CHAPTER:8

34 1 0
                                    

Dahil sa inis ko kay Enzo ay umalis ako sa koisk at nag punta sa gate at agad na tinawagan ni Mang Jose para mag pa sundo.

Ilang minuto akong naka tayo sa gate ng biglang mag tumabi sa akin. Napatigil ako sa mag kulikot sa cellphone ko ng mapagtanto kung sino ang tumabi sa akin.

"Hi," sabay ngiti ni Clark.

Gosh why his so hot? Kahit pawis na pawis siya. Idagdag mo pa ang manly scent niya.

"Emm.. Hello"  nahihiyang bati ko at lumingon sa likod. Maraming estudyante ang nakatingin sa amin.

"Pauwi ka na?" Tanong niya.

Tumango ako"Yeah, hinihintay ko lang yung sundo ko"

"Sige hihintayin ko lang na maka alis ka bago ako bumalik don" sabay turo niya sa field. Napatingin naman ako doon at may nag papractice pang mag player.

"Bakit ka pala nandito?" Tanong ko.

"Nakita ko kasing bigla kang umalis kanina sa koisk at hindi ka sinundan ng mga kasama mo, kaya sinundan kita para bantayan dito" sabay ngiti niya.

"Ah you don't have to do this" sabay sulyap ko sa mga nagbubulungan.

"It's ok.." sabay ngiti niya.

Saktong pagdating ni Mang Jose ay siya namang pag dating nila Miggy. Nagkatinginan kami ni Enzo. Nag tiim bagang siya nang makita niya ang kasama ko.

"Nanjan na ang sundo mo" saad ni Clark.

"Thank you" saka ngumiti sa kaniya.

"Sige balik na ako doon.. ingat " paalam niya saka kinindatan ako.

Nawala ang ngiti ko ng makita ang mga mukha nila Miggy na parang hindi nagustohan ang ginawa ko. Umirap ako at pumasok sa raptor.

Nag paalam na siya sa mga kaibigan niya at saka pumasok sa backseat. Umusog ako para mailagay niya ang hawak niyang guitara.

Nang umandar na ang kotse ay bumaling ako sa bintana para iwasan si Miggy.

"Next time wag ka mag walk out walk out jan" parinig niya sa akin." Kala mo di ko napapansin na ang suplada mo kay Enzo?"

I sighed and look at him.

"Siya naman ang nauuna lagi eh,"

"He did nothing Cassi, sinabi lang niyang wag kang maingay pero ikaw tong bigla na lang kakanta"

"What's the problem of that? I just want to play a guitar and sing... owww fine kampihan mo siya Mig" kaya tumalikod ako sa kaniya at pinunasan ang luha ko.

I really hate this. Kaya ayokong maki pag sagutan dahil ang bilis kong maiyak.

"Sshhh tahan na..hindi ko siya kinakampihan " saka hinila niya ako papalapit sa kaniya at niyakap. "Just don't do it again ok"

Tumango ako sa kaniya. Pinunasan niya ang natitirang luha sa pisngi ko at ngumiti.

"They said your voice is beautiful like you" saad niya habang tinatapik ang ulo ko.

"Binubola mo lang ako" sabay nguso ko.

He chuckled."Nope, I'm just telling the truth my dear cousin"

"Heh!" Saka kumalas ako sa pagkakayakap niya.

"Nga pala bakit magkasama kayo ni Clark kanina?"

Bigla naman akong napangiti ng marinig ang pangalan ni Clark."Ahh.. sinamahan niya lang ako" nakangiting tugon ko.

Hindi na siya naka pagsalita pa nang makarating kami sa bahay. Pagka pasok namin ay dumeretso ako sa kusina para uminom ng tubig saka umakyat na s kwarto ko.

Getting Into YouTempat cerita menjadi hidup. Temukan sekarang