TEN

0 0 0
                                    





Hindi ako mapakali sa kinauupuan ko! Hindi ko alam kung bakit! Nakakainis pa ang bungisngisan ni Aivhine at Jemmie!


"Okay ka lang ba?"


"Wag kang magsalita!" Mahinag sigaw ko sa kanya. Naiilang ako, paano kung nalama nyang may gusto ako sa kanya? Paano kung na gets nya yung pinagsisigaw kanina ni Aivhine!


Wait. HINDI KO SYA GUSTO NO! Wala akong gusto sa kanya!


"Oy Cayne-Di May tatanong ako!"

"Ano?!"

"May Boyfriend kana ba?"


"Wala!"


"Nagkaboyfriend kana?"


"Hindi!"


"Paano kung malaman mong may gusto sayo ang isa sa classmate natin?"


"Wala akong panahon!"


"Bakit ba nasigaw ka?"


"Wala kang paki!"


"Highblood.."


Sino naman magkakagusto sa akin? Teka... Isa sa mga classmate namin. Wala naman akong napapansin na nakatingin sa akin lagi. Kundi si Kyle lang!

"Ayy.. Bakit nakangiti ka?! Nay!" Agad akong sumimangot sa sinabi nitong abnoy kong katabi na si Kyle!

"Tumahimik ka nga!"

Sino yung may gusto sa akin? Wala akong napapansin sa mga classmate namin. Wala din naman akong nakakausap ng maayos. Sila lang naman.


"Paano kung niligawan ka ng may gusto sayo, sasagutin mo ba?"



Masyado pa akong bata doon. Hindi ko nga alam kung ano yung ano.. Basta!



"Hindi.."



"Bakit?"



"Wala akong alam dyn" buti sana kung ikaw ang manliligaw.



Ano?!

"Hindiii!! Ano bayan!" sabi ko ay yumuko sa desk!


"Sino yun? Makairit parang kinikiliti ang tinggil!" Rinig kong sabi ng Teacher naming bakla.Narinig ko ang ilan tawanan ng mga classmate ko!


Pagtapos ay mabilis akong umalis sa room.


"Bebe girl! Mukhang may landiang nagaganap sa likod ah?" Panuksong sabi ni Aivhine.

"Sobrang kinilig kaba? Kaya ka sumigaw? Hahahaha!"


Rinig kong sabi nila, hindi ko sila pinansin saka mabilis na naglakad! Narinig ko ang tawanan nila.



"Hala! Mukhang tototoong may gusto sya?!" rinig kong sigaw ni Jemmie.



"Totoo nga! Bakit kasi ayaw mong maniwala sa akin?" Si Aivhine.



"Anong meron?" Narinig ko ang boses ni Jean.


"May gusto si Cayne" sabay na sabi ni Aivhine at Jemmie.



"Kaninooo?!" Sigaw ni Jean. Tumigil ako sa paglalakad at humarap sa kanila!


"Wala okay?! WALA AKONG GUSTO KAY KYLE!"


Hindi ko alamKde žijí příběhy. Začni objevovat