CHAPTER:26

34 2 0
                                    

"Gosh I can't imagined ang mga susunod nating paper works" reklamo ni Amber.

Nasa unit ko kami ngayon at gumagawa ng power point para sa report namin. Its been five months nung mag samula ang pasukan. At day by day mas lalo kaming nagiging busy. Madalang nalang kaming maka labas para mamasyal.

Di pa ako tumutungtong sa college na fefeel ko na ang stress na dadanasin ko. Ngayon pa na kahit senior high pa lang kami eh sobra na. Ano nalang kaya pag college na.

"Order na lang tayo ng foods Cassi,"ani Jhess na naka higa na sa carpet.

Tumango ako at kinahu sa table ang phone ko. Pakabukas ko ay agad sumalubong ang text message at missed call ni Enzo.luh!bakit naka silent ang phone ko?

Enzo:
Can I come to your unit?

Enzo:
Where are you?

Enzo:
Hey, you're not answering my call

Enzo:
I'm on my way, I brought you a foods.

Napabaling ako sa dalawa kong kasama. Bago lang ang messages niya at siguradong nasa baba na yun dahil hindi naman kalayuan ang condo unit niya.

"Almost done naman tayo, so I can cook na lang" aniya ko at tumayo

"As you say, then" kibit balikat ni Jhess.

Dala ang cellphone ko ay pumasok ako sa kusina at nag hanap ng pwedeng lutuin. Matapos kong ihanda ang mga sangkap ng lulutuin kong adobo ay inumpisahan ko na ito. Ito lang kasi ang alam kong madaling lutuin at pa bahala sila. Habang maingat kong hinihiwa ang manok ay tumunog ang doorbell. Agad akong nag hugas ng kamay at nag punas bago lumabas sa kusina pero naunahan na ako ni Jhess na siyang nag bukas sa pintuan. Nakita ko ito kung pano mahinang mapatalon ng buksan niya ito.

"A-ah Cassi..m-may bisita ka," utal niyang sabi at nilakihan ang pag bukas ng pinto.

Agad kong nakita si Enzo at Mikey na may dalang paper bag at box of pizza.Nang magtama ang tingin namin ni Enzo ay agad ko silang sinenyasang pumasok. Tahimik na bumalik si Jhess sa couch at kinausap si amber tungkol sa dalawang bisita ko pero parang wala lang sa kaniya ito.

Nag lakad ako pabalik sa kusina at sinimulan ulit ang ginagawa ko. Napasulyap ako kina Mikey ng ilagay nila ang mga dala sa counter top.

"HAHAHAHA yan lang ang alam mong lutuin noh.." asar agad ni Mikey sa akin.

"Manahimik ka!" Suway ko sa kaniya.

"Kay Miggy muna ako, tawagan niyo nalang ako pag kakain na." Paalam niya at agad ding umalis. Narinig ko pa siyang nag paalam sa mga kaibigan ko. Ang kapal talaga ng isang yun.

"You're done to your works?" Mahinang boses na tanong ni Enzo at lumapit sa akin.

"Almost,"

"That's why you didn't answered my calls and messages?"

"Kinda.. and my phone is silented a while ago so,yeah"

"Uhuh.."

" Just help me for this"

Hindi siya sumagot at tumawa lang ng mahina saka kumuha ng kutsilyo at sinimulang balatan ang patatas.Natapos ko na ang manok at habang siya ay malapit ng matapos.

Lumabas ako sa kusina dala ang isang box ng pizza at ibinigay sa naka tungangang si Amber na agad naman niyang kinuha at binuksan. Kumuha ako ng dalawang slice at bumalik agad sa kusina.

Getting Into YouWaar verhalen tot leven komen. Ontdek het nu