CHAPTER 16

28 7 2
                                    

*Belle*
Maaga ako nagising kahit kulang pa ako sa tulog dahil kailangan na namin ilayo dito sa bahay ang mga kapatid ko.

"tay paki gising na sila at aalis na tayo." sabi ko kay tatay habang inaayos ko ang mga gamit ko incase may biglaang laban pag uwi ko.

"sige nak." sagot naman ni tatay.

Natapos na ako sa ginagawa ko ng bumaba na sila at mga nakabihis na.

"ate saan tayo pupunta?" tanong ni john.
"Ammm john magbabakasyon muna kayo nila ate sa Province natin, kahit na may pasok pa kayo pero nag excuse naman na ako sa mga teacher nyo kaya wag na kayo mag alala. Okay ba john?" paliwanag at tanong ko sa kanya.

"opo ate." sagot ni john

"yehey magbabakasyon kami pero ate may Province ba tayo eh alam ko sa japan lang tayo nagbabakasyon ah?" tanong naman ni judy.

"meron pero wag na maraming tanong tara na at nang makarating agad kayo dun." sagot ko naman.

"sam palagay naman nung mga gamit nila sa sasakyan." pakisuyo ko kay sam.

"sige sige." sunod naman nya.

Lumabas na kami at sumakay na sa sasakyan, apat ang nandito pero isa lang ang gagamitin ko yun ay yung akin, pinasakay ko na sila sa sasakyan ko, kasya naman kami dito yung tatlong sasakyan ay kila sam. Matapos namin sumakay ay umalis na kami pero sinarado namin ang bahay.

Sa province ko muna sila papapuntahin dahil panigurado alam ng mga kalaban na may bahay kami sa japan. Itong Province walang nakakaalam maliban samin ni tatay at ng mga kasama ko.

Nakarating naman agad kami sa port.

"sige tay hanggang dito ko nalang kayo mahahatid, mag iingat kayo dun ha may mga kasama naman kayo dun." sabi ko kay tatay.

"sige nak salamat sa paghatid, sige na sasakay na kami, mag ingat kadin ha." pag aalala sakin ni tatay.

Bumaba na sila sa sasakyan pinahatid ko nasila sa mga kasama ko. Nag antay ako dito hanggang sa makaalis na ang sinasakyan nila papuntang probisya.

"tara na belle." pag aaya sakin ni sam.
"sige tara na." sagot ko dito. Nalungkot ako kasi nahiwalay sila sakin pero kailangan kong magtiis at ingatan sila.

Nagmaneho na ako pauwi at kasunod ko naman sila sam. Malapit na kami sa bahay ng may nakita kami may nakaparada sa tapat ng bahay. Pagkarating namin sa tapat ng bahay, doon ko lang nakita na sila james pala yung nakaparada sa tapat.

"oh nandito kayo?" tanong ko sakanila at parang wala si andrew nasan nanaman kaya yun?

"ah belle pwede ka ba namin mahiram para pakalmahin si andrew?" sagot ni james.

"ha?! Bakit ako?" tanong ko.

"ikaw lang kasi kinakatakutan nun." sagot ni ivan.

"Bakit ako pa? "tanong ko.

"basta tara na." pag aya nila.

"hayyssstt nako ginulo nyo pa ako para lang sa taong yan, ano pa ba magagawa ko tara na." pag aaya ko at sumakay na sa sasakyan ko. Sinundan ko lang sila pero tinawagan ko sila sam.

"sam dyan muna kayo sa bahay intayin nyo na lang ako at yung grupo na sinasabi ko papuntahin mo na lang mamaya sa head quarters pag balik ko." sabi ko sa kanya.

"sige sige ingat kayo."sagot nya.

Binaba ko na ang tawag at nagmaneho na papunta kung saan si andrew. Nakarating kami sa isang bar. Pagpasok ko ay ang gulo na ng lugar na ito.

" ANO BA BITAWAN NYO NGA AKO!! "Galit na sigaw ni andrew habang inaawat sya nila bryan at ng isang bouncer dito.

" bakit ba nagwawala yan james? "tanong ko kay james.

