Six

2 0 0
                                    

A/N: HINDI PROFESSINAL NA MANUNULAT.



Nagmamadali akong maglakad papunta sa room dahil LATE NAKO!! Nakikita ko yung room ko. Takbo lakad ang ginawa ko. 15 minutes late nako! Tumakbo na ako para mas mabilis. At pagdating ko. Whoo! Nakakahingal

"Your late miss?" nagpunas muna ako ng pawis bago magsalita.

"Hernandez po" sabi ko sabay ngiting napipilitan.

"Come in" Mabilis akong pumasok at natanaw ko agad ang mukha ni aivhine na ngiting ngiti. Sinenyasan nya ako na tumabi sa kanya. At dun naman agad umupo.

"Pawis na pawis ha" natatawang sabi ni aivhine

"Anyari bakit late ka?" tanong naman ni jemmie

"T-tinanghali ako na gising eh"

"Bakit tumakbo ka? Okay lang na late dyn oh tubig uminom ka" nagulat ako sa pagsulpot ni jake sa gilid ko. Kinuha ko naman yun at nilagok ng derederetso. Napangiti ako

"Salamat salamat! Bwisit kasi yung driver kung san san pa umiikot kaya lalong akong late!" reklamo ko. At nakangiti silang nakatingin sakin

"B-bakit?"

"Hahahaha wala nga pala pumunta dito sila maricar hinahanap ka.." nagulat ako sa sinabi nya at napangiti.

"Yah hinahanap ka nila"

Ngumiti nalang ako sa kanila. Mabilis natapos ang oras ay break time na.Niyaya nila ako sa canteen pero tumanggi ako. Sinabi ko na pupuntahan ko sila maricar.

Pinilit pa nila ako pero tinggihan ko ladin sila. Gusto ko sumama, pero mas gusto kong sumama kila Maricar. Sa huli ay di na nila ako pinilit, nauna na silang lumabas ng room at sumunod na ako lumabas. Pag ka labas na pagkalabas parang gusto ko ulit bumalik sa loob.

Nakita ko nanaman si Kyle..

Na nakangiti..

May hawak syang bote ng tubig at may bench na panyo sa balikat na kulay dilaw naman. Katabi nya si Jake, at may kausap sila tatlong lalaki.

"CAYNE!"

Narinig ko ang malakas na tawa nya. Sabay ng pag punaw ng pawis sa batok na nakayuko. Napalaki ang mata ko ng natingin sya sakin!

"CAYNE!" 

Napaiwas ako ng tingin ng nginitan nya ako! Pinaglapat ko ang labi ko.

"HUY! Aba? Tangina di mo ba ako naririnig?" napalingon ako sa gawing kaliwa ko.

"Maricar" Naiusal ko.

"Sino ba tinigtignan mong gaga ka" Lumingon sya sa pinagtiningin ko. Mabilis kong hinawakan ang pisnge nya at hinarap sa akin.

"Ang ganda ng view dito ng langit.." Tumawa sya ng malakas at hinampas pa ang braso ko.

"Magandang view si Kyle?" Tumawa sya ng malakas at umiling iling.

"Oy hindi ah!" pagtatangi ko sa kanya. "Hindi naman sya ang tinitignan ko eh"

"Okay? Hahahaha. Oo nga pala, gusto mong sumama?"

"Saan?"

"Cut. Pupunta kami kila Bonard iinom, Sama ka? Libre yun" Agad akong napalunok.

"Ha eh hindi naman ako umiinom eh, kayo nalang siguro.Nasaan si nicole galit pa din ba sya?" 

"Nandon na sila sa laba ng gate, pinapasundo ka ni Nicole sa akin eh. Okay lang kahit di ka sumama hehe"

Hindi ko alamTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon