko. kunot kilay ko siyang tinignan ano na namang ginagawa rito n'yan nasaan na ba ang sekretarya ko at hinahayaan nitong makapasok ito rito.

"Nagawa mo na ba ang mga pinapagawa ko sayo?" Tanong ko, ibinalik ko ang tingin ko sa mga papel na nasa harap ko this is from Herera Company reading there companies background.

"Oo naman napaka basic lang ng pinapagawa mo." taas noo niya sagot.

"So anong mga nalaman mo?"

"Ito tignan mo Boss Master Salvatore" Inabot niya sa'kin ang isang kulay puting folder.

"Her name is Kalliste Aelin Herera the only daughter of Karlos Herera and his wife Lucy Herera." Aniya.

Binuklat ko ang folder na ibinigay niya sa akin. Kalliste Aelin 22 years old living in Los Angles, California. I scan more.

"And her favorite color is Red." Si Owen.

Masama ko siyang tinignan mga walang kwenta pinagsasabi niya anong pake ko sa kulay na gusto niya.

"Joke lang naman. Pero kung gusto mo siyang regaluhan at least alam mo na something red ganun." Natatawa niya pang sabi.

"Ano pang alam mo?" Tanong ko.

"Uyy intresado na siya. Sabi na e."

"Umalis kana sinasayang mo oras ko." Utos ko sa kanya.

"'to naman hindi mabiro, ito na talaga. She graduated at De La Salle with a master's degree in Accounting, CPA siya boss master. Kaso lumipad siya pa California at doon naging model siya ng iba't ibang mamalahing brand ng damit at bags." Mahaba niyang kwento.

"She's kind a spoiled brat sabi nila pero mukang hindi naman sa picture. And ito nga pala mga litrato niya habang naglalakad siya sa runway." Inabot niya sa'kin ang maraming litrato isa-isa ko yung tinignan.

"Thank you, you may now leave." Pag papaalis ko sa kanya ng hindi nakatingin at sa mga litrato lang ni Kalliste nakatutok.

"And wait, don't tell anyone about this."

"Pwedeng kunin ko muna yang mga picture? Ako nagpa developed n'yan." Tinuro niya ang mga hawak kong picture.

"No, anong gagawin mo rito? Just leave."

After my five meeting umuwi muna ako sa mansion dahil may family dinner kami. Nang makarating ako sa mansion ay sinalubong ako ng kapatid kong babae.

"Sup brother!" Bati niya sa akin.

"Nasaan si Mama?" Tanong ko sa kanya. Ngumuso lang siya sa kusina kung nasaan si Mama.

Tumuloy na muna ako sa kwarto ko para magbihis, matapos no'n ay bumaba na ako't pumunta ng kusina na datnan kong nakaupo na silang tatlo roon at hinihintay na lang ako.

"How's work, Kyst?" tanong ni Mama sa'kin. Nagsumula na kaming kumain.

"Okay lang. I finished reading the background company of the Herera family. Sure ba kayo na makikipagpartner tayo sa kanila?"

"Why son? Aatras ka ba, akala ko napag-usapan na natin 'to?" Si Daddy.

Umiling ako. "No I'm not naniniguro lang."

Natawa sila Melani and Mama, naging tahimik na muli ang kainan namin hanggang sa matapos kami. Suminyas sa akin si Papa na sumunod sa kanya kaya ganun ang ginawa ko. Pagpasok namin sa loob ng opisina niya ay nagtungo siya sa upuan niya kaya naupo na rin ako sa isa pang upuan na nakaharap sa kanya. Kasabay nun ang pagpasok naman ni Mama.

Unveiled Destiny Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon