Eight

0 0 0
                                    

A/N:HINDI PROFESSIONAL NA MANUNULAT.






"A-ano?!"

"Joke lang hahahahaha! Kinilig ka naman!"

"Ano?! Ako kinilig? Ha!" bigla akong nailang sa paraan ng pagtawa nya! Para akong tanga na nakatitig sa kanya kanina!

"Hay.. Grabe siguro napaka gwapo ko talaga tigtig ka sa akin eh! Hahahahah!"

"Ang kapal naman ng mukha mo!" binilisan ko ang lakad ko para makarating na ako kila Jemmie.

"Hahahaha! Hindi naman, Gwapo lang hahaha. Bye! Una na ako Cayne-DI" kindatan nya pa ako bago sya  tuluyang tumakbo!

Ang kapal naman ng mukha nya para sabihin na kinilig ako! Kinindatan nya pa ako?! HA!

"Ang tagal mo naman nakipagharutan ka pa kay Kyle eh hahahah!" Tawa ni Jemmie saka ako kiniliti sa bewang.

"Harutan?! Hindi no!"

"Bagay kayo!" Nakangiting sabi ni Jean.

"Ha?"

"Asus hahahahah!" malakas na tumawa si Jemmie at sinundan iyon ni Jean.

Nang makatungtong kami sa Canteen ay may napansin ako.

"Nasaan nga pala si Aivhine?"

"Ay yun! Nako mamaya pa yun papasok, may hang over daw sya eh hahahaha!"

"Hang over?" patanong na sabi ni Jean.

"Oo, masakit ulo. Kasi nag inom kagabi"

"Nag inom?! Nagiinom sya?!" Malakas na sigaw ni Jean.

"Oo! Bakit?"

"Eh! Bata pa si Aivhine ah?"

"Hmm? Siguro? Kinse anyos. Eh normal nalang sa kanya yun. Alam mo na lumaking ano hehe" mabilis kumuha ng chichirya si Jemmie at nagbayad habang ako nakasunod lang.

Nakaramdam ako ng gutom kaya bumili nalang ako ng Alembong na tinapay. Saka bumalik sa Classroom.

Lumipas ang oras. Hindi pumasok si Kyle at Jake pati nadin si Aivhine. Saan kaya nagpunta sila Kyle?

Tumingin ako sa unahan may kung anong sinusulat sa pisara si Ma'am.

"Jemmie, Alam mo ba kung saan yung Daniel's?"

"Ha bakit? Pupunta ka don?"

"Hindi, gusto ko lang malamang kung saan yung Daniel's at ano yun"

"Karinderya yun, pero sa pinaka unahan non nakalagay 'T-shirt Printing' pagawan ng t-shirt, mug, pag hapon binubuksan na nila yung computer shop. Pag pumasok sa pinaka loob may kainan don! Tapos! May malaking kurtina don pag hawi mo don may mga istudyante doon na naninigarilyo"

Tango tango nalang ako sumandal sa upuan. Natapos ang klase, lunch break na.

"Aybin!!!!"

Malakas na sigaw ni Jean saka yumakap.

"Ayos naba pakiramdam mo?" Bungad ko sa kanya.

"Medyo masakit padin ang ulo ko, kumain naba kayo? Hindi pa ako kumakain eh"

"Aba eh kumain na tayo! Libreeee mooooo!" Sigaw ni Jemmie.

"Tumigil ka nga. Panay ka libre kaya lalo kang na nanaba eh"

"Kayo nalang, kasama ko sila maricar eh"

"Ay ganon?! Saan ba kayo kakain?"

"Hindi ko alam pupuntahan ko palang eh"

Hindi ko alamWhere stories live. Discover now