NINE

0 0 0
                                    

A/N: HINDI PROFESSIONAL NA MANUNULAT.






NAKAKAINIS! GUSTO KONG MAGMURA! Katabi ko ngayon sa klase si Kyle! OO SI KYLE PO. Hindi sya pumasok sa Agriculture. Mas gusto nya daw dito, tapos tropa nya ang teacher namin. Bakla.

Tapos may seating arrangement. Hindi dapat sya ang katabi ko! Sinagguest nya na gusto nya daw ako katabi!

Kanina pa sya tawa ng tawa sa mga hirit nya na kinaiinis ko! Ano bang problema nya? Paano kung makita kami ng girlfriend nya? Sige nga? Hindi ako nakikipag away baka mamaya may humablot na ng buhok ko.

Katulad ngayon tawa lang ng tawa minsan si Jake ang kadaldalan nya, nasa tapat lang naman nya kasi si Jake. Tapos titingin sa akin tapos babanat na ikinatutuwa nya.

"Kyle pwedeng tumahimik ka?" Mahinahon na sabi ko.

"Hmm? Pag-iisipan ko po---Aray! Sadista ka din pala hahaha"

Hinawakan nya yung kamay ko! Ang kulit ng isang to.

"Baka makita tayo ng girlfriend mo" mahinang sabi ko baka mapagalitan kami eh.

"Mabait ang girlfriend ko" Napatigil ako ng sumeryoso sya pero ngumiti, ibang ngiti.

"H-Hindi ko naman sinabing hindu mabait.." Umiwas ako ng tingin, kakaiba ang ngigiti nya.

"Ano ba?! Sabing--"

"Titignan ko lang yung singsing mo" Pinanliitan ko sya ng tingin. Tss, ipinatong ko ang kamay ko sa desk nya. Akamang hahawakan nya ulit ang kamay ko inwas ko ito sa kanya.

"Tignan mo lang"

"Sino nagbigay sayo nyan? Boyfriend mo?"

"Wala ako non. Regalo lang yan ng girlfriend ng pinsan ko" tumitig din ako a singsing na nasa kaliwa ko, simple lang naman sya isang manipis at kulay na silver na may maliit pearl sa gitna.

"Sa susunod wedding ring natin ang nakalagay dyn sa daliri mo"

Di ko inaasahan na mahahampas ko sya sa braso nya. Inirapan ko sya at sumandal sa upuan ko. Tumawa lang sya ng tumawa! Nakakainis naman to eh!

Buti naman mabait yung teacher naming bakla. Mas lalo pa akong nainis ng asarin ako nila Jean at Jemmie ng pamamagitan ng tingin lang.

Pagdating ng uwian ay nagmamadali na akong lumabas ng room. Pagtitripan nanaman ako ni Kyle eh!

Narinig ko ang pag sigaw ni Jemmie at Aivhine na hintayin ko sila pero kumaway na ako sa kanila.

Sa kalagitnaan ng paglalakad ko ay may makulit na tao nanaman ang sumabay sa paglalakad ko.

"Pasabay hehe"

Hindi ko sya kinibo baka kung ano nanamang lumabas sa bunganga nya.

"Ay di nanamansin feeling maganda" napapikit ako sa sinabi. Binilisan ko ang paglalakad ko.

"Alam mo mas maganda ka pag nagsusungit hahahaha"

"Ah kaya pala lagi mo akong pinagtitripan?" taas kilay na sabi ko.

"Hindi kitapinagtitripan ah!" Tinaas nya pa ang dalawang kamay nya na parang nahuli sya ng pulis. Inirapan ko lang sya na ikinatawa nya.

Hindi na nya ako kinibo hanggang makarating kami ng gate. Nauna akong tumawid sa kanya kahit hindi pa sign ng stop. Naramdaman kong sumunod sya sakin. Naglakad ako papunta sa paradahan ng tricycle kasi doon ako sasakay.


Hindi ko alamWhere stories live. Discover now