1

12 1 2
                                    

"Tara na, Lourd!" sabi ko.

Lakad takbo na ang ginawa ko huwag lang maunahan ni Ma'am sa room habang etong pinsan ko eh pa chill chill lang na kala mo naglalakad sa buwan.

"Sige na una kana, sunod ako."

"Manda ka saken maya, sumbong kita sa nanay mo!" binelatan ko siya at nagmadali na.

Nang makarating ako sa room, nagulat ako ng wala akong nakita maski isa sa mga kaklase ko.

"What the heck?! Nasaan mga tao dito?! Madaling madali pako tapos wala akong madadatnan?!" naiinis na sabi ko.

Nilagay ko nalang ang gamit ko sa upuan at nag-antay pa ng saglit ng nakita ko ang isa kong kaklase patungo dito.

"Psst! Bat wala kang bag? Ano ba yan, nagmadali pako kala ko late na ko. Asan na ba yung iba? Absent?." tanong ko sa kanya ngunit tinitigan niya lang ako na parang nawi-weirduhan na sa akin.

"Uh, pumunta ako dito kasi may naiwan ako hehe at nasa audi kami lahat kung hindi mo alam. Pero bat di mo alam nandoon naman yung pinsan mo. Thanks me latur!" sabi niya.

"WHAT?! Humanda talaga sa akin yan si Lourd! Kaya pala pinauna na ako dito eh nakita niya ata sila sa field! My gash! Mamamatay ako ng maaga dito sa pinsan ko!" inis na sabi ko sabay takbo papunta sa audi na napakalayo pa.

Pagdating ko sa auditorium nandoon nga sila lahat kaya patago akong lumapit ng hindi ako mapansin ni Ma'am. Nakita ko si Lourd na tahimik na nakikinig sa may gilid at saktong walang nakaupo sa tabi niya kaya doon ako umupo.

"Alam mo napakagaling mo, Lourd." plastik kong sabi.

"Ay, alam ko naman yon maliit na baga-" Hindi niya na naituloy ang sinasabi niya dahil binatukan ko siya agad ng hindi ma gets ang sinabi ko. "Aray ko naman! Sino ka b-?! Oh Iana, ikaw pala yan sabi ko susunod ako sa next class e." sabi niya at tumatawa pa.

"Lintek lang ang walang ganti." mariin na tugon ko.






You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Aug 11, 2020 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

Peace Be With You (The Church Series #1)Where stories live. Discover now