EPILOGUE

75 2 5
                                    

"Totoo pala yung balita noh, na nanjan daw yung pinsan ni miggy na taga manila at sobrang ganda raw niya" sabi ni Adrian.

Nandito kami ngayon sa likod ng bahay nila na lagi naming tambayan pag tinatamad kaming mag laro ng basketball.

I already saw that girl he was talking about. Nakita ko siya nung minsang napadaan ako para pumunta sa planta at nakita ko siya sa harapan ng bahay nila miggy na kabusangot habang nag didilig ng mga bulaklak.

"Tsk. Parang labag pa sa kalooban niya ang ginagawa niya"bulong ko sa sarili ko.

Sandali akong nanatili sa harapan ng gate nila para pagmasdan ang ginagawa niya. Ang cute niyang tinggan habang nakanguso at may kung anong binubulong sa sarili niya.

"Mig nandito ko lang pala, kanina ka pa namin hinahanap"

Sabi ko kay miggy ng makalapit ako sa kaniya. Mula sa malayo ay nakita ko sila ng pinsan niya at kinukuhanan niya ito ng litrato at tulad ng dati ay labag din sa kalooban niya.

"Pansin ko nga" lihim akong napangiti sa pag susuplada niya.

Ito ng unang beses na nalapitan ko siya. Hindi rin maalis sa akin na pasadahan siya ng tingin. Parang gusto kong maghubad ng damit at balutin nalang siya. Tuwing nakikita ko kasi siya ay laging siyang naka short shorts at over size t-shirt ang suot niya. Ano bang akala niya sa probinsya? Manila? Na pwede kang mag suot ng damit na gusto mong suotin? Marami pa namang lalake dito na napaka ignorante.

"Cover your legs"

Pagalit kong tinapon ang towel ko sa hita niya dahil tinititigan siya ng mga lalaking kasama ng kalaban nila Miggy sa three on three nila. Tulad ng nakasanayan kong nakikitang suot niya ay ganon din ang suot niya ngayon. Parang gustong kong pag susuntukin ang mga lalaking nakatingin sa kaniya. Diba niya alam na binabastos na siya sa uri ng mga tingin ng mga hibayupak na to?

Sa hindi inaasahang

Pagtatagpo ng mga mundo

May minsan lang na nagdugtong

Damang-dama na ang ugong nito

Para akong hinehele sa ganda ng boses niya. Hindi ko alam pero basta nalang tumawag si Miggy sa akin at sakton naman na kakahawak ko lang sa cellphone ko at nang sagutin ko ay boses na ni Cassidy ang bumungad sa akin habang may nag gi-guitara. Namalayan ko nalang ang sariling kong nakangiti habang pinapakinggang siyang kumakanta.

Ba't 'di pa patulan

Ang pagsuyong nagkulang

Tayo'y umaasang

Hilaga't kanluran

Ikaw ang hantungan

At bilang kanlungan mo

Ako ang sasagip sa'ýo

Hanggang sa natapos niya ang kanta ay nanatili pa rin ang ngiti ko.

Buong araw aking badtrip sa tuwing nasa school ako. Pano ba naman kasi, kahit saan ako pumunta ay si Clark lang ang pinag uusapan nila dahil sa panliligaw niya kay Cassidy kaya kung minsan ay hindi ko mapigilang mainis kay cassidy. Tinamaan lang ng soccer ball naging crush na si Clark. Batuhin ko kaya siya ng bola ng basketball baka sakaling mabaling sa akin atensyon niya.

Nag disisyon kaming magkakaibigan na sa Ateneo kami mag co-college pero ang gagong si Miggy ay sa La Salle napadpad. I was thankful when Miggy said that Cassidy enrolled in Ateneo.

Getting Into YouOnde histórias criam vida. Descubra agora