Idadaan ko nalang siguro sa dasal ang lahat nang 'to. Makukuha at maidadaan ko pa naman siguro 'to sa dasal dahil paniguradong kahit ipilit kong huwag sumama ay hindi uubra kay Kuya.

Naligo ako at pagkalabas ko ng CR ay nakalatag na sa kama ang damit na susuotin ko. Halos mapanganga ako dahil sobrang ganda nito! Formal party kaya 'yon?

May sandals pa sa baba at may kasama pa itong mga jewelries. Mukhang mamahalin pa ang mga ito. Siya rin kaya ang nag bigay nito? Ay ewan!

Pero wait? Pupunta kaya si Kuya Ryoga? Sabi niya sa Monday palang siya magpapakita 'di ba? So that means, he won't attend sa mismong birthday ng tatay niya? That's strange if he won't.

I'll ask him nalang nga. I dialled his number and his phone is just ringing. Nang mamatay ang dial tone ay inulit ko ulit ang pag dial sakaniya.

"Why is he not picking up?" I asked myself and dialled his number for the third time.

Shocks! Oo nga pala. Sinabi ko pala sakaniya na huwag sasagutin ang mga calls and texts ko dahil wala sa akin ang phone ko. Nag type nalang ako ng message sakaniya. Siguro naman mababasa niya 'to kahit hindi siya mag reply ano?

To: Kuya Ryoga

Birthday pala ng Daddy mo ngayon. Sinasama ako ni Kuya. Si Rej na 'to. Nakuha ko na cellphone ko.



I sent the message at dinelete ko rin agad ang text na 'yun. Baka kunin nanaman ni Kuya Raine ang cellphone ko makita niya pa 'yon.

I put my phone on my bed at umupo ako sa harapan ng salamin. I started to put light make up on my face para bumagay ang soot kong damit at accessories. Inayos ko rin ang mahaba kong buhok at pinakulot ko ang ilalim nito.

Nang matapos ako sa pag aayos ay sinoot ko na ang sandals na binigay din sa akin. I looked myself at the human sized mirror and I look so pretty.


"Rej, tapos ka na?" Dinig kong tanong ni Luther sa labas ng kwarto.

"Oo, wait! Lalabas na."

Kinuha ko ang sling bag na pinrepare ko kanina at sinakbit ito sa balikat ko. Binuksan ko ang pinto at bumulaga sa akin si Luther na naghihintay habang nakanganga at titig na titig sa akin.

"Oh, ako lang 'to." I said at pinitik ko ang noo niya. Mukhang natauhan naman siya at bumalik sa wisyo dahil sa ginawa ko.

"Ganda natin ngayon ah? Selfie nga tayo. Sesend ko lang kay Axel." He said at inilabas niya ang cellphone niya.

"Baliw!" Hinampas ko ang braso niya pero ipinag patuloy niya pa rin ang gusto niya. I just smiled in front of the camera which he did the same.

Minsan talaga hindi ko maiwasang isipin kung bakit nila sinasabihan na masungit ang isang 'to e hindi naman. Ang bait bait niya nga e.


"Tara na. Nandoon na sila Mom at Dad sa baba."

"Ako nalang ba ang hinihintay?"

"Oo. Kaya pinatawag ka na ni Kuya Raine."

"Gosh. Nakakahiya naman!"

"Okay lang 'yan."

Bumaba kami ng hagdan at namataan ko agad sila Tito at Tita na nag uusap. They all stood up when they saw tLuther and me going down the stairs.

"I think Rej and Luther look good together." Tito Ade said and my smile faded away.

Is he telling me this now because he know about my relationship with Kuya Ryoga? This is the first time na mag comment siya sa akin nang ganito.

His Story To Tell (R-18)Where stories live. Discover now