CHAPTER:35

32 2 2
                                    

Hindi ko alam kong pinag lalaruan ba ako ng tandhana. Kasi kung oo, ang galing niya. But then Clark said.

"God always find a way to make us strong. see, after taking your loves one he replace it immediately"

Napamulat ako ng mata at dahan dahan bumangon nang marinig ang matinis na boses. Agad siyang sumampa sa kama at yumakap sa akin at pinaulanan ako ng halik.

"Bestmorming Mommy," bati niya at hinalikan ulit ako.

"Bestmorning Baby,"  saka niyakap siya ng mahigpit.

"Daddy come here and lets group hug"

Panatingin ako sa lalaking nakasandal lang sa hamba ng pintuan at nakangiti kaming pinagmamasdan. Ngumiti ako sa kaniya at saka ito umayos ng pag kakatayo at naglakad palapit sa amin.

"Lean, baby.. let your mommy fix herself first. She's like a zombie" natatawang sabi ni Clark kaya hinampas  ko siya ng unan.

"Ang sama mo!"

Pinagtawanan lang nila ako ni Lean. Binuhat niya ito at saka sila lumabas ng kwarto.

Laking pasasalamat ko dahil nanatili si Clark sa tabi ko nung mga panahong akala ko'y tinalikuran na ako ng mundo. He guided me to the right path of my journey. Although my cousins is also there for me, but he's the one who never give up to me kahit ang sarili ko ay sinusukuan ko na. That's why I really admired him.

Natapos na akong maligo at mag bihis. Lumabas na ako sa kwarto para maka pag alamusal. Pero hindi pa ako tuluyang nakakapasok sa kusina ay natigilan na ako sa narinig ko.

"Tito Daddy, when can I meet my Papa?" Tanong ng apat na taong gulang kong anak.

"If your mommy's ready baby."sagot ni Clark.

"We're the same eyes and nose daddy. Look oh"

"Yes baby, you look like him"

"Did you know him too daddy?"

"He's my friend way back to my high school"

"Emm.. do you think daddy he can accept me?"

Para akong binuhusan ng malamig na tubig sa tanong ni Lean. Alam kong masyado pa siyang bata para sa ganitong bagay. Kahit ako ay hindi ko rin alam kung matatanggap ba siya ng ama niya gayung masyado kaming nagkasakitan noon at umalis ako ng bansa na hindi niya nalalaman buntis ako.

"Yes of course baby, he will gladly thankful for having a best daughter like you" sagot ni Clark sa kaniya.

"If he already have a family daddy I won't bother them. I just only want him to meet and know that I'm exist.. it's ok if he can't accept me" medyo napipiyok na sabi ng anak ko.

Imbis na pakinggan ang sagot ni clark ay naglakad ako pabalik sa kwarto at doon bumuhos ang pinipigilang luha. My daughter, gusto lang niyang malaman ng tatay niya na nag exist siya sa mundo. Kung hinayaan ko si Enzo dati at tinanggap nalang ang pagkakamali niya, sana hindi ito nararanasan ng anak ko. Sa apat na taon ay tanging si Clark ang tumayong ama sa kaniya kahit na alam niyang hindi ito ang tunay niyang ama.

Marahan akong huminga at pinunasan ang luha ko. Tapos na ako sa sarili ko. Tama na ang pagtitiis ng anak ko. Gagawin ko to para sa kaniya. Tulad ng sabi niya, hindi kami mang aabala pag may pamilya na siya.

"Kailan mo siya ipapakilala kay Enzo?" Tanong ni Clark.

Napa tingin ako sa kaniya at bumalik din agad sa anak kong mahimbing na natutulog. Kailan ba ako magiging handa para sa bagay na to?

Getting Into YouWhere stories live. Discover now