A/N:
Hi again! Para naman 'to sa lahat para atleast maging aware tayo. Ako rin naman nagkakamali pagdating sa ganito kaya sana makatulong talaga 'to sa ating lahat. Keep on writing! <3
MGA BANTAS
1. TULDOK (.)
Gamit ng Tuldok (Period)
A. Ang tuldok ay ginagamit na pananda . Ginagamit din sa katapusan ng pangungusap na paturol at pautos.
Halimbawa:
a. Ang ganda ni Vien ay malarosas ang katulad.
Ito ay tuldok sapagkat hinantulad niya si Vien sa rosas.
• Ngunit kung ang pangungusap ay nagtatapos sa mga pinaikling salita hindi na dinadalawa ang tuldok.
Halimbawa:
a. Ako ay nag aaral sa malayong lugar at ito'y matatagpuan sa Maynila ang P.N.H.S.
Hindi na maaaring umulit sa tuldok pa ang dulo dahil may tuldok na ito.
B. Ang tuldok ay ginagamit sa mga salitang dinaglat gaya ng ngalan ng tao, titulo o ranggo, pook, sangay ng pamahalaan, kapisanan, buawan, orasan, bansa at iba pa.
Halimbawa:
a. Si Gng. Santos ang aming guro sa assignaturang Matematika.
Pagpapakilala sa isang tao.
C. Ang tuldok ay ginagamit pagkatapos ng mga tambilang at titik sa bawat hati ng isang balangkas o ng talaan.
Halimbawa:
I. II.
A. A.
B. B.
1. a.
2. b.
* Ngunit hindi tinutuldikan ang mga tambilang at titik kapag kinukulong ng panaklong.
(a) (b) (1) (10)
D. Ang tuldok ay ginagamit sa di-tuwirang pagtatanong.
Halimbawa:
a. Itinatanong niya kung ako kung ako ay kabilang sa patimpalak ng pagsulat ng tula.
Hindi ito patanong kundi tuldok sa hulihan dahil nagpapaliwanag lamang ito.
2. PANANONG (?)
Gamit ng Pananong (Question Mark)
A. Ang pananong ay ginagamit sa katapusan ng mga pangungusap na patanong.
Halimbawa:
a. Ano ang gusto mong kainin mamayang hapunan?
B. Sa loob ng panaklong upang mapahiwatig ang pag-aalinlangan sa diwa ng pangungusap.
Halimbawa:
a. Si Emilio Aguinaldo ay pangatlong (?) pangulo na namuno sa Pilipinas.
Hindi siya pangatlo kundi una.
3. PADAMDAM (!)
Gamit ng Padamdam (Interjection)
Ang bantas na pandamdam ay ginagamit sa hulihan ng isang kataga, parirala o pangungusap na nagsasaad ng matindi o masidhing damdamin.
Halimbawa:
a. Hala! Ang ganda niya.
Nagpapahayag ng paghanga.
4. KUWIT (,)
Gamit ng Kuwit (Comma)
A. Ginagamit upang ihiwalay sa pangungusap ang salitang ginagamit na palagyong panawag.
Halimbawa:
a. Bell, maganda ka tandaan mo.
Ang kuwit ay ginagamit pagkatapos banggitin ang pangalan ng tao.
B. Ginagamit pagkatapos ng bating panimula ng liham pangkaibigan o pansarili.
Halimbawa:
YOU ARE READING
Source of Data
RandomIt's all about how to be more productive and good writer as well. Giving some tips, advices,lesson,experiences and other things to improved our personality as a writer. It also includes facts that will be beneficial to all of you my co-writers. Alwa...
