Chapter Two

247 40 2
                                    


Playtime ba to? How? Paano ko siya naging fiancé? Nagpalipat-lipat ang tingin ko sa kanilang tatlo. Ang daming tanong isip ko hindi ko alam kung ano pa ang uunahin.

"How..?"

"Ganito yan Kalliste.." Hindi na sundan ni Mommy ang sasabihin niya kaya humarap ako kay Daddy. Inalalayan siya ni Mommy at umayos siya ng upo.

"Kumalma ka muna, anak."

"Do you think kaya kong kumalma ngayon ha? Dad? Mom?"

"Iha.." si Mommy.

"Mi, nandito ako para kay Daddy hindi para mag pakasal!" Galit kong sabi sa kanila.

"Kalliste tumigil kana r'yan sa trabaho mo. Kailangan matuto ka nang magpatakbo ng kompanya natin. Wala ng ibang magmamana nito kung hindi ikaw. Hindi ka na babalik sa America." Ngayon ay si Daddy.

Nag-init ang ulo ko. Hindi ako pwedeng umalis sa ginagawa ko ngayon doon ako masaya. Pwede ko namang patakbuhin ang kompanya kung gusto nila, wag lang nila akong ipapakasal sa stranger.

Sinuklay ko ang buhok ko.

"No. I won't do that. Why would I marry a man I don't love, Are you all insane?"

Lumabas ako sa kwarto na yun. Kailangan ko ng hangin. Umupo ako sa labas at pinagmasdan ang mga taong labas pasok sa loob ng hostipal na iyon. Kahit anong sabihin nila hindi ako aalis sa trabaho ko ngayon. Sa pag momodelo. Rito na ako masaya ngayon.

Hindi ko nga alam kung may naghihintay bang kapalaran sakin dito. Isa pa maayos naman ang takbo ng negosyo namin. Bakit kailangan pa makipag sundo ha? At ako pa talaga ang kapalit?

Tumingala ako. Kahit kailan hindi ako bingo ng mga bituin na 'to, lagi nilang pinapaagan ang loob ko. Muli kong binalik ang tingin ko sa entrance ng hospital. Palapit sakin si Mommy.

"Kalliste, darling.. Alam kong ayaw mo ng ganito." panimula niya.

"Pinigilan ko siya ilang beses pero hindi siya nakinig sa'kin. Alam kong magagalit ka at hindi ka uuwi rito kapag nalaman mo'to.. Sweetie sorry. But please kahit ngayon lang pagbigyan mo ang Daddy mo."

"Simula bata lagi niyang binibigay ang gusto mo, kahit ang pumunta ka ng ibang bansa ay binigay niya sayo kahit tutol ko roon. Kaya please, Kalliste kahit ito lang.. Kahit ito lang ang isukli mo." Mahaba niyang paki-usap sa'kin.

"Pero, Mommy. Pang habang buhay kong dadalhin ang kasal na 'yon. Wala na bang ibang gustong ipagawa sa'kin si Daddy kahit ano, My?" nagbabaka sakaling may iba pang paraan.

Hindi siya nagsalita hinawakan niya ang aking mga kamay, tipid na ngumiti at umiling. "Kalliste, Please." 'tska siya umalis.

Tulala ako habang nakatangin sa unti-unting paglayo sa'kin ni Mommy, nang mawala siya sa paningin ko ay nagpakawala ako ng isang malalim na hininga.

Tama si Mommy lahat ng gusto ko binibigay nila I was a spoiled brat when I was a child and I think until now.

"There you are." tono ng isang driver.

"Why are you here? Sinusundan mo ba ako?"

Nakaupo siya sa dulo ng inuupuan ko.

"No. Sino ka para sundan ko?" siya.

Napaawag ang bibig ko sa sinabi niya. Wow sino ako? Sino nga ba ako?

"Umatras ka."

"Huh?" taka niyang tanong.

"Umatras ka sa roon sa kasal!" Inis kong sabi, boset ang slow.

"Bakit ako? Ikaw ng may ayaw hindi ba. Bakit hindi ikaw umatras inutusan mo pa ako."

I groaned.

"Nakita mo naman ng reaksyon nila kanina hindi ba? Hindi nila ako papayagan!"

He looked at me. At ngumisi.

"Kawawa ka naman."

O my ghad nang aasar pa ata 'to.

"Look, Kyst. I don't want to get married at the age of 22. Ang dami ko pang pwedeng gawin."

"Edi ngayon palang simulan mo na" He said.

Seriously? This guy is insane.

"You... Alam mo... Ikaw nakakainis ka do you like me ba ha? kaya ayaw mong ireject si Daddy?" Galit kong tanong. Unti nalang ihahampas ko na sa muka niya tong hawak kong purse.

"Hmm maybe?"

You Kyst. You getting into my nerves.

"I don't like you jerk and I will never love you." I shouted.

Tumawa siya at naka pamulsang tumayo.

"Take a look and we will see." Sabi niya bago niya ako talikuran.

Awang ang mga labi kong sinundan siya ng tingin paalis. This is bullshit. Ano ng gagawin ko ngayon ha?

Bumalik ako sa loob ng hospital at dumiretso na sa room ni Daddy. Sa labas ay naka awang ng konti ang pinto. Isang doctor at nurse ang bumungad sakin.

Inaasikaso ng nurse si Daddy habang si Mommy naman ang kausap ng lalaking doctor. Tumingin muna sila saglit sa'kin at nagpatuloy sa paguusap.

Umupo muna ako sa isa sa mga upuan dito at kinuha muna ang phone ko. There's a message from Madame and Richard and also from my other co-models.

Richard: Hello. How you are there? Hindi ka nagtext kung nakalapag kana ba or what.

Madame: Good morning there Kalliste, be safe.

At ang iba ko pang mga kaibigan ay nag message kaya nireplyan ko rin sila.

Habang abala ako kakadudot dito sa phone hindi ko napansing nag aayos na pala sila Mommy.

"Pwede ng umuwi si Daddy?" Tanong ko sa kanila.

"Yes, sweetie magpapasundo nalang tayo sa driver umalis na kasi si Kyst nagkaroon daw ng problema. Nagkausap ba kayo kanina hinahanap ka niya."

"Bakit hindi n'yo nalang siya kunin na driver kaysa sa maging asawa ko?"

Nakita ko ang pag babago ng ekpresyonsa muka nila.

"Joke lang po. Opo nagkausap kami kanina pero hindi niya sinabing aalis na siya." Aniko.

Parehong nagtatakaang mga muka nila ngayon. Anong gagawin ko e yun namang ang totoo hindi siyanag-paalam nang-inis lang siya. 

Unveiled Destiny Where stories live. Discover now