CHAPTER:33

33 2 0
                                    

"Plano ko sana siyang dalhin sa beach resort namin sa batangas para naman maaliw siya" sabi ko kay Enzo habang nakayakap sa kaniya.

It was a mindblowing make love. Hindi ko inaasahan na ang pag punta ko rito ay hahantantong sa ganito. But then, I love it anyway.

Nag plano akong ipasyal si Rianna kaya nag papaalam ako sa kaniya. Kahit papaano ay nalulungkot ako dahil hindi siya pwedeng sumama dahil may trabaho siya. And we will stay there for one week dahil pupunta rin sina mommy at daddy doon.

"Promose I'll be here in your birthday, please" pag mamakaawa ko sa kaniya. Sa susunod na rin kasing linggo ang birthday niya kaya kailangan ko rin umuwi agad.

"Fine, I'll wait for you here" buntong hininga niya.

Matapos kaming mag usap ay hinatid niya ako sa basement parking. Hinintay niya munang makaalis ako bago siya bumalik. Nang makarating ako sa condo ko ay umalis na si Mikey. Sinabi ko na agad kay Riann ang plano ko at tuwang tuwa naman siya.

Hindi na kami nag aksaya ng oras at nag impake na kami. Bukas pa sana kami aalis pero minabuti ko na rin ngayon. Mahaba haba ang byahe namin papunta sa beach resort na pag mamay-ari ni Mommy.

Mag hahapon na nang makarating kami sa resort. Pabagsak akong nahiga sa malambot na kama at hinayaan si Rianna na ayusin ang gamit namin. Panay pa ang reklamo neto pero sinasabi kong pagod ako dahil ako naman ang nag drive papunta rito kaya wala naman siyang nagawa kundi sumunod lang. Natawa pa ako dahip habang nag aayos siya ay isinusumbat niya na mas matanda siya sa akin pero hinayaan ko nalang.

"You're not gonna go down to eat?" Tanong niya at nahiga sa tabi ko.

"We're gonna call them for the room service... damn I'm so tired"

Dumapa ako at ipinikit ang mata.
Nagising nalang ako dahil may yumuyugyog sa akin. Pag kamulat ko ay ang bagong ligong si Rianna at itinuro ang pagkain na nakalagay sa center table ng mga couch.

Bumangon ako at pumasok sa banyo. Nang matapos akong maligo ay nag suot ako ng denim short at white polo na tinupi ko hanggang sa siko ko. Tinuyo ko muna ang buhok ko bago lumabas.

Tahimik kaming kumain ni Rianna na panay ang kulikat sa cellphone niya. Nang matapos kami ay nag disisyon kaming lumabas sa hotel. Maraming turistang ang nag kakasiyahan sa dalampasigan.

"Look Cass! We can join to them!" Turo ni Rianna sa mini disco bar.

Kahit na ayaw kung lumapit doon ay pinilit ko nalang ang sarili ko para samahan siya. Napangiwi agad ako dahil kumuwa siya ng wine sa waitress na naglalakad. Inabot niya sa akin ito at tinanggap ko naman. Nakatayo lang kami sa high table at pinag mamasdan ang mga taong nag papakalunod sa malakas na music. Hinawakan ko lang ang inabot niyang wine habang siya naman ay hindi ko na mabilang kung naka ilang shots na siya at yung matatapang alak ang iniinom niya. May balak atang magsunog ng baga tong kasama ko. Imbis na inumin ang binigay niya ay tinawag ko ulit yung babaeng kinuhanan niya ng wine at nanghingi ng tubig. Hindi ako pwedeng uminom dahil mukhang ilang minuto lang ay malalasing na ang kasama ko at lalona't mababa ang alcohol tolerance ko.

Impit akong napahiyaw nang ihiga ko ang lasing na si Rianna sa kama at nasama pa akong mahiga sa kaniya.inalis ko ang sandal niya at pinunasan ito ng basang towel saka pinalitan ng pang itaas na damit at kinumutan.

Muli akong pumasok sa banyo para maligo ulit kahit wala naman akong ginawa kundi panoorin ang pag lalasing ng pinsan ko.

Kinabukasan ay tinawana ko ang sabog na mukha ni Rianna. Minura niya ako dahil bakit ko daw siya nilasing eh wala naman akong ginawa  sa kaniya dahil hinayaan ko lang siya.

Getting Into YouWhere stories live. Discover now