5)TᗩᒪIᑎGᕼᗩGᗩ
-Nagpapagalaw ng guni-guni ng mga mambabasa likas na taglay na tula, pagpili ng salita at tayutay na nagbibigay ng kariktan sa tula.

↩️ Papasok na dito ang mga uri ng tayutay ↩️
PS: I-lelesson ko 'to next day na kasi masyadong marami at kailangan ninyo muna magfocus sa dapat.

6)IᗰᗩᕼE O ᒪᗩᖇᗩᗯᗩᑎG ᗪIᗯᗩ
-Nabubuo sa pamamagitan ng pag-uugnay ng mga bagay sa paligid o konsepto sa nais ipakahulugan.

7)ᗩᒪIᗯ-Iᗯ
-Maindayog na pagbigkas na karaniwang taglay ng tradisyonal na tula.

PS: Next day ko na rin ipapaliwanag ang tradisyunal na tula dahil isa ito sa mga anyo ng mga tula at para mas maunawaan ninyong mabuti. Inuulit ko mas mabuting magfocus kayo sa dapat o yung pinaka pundasyon muna.

8)TOᑎO
-Damdaming nakapaloob sa tula na maaaring pagkalungkot, masaya, pagkagalit,at iba pa.

9)TᑌGᗰᗩ
-Isa itong katangian ng tula na hindi angkin ng mga akda sa tuluyan. Sinasabing may tugma ang tula kapag ang huling pantig ng huling salita ng bawat taludtod ay magkakasintunog. Lubha itong nakaga- ganda sa pagbigkas ng tula. Ito ang nagbi-bigay sa tula ng angkin nitong himig o indayog.

Mga Uri ng Tugma

1. Hindi buong rima (assonance) - paraan ng pagtutugma ng tunog na kung 
saan ang salita ay nagtatapos sa patinig.
Halimbawa:
Mahirap sumaya
Ang taong may sala
Kapagka ang tao sa saya’y nagawi
Minsa’y nalilimot ang wastong ugali

Para masabing may tugma sa patinig, dapat pare-pareho ang patinig sa loob ng 
isang saknong o dalawang magkasunod o salitan.
Halimbawa: 
a a a
a a i
a i a
a i i

2. Kaanyuan (consonance) - paraan ng pagtutugma ng tunog na kung saan 
ang salita ay nagtatapos sa katinig.
a. unang lipon, mga salitang nagtatapos sa – b, k, d, g, p, s, t
Halimbawa:
Malungkot balikan ang taong lumipas
Nang siya sa sinta ay kinapos-palad

b. ikalawang lipon, mga nagtatapos sa – l, m, n, ng, r, w, y
Halimbawa:
Sapupo ang noo ng kaliwang kamay
Ni hindi matingnan ang sikat ng araw

10)KARIKTAN
-Kailangang magtaglay ang tula ng maririkit na salita upang masiyahan ang mambabasa gayon din mapukaw ang damdamin at kawilihan.

Halimbawa:
Siya ay isang aya na binibini.
Aya-ibig sabihin maganda.

11)ANYO
-Porma ng tula.

12)PERSONA
-Tauhang nagsasalita sa tula.
Ito ay tumutukoy sa: una, ikalawa o ikatlong panauhan


MGA ANYO NG TULA

1)TRADISYONAL
📌 Ito ay sumusunod sa lumang pamamaraan ng pagsulat.
Nagtataglay ito ng apat na sangkap; sukat,tugma,talinghaga at kaisipan?

-Ano ulit ang Sukat?
Tugma?
Talinghaga?
Kaisipan?

Ibigay ang pagkakahulugan base sa natutunan sa nakaarang talakayan.

HALIMBAWA:
    Sa langit na iyon,agham ay may haka,
    Walang katapusan, diya'y naglipana.
    Ang napakaraming bitui't bantala.
   O! Saan hahantong ang ganiyang hiwaga?
     -"Ang Diyos at ang Agham" ni Conrado C. Fajardo

HAIKU- 3 na Taludtod
           Sukat: 5-7-5
Dapat bayaran,

Utang sa kaibigan

‘Wag kalimutan

TANAGA- 4 na Taludtod
                Sukat: 7 pantig bawat taludtod.
Nahihiya ang dalaga,

Mukha’y ayaw ipakita.

Nagtatago sa balana,

Sa hipo ay umaalma.

-Makahiya

DIONA- 3 na Taludtod
             Sukat: 7 pantig bawat taludtod.
             May tugma.

Halimbawa:

Ang payong ko’y si inay
Kapote ko si itay
Sa maulan kong buhay
-Raymond Pambit

SONETO-14 na Taludtod
           May striktong tugmaang sinusunod;
           ABBA ABBA CDE CDE
  b-a-b, c-d-c-d, e-f-e-f, g-g 
Soneto 130 ni William Shakespeare

Mata ng irog ko’y hindi maningning na langit, (a)

Labi niya’y hindi kasing pula ng rosas. (b)

Kung ulap ay puti, ang balat niya’y putik. (a)

Buhok niya’y alambreng tinik na napakatigas. (b)

Samutsari ang kulay ng mga balaklak, (c)

Subalit walang bulaklak sa pisngi niya, (d)

At ang mga pabango’y may halimuyak (c)

Na di maamoy sa kanyang hininga. (d)

Kung kausap ang irog, ako’y natutuwa, (e)

Subalit mas masarap makinig sa musika. (f)

Ewan ko kung paano maglakad ang diwata: (e)

Ang irog ko, napakabigat ng paa. (f)

Gayunman, lintik! ang irog ko’y walang katulad. (g)

Lahat ng paghahambing ay madaya at huwad. (g)


2) MALAYANG TALUDTURAN
📌Mga tulang walang sukat at tugma ngunit nagtataglay naman ng talinghaga at kaisipan.

HALIMBAWA:
       Sa  bawat araw na nagdaraan
       May mithiin tayong gagampanan
      Marangal na hangarin
      Taos sa damdamin
      Tumutulong sa kapwa, ating adhikain.
  - "Kapit Kamay" ni Fernando Nocum

3)BLANGKONG BERSO
📌Mga tulang mayroong sukat ngunit walang tugma.

HALIMBAWA:
   Marikit ang kanyang mata
     At ako ay napukaw
   Ang tinig niyang agaw-pansin
      Tila, musika't liriko.
  -"Aking Binibini" ni Angge


Source of DataWhere stories live. Discover now