A/N:
Para 'to sa lahat lalo na sa mga manunula(t) na mahilig sa paggawa ng tula sana makatulong.
Keep on reading lang mga bb's.
TULA
Ang panulaan o tula ay isang uri ng sining at panitikan na kilala sa malayang paggamit ng wika sa iba't ibang anyo at estilo. Pinagyayaman ito sa pamamagitan ng paggamit ng tayutay. Ang mga likhang panulaan ay tinatawag na tula.
Ang Mahusay na tula ay dapat...
1)May larawang Diwa
2)Gumigising ng Damdamin at Kamalayan
3)Pinapagalas ang guni-guni ng mambabasa
Mga Elemento o Sangkap ng Tula
1)Tᑌᒪᗩ
-Pagkakatulad o pagkakahawig ng mga tunog sa huling pantig ng bawat taludtod ng tula.
Halimbawa:
Sa loob at labas ng bayan kong sᴀᴡɪ.
Kaliluha'y siyang nangyayaring ʜᴀʀɪ,
Kagalinga't bait ay ɴᴀʟᴜʟᴜɢᴀᴍɪ
Naamis sa hukay ng dusa't ᴘɪɢʜᴀᴛɪ
TᑌGᗰᗩᗩᑎG ᑭᗩTIᑎIG
▪ pagtutugma ng tunog na kung saan ang salita ay nagtatapos sa patinig.
[A, E, I, O, U]
TᑌGᗰᗩᗩᑎG KᗩTIᑎIG
▪pagtutugma ng tunog na kung saan ang salita ay nagtatapos sa katinig.
Nagtutugma: b,k,d,g,p,t,s
Nagtutugma: l,m,n,ng,w,r,y
2)SᑌKᗩT
-Bilang ng pantig sa bawat taludtod. Ang mga tradisyonal na anyo ng tula ay may sukat na 12,14,16. Kung lalabindalawahin ang sukat, ang sesura o hati ay nasa ikaanim na pantig.
Halimbawa:
Ang lahat ng it /̷omaawaing langit,
Iyong tinutunghay /̷ ano't natitiis?
Wala ka ng buong /̷ katwiran at bait,
Pinapayagan pang /̷ ilubog ng lupit.
-Dagdag Kaalaman-
▪Ito ay tumutukoy sa bilang ng pantig ng bawat taludtod na bumubuo sa isang saknong. Ang pantig ay tumutukoy sa paraan ng pagbasa.
Halimbawa:
isda – is da – ito ay may dalawang pantig
is da ko sa Ma ri ve les – 8 pantig
Mga uri ng sukat
1. Wawaluhin –
Halimbawa:
Isda ko sa Mariveles
Nasa loob ang kaliskis
2. Lalabindalawahin –
Halimbawa:
Ang laki sa layaw karaniwa’y hubad
Sa bait at muni, sa hatol ay salat
3. Lalabing-animin –
Halimbawa:
Sai-saring bungangkahoy, hinog na at matatamis.
Ang naroon sa loobang may bakod pa sa paligid.
4. Lalabingwaluhin –
Halimbawa:
Tumutubong mga palay,gulay at maraming mga bagay.
Naroon din sa loobang may bakod pang kahoy na malabay.
3)SᗩKᑎOᑎG
-Ang saknong ay isang grupo sa loob ng isang tula na may dalawa o maraming linya (taludtod).
2 linya - couplet
3 linya - tercet
4 linya - quatrain
5 linya – quintet
6 linya - sestet
7 linya - septet
8 linya - octave
Ang couplets, tercets at quatrains ang madalas na ginagamit sa mga tula.
4)ᑭᗩKSᗩ/KᗩISIᑭᗩᑎ
- Mga nabubuong kaalaman o kaisipan, mensahe, pananaw, saloobin na nais iparating.
Halimbawa:
"Ang Guryon" ni Lidefonso Santos
Kapag hindi matibay ang pisi ng isang guryon, ito ay maaaring bumagsak tulad ng tao na nagpakataas at di inaalagaan ang matagal na pinapangarap ay tiyak na babagsak.
YOU ARE READING
Source of Data
RandomIt's all about how to be more productive and good writer as well. Giving some tips, advices,lesson,experiences and other things to improved our personality as a writer. It also includes facts that will be beneficial to all of you my co-writers. Alwa...