" dahil sa leader na matagal na namin hinahanap. "sagot ni james.

"eh anong meron sa leader na yun? "tanong ko uli kasi di ko muna pipigilan yan hanggat di ko alam ang dahilan ng pagwawala ni andrew.

" ayaw pa kasi magpakita samin, ang nakakausap lang namin ay ang kanang kamay nya, naiinis na sya dahil ang tagal makipag usap samin ng leader na yun. "sagot nya.

"Nang dahil lang sa sinasabi nyong leader, ang babaw ha sana man lang gumawa ng paraan no hindi yung nag wawala dyan. "panenermon ko.

"kahit kailan nga naman mainitin ang ulo ng andrew na yan, kung magkakaasawa yan, sasakit ulo ng asawa nya sakanya. "sabi ko dito at pinuntahan ang nagwawalang andrew.

" SINABING BITAWAN NYO NA AKO AT KAKALABANIN KO NA ANG LEADER NA Y--"Sigaw nya pero naputol ito.

" anong pinagpuputok na butche mo ha andy at nagwawala ka pa dito"tanong ko dito ng masama ang tingin sa kanya at nakatutok ang baril sa kanya na kinuha ko sa kanya.

Nagulat sya at tumahimik sa pagwawala.

"waoh awat tama na tara na drew nag message na sakin at pinapupunta na tayo sakanila tara na kumalma ka na at nang makausap mo ng maayos yung leader." awat ni ivan.

"titigil naman pala sa pagwawala eh kundi pa tinutukan bago kayo pumunta sa pupuntahan nyo pag paliguin nyo muna yan nang mahimasmasan." sabi ko habang masama parin ang tingin sa kanya at nilagay sa lamesa yung baril.

"sige belle salamat alis na kami, amm manager may papapuntahin na lang kami dito para asikasuhin ang nangyari dito." sabi ni bryan sa manager.

Nauna na ko lumabas sa kanila at sumakay sa sasakyan at pumunta na sa head quarters.

Pagdating ko sa HQ sinalubong agad ako ni sam.

" Queen parating na sila dito. "bungad sakin ni sam.

" sige salabungin mo na lang at samahan makarating sa meeting room. "sabi ko dito.

Habang naglalakad ako may mga bumabati sakin. Pagkarating ko sa meeting room ay umupo na ako sa pwesto ko at tumalikod dahil naistress ako kanina at pumikit muna.

*Andrew*
Nagulat ako kay belle at napa tigil nya ako at paano sya nakahawak ng baril tsaka ang pagkakahawak at tindig nya para syang sanay na sanay na humawak ng baril at bukod doon tinawag nya ako sa palayaw ko na isa lang ang tumatawag sakin.

"oy drew! Tulala ka dyan ano iniisip mo?" tanong ni ivan.

"pano matutulala yan eh ikaw ba naman tutukan ng baril ng babae tsaka si belle pa." sabat ni james.

"para nga syang sanay humawak ng baril eh napansin nyo ba yun?" tanong ni bryan, napansin nya din pala yun.

"parang nga" pagsang ayon ni ivan at james.

"nasan na ba tayo?" tanong ko.

"oh nandito na pala tayo." sagot ni ivan.

Pumarada muna kami at bumababa na. Nakita namin si sam.

"mabuti at nakarating kayo, tara na sa loob at kanina pa kayo inaantay ni Queen." sabi ni sam at sinamahan kami makarating kung nasaan yung leader nila.

Nasa tapat na kami ng malaking pinto ng kumatok si sam.

"Queen nandito na po sila." sabi nya dito sa labas.
"come in." sagot ng leader nya.

Pagbukas nya ay pinapasok nya na kami. Isa palang meeting room tong pinasukan namin, may mahabang lamesa at sa kabilang dulo nito ay may nakatalikod na upuan. Nang umikot ito paharap samin ay laking gulat na lang namin ng makita sya.

_____________________
Ito po muna update ko hehehe
Thanks nga pala sayo bhe
RioRexelCasaol RioRexelCasaol

Mr.Cold Mafia Fell In Love With Ms.Brave Where stories live. Discover now