Simula

21 0 0
                                    

Simula

Have you ever search for you peace that you don't want to wake up feeling bothered, angry, with negative thoughts and everything?

Ang San Agustin Church ay nagsisilbing kapayapaan ko. Alam ne'to lahat lahat sa akin simula pagkabata ko dahil dinadala ako dito ng magulang ko. It feels safe. It feels that everytime I go there, myself is at peace. My heart feels so light and happy. Pero minsan madalas, swertihan lang yan. Nangyare ang hindi inaasahan at nawala ang aking kapayapaan, kahit magpunta pa ako sa San Agustin...

"Hoy, Faith" tawag sakin ni Lourd.

Umagang kay sarap iumpog sa pader.
Kakagising ko lang mula sa pagkahimbing himbing na pagtulog ko at nagulat ng may impaktong sumalubong sa mukha ko.

Kinusot-kusot ko muna ang mata ko bago tiningnan ang oras. It's 8:30 in the morning at mamayang alas dose pa ang pasok namin sa school ni Lourd, sabay na kaming pumapasok lagi since same school lang naman kami.

"Ano na naman ba, Lourd?" asiwa kong tugon.

"Anong ano na naman ha? Pers dey naten hoy ano di kana papaso-"

Bigla kong tinampal ang kanyang bibig ng naalala ang sinabi niya. So annoying niya talaga kalalaking tao putak ng putak.

"Hoy Lourd Satanous na mukang anghel pero demonyo, ano ulit tinawag mo saken?!"

Hinila hila ko ang kaniyang buhok hanggang sa malagas at maging kalbo pero joke lang syempre.

"Uh- hehe, wala ano yon? guni guni mo lang ata yon no? di kaya kita tinawag na Faith." sabi niya biglang takbo.

"LOURD! Alam kong alam mo na ayaw na ayaw na ayaw kong tinatawag ako ng second name ko tapos tatawagin mo ako ng ganon? How dare you!" sigaw ko sabay hawak sa puso na parang nasasaktan.

Naligo na muna ako at bumababa sa hapag dahil nandoon na sila lahat at ako nalang ang hinihintay.

"Morning Mom, Dad, Tito, Tita." nakangiting bati ko sa kanila sabay halik sa pisngi.

"Eat first, baby" sabi ni mama.

"Thanks, Mom." sambit ko.

Habang nilalagyan ni mama ng pagkain ang pinggan ko, Nakikinig lang ako sa kwentuhan nina papa at tito bigla akong napatigil ng nagsalita yung asungot.

"Yuhu Iana, Nandito din ako di mo ako babatiin?" sabi niya na may pakaway-kaway effect pa.

Umismid ako ng tumingin sa kaniya.

"Di 'mo sure, Lourd" sabi ko sabay taray.

"Egul tayo sayo, lods." tugon niya habang humahalakhak.

Nakakagigil tong pinsan ko na'to. Oh my ghad! Araw-araw akong gigising ng may ganitong makikita kailangan masanay na'ko. Hay nako! Kainis.

Sa mga hindi nakakaalam at ngayon malalaman niyo na, pinsan ko nga pala 'tong asungot na to.

Lourd Satanous Dominguiano, her cousin. Nakatira sa bahay, kasama ang pinsan niyang maganda. Laging nambubulabog. Panira ng araw. Peace Wreaker kung tawagin ko pero syempre mahal ko yan.

Ewan ko nga kung bakit lagi akong naiirita. Pinanganak ata ako sa sama ng loob e. Nung napaulan ng sama ng loob baka sinalo lahat ng nanay ko kaya ganito ako ngayon.

"Lourd! Tara na alas diyes pasado na! Daan tayo sa Agustin ha!" sigaw ko sabay irap sa ere.

Tiningan ko ngayon ang pinsan ko tumatakbo patungo sakin habang inaayos pa ang kanyang necktie.

"Oh, tara na ano hinihintay mo pasko? HAHAHA! Dadaan pa tayo sa Agustin bilisan mona!"

Habang nagmamaneho si Lourd ay nagpapatugtog naman ako sa player niya. Ganoon lang ang routine ko araw-araw wala naman akong sariling sasakyan pa.

Dadaan kami ngayon sa San Agustin Church, ayon lagi ang pinupuntahan ko at sinasamahan lang ako ni Lourd pag wala siyang ganap sa buhay niya. Minsan pa nakakasabay na din namin si Crisha, kaibigan namin. Sabagay, 11:00 palang naman sanay naman kami ne'to pumasok ng late.

Pagdating namin sa San Agustin, nagulat ako na may misa pala ngayon. Nagtirik nalang kami ng kandila at nagdasal dahil hindi naman kami makakapasok.

"In the name of the Father, the Son and the Holy Spirit. Ame-"

Natigil ako ng sikuhin ako ni Lourd at ngumunguso-nguso pa.

"Ano?! Nakita mo bang nagdadasal ako dito, ha?! mahinang sigaw ko.

Tiningnan ko kung ano ang nginunguso-nguso netong pinsan ko ng wala naman akong nakita agad ko siyang binatukan.

"Aray ko naman, Iana! Nakakasakit kana ah! You hurts me ha!" sabi niya.

"Ano daw?! Arte mo!" singhal ko at tumahimik na siya.

Liningon ko ulit saglit yung direksyon na tinuro niya at isang lalaking nakatayo sa gilid ng pinto ng simbahan ang nakita ko.

"Huh? Sino naman yon?" bulong ko sa aking sarili.

Nakapagtirik na ako ng kandila at inaantay nalang ako ni Lourd na matapos magdasal at gagayak na kami papuntang school. Nang matapos ako sa mga ginawa ko, liningon ko ulit kung saan nakapwesto yung lalaki kanina pero nawala na siya. Napairap nalang ako sa ere.

"Sinong iniirapan mo dyan? Hala! May nakikita ka bang hindi ko nakikita ha, Iana?!" sabi niya sabay kapit na parang tuko sa braso ko.

"Sinasabi mo?! Umalis ka nga! Letse!" martsa papuntang kotse.

"Attitude ka bhie?!" sabat niya.

Papunta na akong sasakyan namin ng may nakabunggo ako. Napatigil lang ako saglit at napairap.

"Peace I leave with you, my peace I give unto you; not as the world giveth, give I unto you. Let not your heart be troubled, neither let it be afraid." Father.

"Peace be with you."

"Hoy, anong sabi mo?!" "Anong peace be with you ka dyan?! Weirdo. sabi ko at martsa ulet papuntang sasakyan.

"Peace be with you eh wala naman siya sa simbahan."

"Hoy sunget, hindi mo ako hinintay pamartsa martsa ka pang nalalaman dyan. Nakita ko yun ah, sino yon?" si Lourd.

"Malay ko sayo, sundan mo kaya ng malaman mo no? Bilisan mo na late na tayo oh! Dami mo pang satsat dyan!"

"Hatep idle ka talaga." sabi niya at pinaandar na ang sasakyan.


Habang nasa sasakyan wala akong magawa kaya nagtanong ako jay Lourd.

"Lourd? Sometimes, do you have the feeling tha-" hindi ko pa natatapos ang tanong ko nagsalita na siya.

"Anong feeling? Hoy di tayo talo ha magpinsan tayo kadiri ka naman! Incest!" sabi niya sabay sign of the cross.

Napairap nalang ako at tumingin na lamang sa labas ng bintana. As usual, wala naman akong makukuhang matinong sagot kay Lourd.

Peace Be With You (The Church Series #1)Where stories live. Discover now