Chapter Nine

194 33 0
                                    


Madilim na ng makauwi kami sa resort. Nauna siyang bumaba ng bangka para maalalayan niya rin akong makababa. Nang pareho na kaming natapak sa mga buhangin ay nagsalita siya.

"Let's go to them, they are in the minibar." Aniya.

"I'm going to check my phone first, mauna ka nalang susunod na ako." Paalam ko sa kanya.

Tumango siya, "Okay, una na ako."

Tinanguan ko siya at unti-unti siyang nalakad palayo sa'kin. Pabalik sa hotel ay sinalubong ako ng mga nag gagandahang ilaw na siyang nagbibigay liwanag at ganda sa paligid. Pumasok ako sa kwarto namin at agad na kinuha ang phone sa bedside kung saan ito nakapatong. Richard text me three times. Kaya agad ko iyong binuksan.

Richard: I have good news!

Richard: I'm going to you!

Richard: By next month hindi masyadong masikip ang schedule ko so may time na ako para makabalik sa pinas. And to meet you again, it's been a month, I missed you ;(

Agad akong nagtipa ng isasagot ko sa kanya, that's good to know makakapag bakasyon siya kahit papaano. Mabilis din naman siyang nakapag reply.

Richard: can I call you?

Hindi pa ako nakakapag type ay nag ring na ang phone ko. Nagdalawang isip muna ako bago ito sagutin. Miliano is wait for me outside, but siguro mabilis lang itong sasabihin ni Richard, kaya sinagot ko na.

"Hello?"

"I missed your voice, Kalliste." Bungad niya sa'kin.

"My voice missed you too." Natawa ako.

"I'm not joking here. Okay?"

"Okay sige sabi mo eh."

"I want you to pick me up in airport" Tumawa pa siya sa kabilang linya.

"Of course I will. Na-miss din kaya kita."

"Richard." Matabang kong tawag sa pangalan niya. I don't know kung kailangan ko pa bang sabihin sa kanya na ikakasal na ako, well he's my friend, I think at least he needs to know what's happening in my life, he's been my good friend for a years and I want him to be in my wedding day.

"I'm going to married." I smiled a bit, natahimik siya sandali.

"Kaya ba umalis sa trabaho natin" Base sa tono ng boses niya ay nalungkot siya sa sinabi ko. Tumango ako kahit alam kong hindi naman niya ako nakikita.

"Ayaw mo ba akong ikasal ha? Bakit parang malungkot ka r'yan?" pilit kong pinapasigla ang usapan namin.

"No, hindi naman. I'm happy for you, Kalliste. I'm so happy." Wika niya.

"And I want to meet him. Kapag ka nandyan na ako sa pinas."

"Oo naman. Kami magsusundo sayo."

Naging mahaba ang usapan namin. I think gumaan naman ang loob niya kahit papaano. I know Richard's temperament, he can't hide his feelings if he is mad or sad. Mabilis kong mahalata iyon sa tuwing magkasama kami. And he is disappointed on me. I broke our promise a year ago that before we're going to married someone we love we travel the world together.

But siguro hindi talaga sang-ayon ang tandahan sa mga ganun, he can still travel pa naman with his future wife right?

Matapos ang pag-uusap namin ay nag-ayos na ako ng kaunti 'tska napagpasyahang lumabas ng silid para puntahan sila Miliano. Papunta roon ay naririnig ko ang bandang tumutugtog para magbigay buhay sa maliit na bar na iyon.

Papunta na sana ako sa table kung nasaan sila pero para akong natapunan ng mainit na tubig sa nakita ko, nag init ang ulo kaya hindi na ako tumuloy sa pagpunta sa kanila.

"Yes, yes oo naman ako pa ba, kaya ko yan kailan ba? Next week?! Namputcha gege!"

"Oh may model pala akong katabi rito." Si Owen na katatapos lang makipag sigawan sa phone niya.

"I'm not a model any more." Sabi ko sa kanya. "Reggae Rum please." Utos ko sa bartender.

"Bakit ka nga pala nandito, Hinintay ka ni Miliano roon." Ngumuso siya kung na saan nakapuwesto ang mg kaibigan niya.

"I think its not."

"Ay sus!" iiling-iling siya at sabay kaming tumingi sa gawi nila Miliano.

"Tara na." hihilain na siya niya ako para umalis dito. "Mamaya dito muna tayo kwentuhan mo ako about Miliano." Wika ko.

"Hmm why? Kayo talagang mag-asawa lagi nyo nalang akong inaano." Iiling-iling niyang sabi.

"What do you mean?" Taka kong tanong. Ang weird naman ng isang 'to.

We both laughing habang nagkwe-kwento siya, minsan pa malakas yung halakhak niya kaya napapatingin ako banda kila Miliano baka makita kami. But that bastard didn't bother to look at here or looking for me, masyadong siya busy kay Abigail.

Nagtuloy-tuloy lang ang kwentuhan namin ni Owen. "Hinaan mo nga yang tawa mo." Utos ko sa kanya.

"Why, natatawa ako eh grabe kung makita mo lang talaga yun." Natawa muli siya.

"And alam mo ba na he do an investigation about you." I think Owen is drunk.

"He did what?!"

"Ay hala bakit ko nasabi yun?" bulong niya pero rinig ko 'yon. Napakamot nalang siya sa ulo niya.

"Wala yun. Alam mo kanina pa ako naiihi cr muna ako ha." Hindi man lang niya ako hinintay na magsalita.

Nag-stay muna ako saglit bago puntahan sila Miliano bitbit ang pang-limang baso ko ng cocktail.

Napako ako sa kinatatayuan ko sa nakita ko at nabitawan ko ang hawak kong cocktail glass, sabay-sabay silang napatingin sa gawi ko. Naitulak ng malakas ni Miliano si Abigail, at nagmadaling lumapit sa'kin si Miliano.

"'wag kang lumapit sa'kin." Banta ko sa Miliano.

"I will explain."

"No! no need to explain I see everything, seeing my man kissing other girl. Bullshit. Ano pang ipapaliwanag mo roon Miliano?" lalapit pa siya sa akin.

"'wag kang lumapit sa akin! 'wag mo akong hawakan. Nakakadiri ka!" nanginginig na sabi ko sa kanya.

"Kalliste, please let me explain." Pagpupumulit niya. Umiling ako, tinalikuran ko na siya nang magsalita siya ulit.

"You said you trusted me." Kita ko sa mga mata niya na naluluha na siya.

"Sinabi ko 'yon? Okay, you're a cheater and I'm a liar so it's fair."

Pinagtitinginan na kami ng mga tao roon. Naglakad na ako paalis at pumasok sa loob ng hotel, hindi ko alam saan na ako pupunta. Nasa iisang kwarto lang kami, siguro ay kukuha nalang ako ng panibagong room at doon magpapalipas ng gabi.

I need to call my mom, uuwi na ako wala ng dahilan para mag tagal pa ako rito. After what I saw. Explain himself neknek niya. Pumasok muna ako sa kwarto namin para kunin ang mga damit ko at phone.

"Kalliste, Please p-please let me explain. Hindi ko alam na hahalikan niya ako, nagulat ako sa ginawa niya." Sumunod pala siya sa akin at nag paliwanag pa.

"So anong gusto mong sabihin ko? Sige pinapatawad na kita? Ganun ba Miliano? You know nag sasayang lang tayo ng oras dito. Kung may relasyon kayo nung Abigail sige mag enjoy na kayo hindi niyo na kailangan magtago. You're a jerk, get out on my way!"

Unveiled Destiny Where stories live. Discover now