Eleven

1 0 0
                                    



Isang linggo na di pumapasok si Kyle. Tuloy padin ang panliligaw kuno ni Daphnee, kinausap ko sya isang beses na tumigil sya dahil masyado pa kaming bata para doon. Pero di sya nakikinig, kung anu-ano ang binibigay nya sakin. Naiinis na din ako kasi gumagastos sya sakin!

Sakto lunes ngayon, naglalakad ako papunta sa room sa oval na ako dumaan para isang daanan nalang. Sana pumasok na sya.Muli akong napabuntong hininga.

"Hi! Magandang Umaga sayo!" Nagulat ako sa boses at pagsulpot nya sa gilid ko. Nakangiti sya sakin at fresh na fresh sa suot nyang uniporme.

"Bakit ngayon kalang pumasok?" Deretsong sabi, nagulat ako sa mismong lumabas sa bibig ganon din sya pero agad napawi ng ngiti.


"Namiss mo ba ako?" Mabilis ko syang inirapan at inuhan maglakad. Nakangiti akong nagtuloy, Kumaway sa akin si Jemmie sa di kalayuaan.



"Ang aga aga ang landi!" Birit agad ni Jemmie sa akin. Ngumiti nalang ako sa kanya na parang naasar ako sa sinabi nya, pumasok na kami sa loob sakto dumating na agad ang guro.

3rd sub. Math, Nag didiscuss lang si Miss Kasey. Bagot na bagot ako! Naiintindihan ko sya na hindi.

"Jamandre!" Napatingin ako kay harap ng sumigaw ni Miss Kasey. Ang sama ng tingin nya sa likudan ko!

"Tumayo ka dyn! Islove mo to! Kanina pa kayo daldalan ng daldalan ni Ronsairo diyan sa likod! Akala nyo di ko kayo naririnig?! Sagutan mo ito!"

Tumingin ako sa likod ko, kamot kamot ni Kyle ang batok nya.

"Ano?! Hindi mo sasagutan?! Ang galing galing nyong makipag kwentuhan! Sagutan mo ito! Ilang araw ka ng di pumapasok ngayon ka lang pumaso? Pasulpot sulpot ka sa klase ko! Ano ka kabute?! SAGOT!"

"Tang ina naman oh" Rinig kong bulong ni Kyle, Tumingin ako sa white board at tinignan ko ano yung isosolove. Mabilis akong nag compute sa notebook ko.

"Ano hindi mo alam? Ang dali dali niyan!"

"Teka ma'am may kunin ko lang notebook ko, may sagot doon"

"May sagot .. Bilisan mo!"

Mabilis kong pinunit ang isnag pirasong papel, sakto pabalik si Kyle kaya pasimple kong inaboy sa kanya iyon. Kumonot pa ang kanyang noo, pinandilatan ko sya ng mata.

"BILIS!"


Mabilis na pakilos si Kyle at nagsagot sa Pisara. Ngiting ngiti sya ng tumama ang sagot nya tumingin sya sakin at kumindat!

"Uyyyy!!" mabilis naman pinagtutulak ni Jemmie ang braso ko! Inis ko syang tinignan. "Ang landddiiii!" Birit nya.

"Rose!" biglang suway ni Ma'am.

"Yes ma'am?!" Nakangiting sagot nya.

"Isolve mo to! Isa ka pa! Ang lakas lakas ng bunganga mo!" Hiyaw nanaman ni ma'am. Tumayo nalang si jemmie at marahan pang kinembot ang bewang.

"Kundi nyo natatanong ma'am, favorite ko ang math!"



"Hayy.. Seryoso sya?" nababagot na bulong ni Aivhine. Muli akong tumingin sa pisara, ilang minuto ang lumipas hindi masagutan ni Jemmie ang pinasasagutan. Binungangan tuloy sya. Pero sa huli naman ay nasagutan nya.


Lunch break, kasama ko sila maricar ngayon. Dito kami kumain sa Jollibee, dahil gusto ni Nicole. Pinabigyan ko naman dahil ilang araw ko na silang di nakakasama. Nagkwentuhan lang kami saka nagpasyang pumasok. Nag take pa si Nicole ng burger dahil iuuwi nya daw sa kapatid nya. Umiling iling nalang si Maricar, hindi ko alam kung bakit.


To już koniec opublikowanych części.

⏰ Ostatnio Aktualizowane: Sep 08, 2020 ⏰

Dodaj to dzieło do Biblioteki, aby dostawać powiadomienia o nowych częściach!

Hindi ko alamOpowieści tętniące życiem. Odkryj je teraz