Chapter Seven

212 38 3
                                    


Nakasunod lang ako kay Kyst habang hila-hila niya ang dala naming gamit, meron daw kasi siya business meeting sa Pampanga at gusto niya akong isama. Well gusto ko rin ang ideya niya na 'yon kaysa naman sa magmukmok lang ako dito sa condo niya ng isang linggo.

Lumingon siya sa akin ng naka salalubong ang mga kilay kaya binilisan ko na ang lakad ko palapit sa kanya.

"Ilang oras ang byahe roon galing dito?" Tanong ko.

Nakakunot na naman ang noo niya at salubong ang mga kilay.

"Nagtatanong lang naman ako bakit na gagalit ka d'yan, ikaw ata 'tong nireregla eh" inuhan ko na siyang malakad palapit sa kotse niya.

"Hindi d'yan dito." Lumiko siya sa ibang direksyon.

SUV car ang bumungad sa amin. Tatanungin ko pa sana kung sa kanya ba ito, mukang sa kanya nga.

"Pumasok kana" utos niya sa akin.

Sinimagutan ko siya. Ang sungit na nga ang bossy pa!

"Dalawang oras ang byahe papunta roon kaya magpahinga ka muna." Sabi niya.

Hindi ko siya pinansin tinuon ko nalang ang tingin ko sa daan. May kinuha pala siyang driver kaya pareho kaming nasa passenger seat nilingon ko siya busy siyang magtipa sa phone niya. Napairap ako, wala akong choice kung hindi ang matulog nalang.

Nagising ako dahil umalog ang unan ko. May unan bang umaalog? Napaayos ako nang upo, hindi pala unan yun balikat na pala ni Miliano ang natulugan ko. Sinilip ko ang labas pati ang driver sit wala ng nakaupo roon nandito na pala kami.

Bumungad sa akin ang magandang hotel. Kung saan kami tutuloy mamaya. Nang makarating sa loob ng isa sa mga kwarto ng hotel ay namangha ako sa nakita ko may malaking balcony roon tulad ng sa condo ni Kyst but mas maganda ito tanaw sa labas ang kulay berdeng paligid dahil sa mga puno at palayan na nakikita rito.

Sininghot ko ang hangin sa labas, at hindi siya masakit sa ilong parang ang sarap naman tumira sa ganitong lugar. I never felt this before, I never been here like this kind of place since when I was a child every time na magtratravel kami we always go abroad and now I know that this is so really relaxing.

"Did you like the view?" tanong ni Kyst sa likod ko, kaya nilingon ko siya.

I smiled and nodded. "Oo gustong-gusto ko, ngayon lang ako nakarating dito."

Lumapit siya sa akin at tumabi. "That's good, be ready aakyat tayo sa rooftop may naghintay sa atin doon." Sabi niya sabay gulo sa buhok ko.

"Okay na 'tong suot ko. Tara na." pagyaya ko sa kanya.

He looked at me head to foot. Dahan-dahan siyang tumango. Napatingin tuloy ako sa sarili ko, wala namang mali sa suot ko. I'm just wearing casual dress and sandal. Tinaasan ko siya nang kilay.

"What. let's go na? sino ba yang naghihintay sa atin sa taas?" tanong ko sa kanya.

Pero hindi niya ako sinagot, pumasok lang siya ng banyo napasinagot akong muli. Panget talaga ng ugali ng lalaking 'to.

Nang makarating sa rooftop ng hotel ay may narinig na akong mga tawanan. Baka mga ka business partner lang ito ni Kyst.

"Omg! They here na!" sigaw ni Desiree mula sa inuupuan niyang sun lounger. Bumungad sa akin ang isang malaking pool at mga umbrella cottage.

Naka ngiti ko silang binati at nakipag beso pa sila sa akin, kung nung nakaraan ay tatlo lang silang na meet ko ngayon ay may nadagdag sa kanila. I smiled at her pero inirapan niya lang ako. Nanliit ang mata ko sa ginawa niya sa akin, I looked at her head to foot she's wearing cheeky swimsuit, her body is perfect like mine. Kung iisipin ng iba ay para siyang modelo tulad ko.

Unveiled Destiny Where stories live. Discover now