Chapter 24

4 4 0
                                    

*Drew*
She run away habang umiiyak, tatayo na sana ako para habulin sya nang biglang sumakit ang mga sugat ko at napadaing ako dito.

"oh pre hinay hinay lang kase." pag alalay nila james.

"ano ba kasi nangyari bakit umiyak yun? "tanong ni nick.

"I try to prank her but i didn't know that will be happened. " malungkot na sagot ko.

"nako drew sa kalagayan mong yan nagawa mo pang biruin yung isang gabing nag babantay sayo, ni wala pa nga ata yun kain. " panenermon ni bryan.

"sorry sorry okay, habulin nyo na lang sya at pabalikin dito. " utos ko sa mga ito.

"sorry sorry ka pa eh, dun ka sa dragon mo magsorry." biro ni james.

"hirap pa naman amuhin ang dragon like how to train your dragon. " dagdag ni ivan.

"Enough!! Find her and bring back her to me or I'll kill you all. " pag babanta ko sa mga ito.

"chill boss ito na gagawin na namin, tara minions hanapin natin sya!!! " si bryan at nauna na lumabas at sumunod naman ang iba.

Shit!

*Belle*

Walang hiya yun pagtapos ng lahat, di ako kilala gago ba sya? Na ospital lang nakalimutan ako agad. Busit sya!!

Sige kalimutan nya na lang ako bahala sya sa buhay nya, malaki na sya at di ko na problema ang problema nya busit umiyak pa ako dun ha, hay nako nasayang luha ko.

Nag pahinga muna ako dito sa loob ng kotse ko at antok pa kasi ako tapos ganun lang ginawa sakin ng damuhong yun. Buti na lang nandito kotse ko, makapagpahinga nga muna.

Papikit na ako ng may kumatok sa bintana ng kotse ko. At sila bryan lang pala. Binaba ko ang bintana ng kotse ko at matalim na tumingin sa kanila.

"oh bakit? "walang ganang tanong ko, yes mabilis magbago ang mood ko kung kanina eh mukha akong crying baby, ngayon mukha na akong dragon na any time bubugahan ka ng apoy.

"wow bilis mag bago mood ha. " hangang-hanga pa ang mga busit.

"bakit nga? "ulit kong tanong sa mga ito ng naiinis na sa pag mumukha nila.

"ano kasi belle pinababalik ka ni drew sa room nya, eh prank lang naman daw yun. " sagot ni nick.

"prank? Do i look like I'm joking with him? Mag sialis nga kayo dyan baka mabangga ko kayo, mga busit. "nainis na ako ng tuluyan dahil sa prank lang daw.

Wala na silang nasabi dahil mukha silang nabugahan ng dragon. Uuwi na lang ako at nabubusit ako sa lugar nato.

Pag uwi ko sa bahay ay nag pahinga na lang ako sa kwarto pero bago yun nilock ko lahat ng pwede pasukan ng mga busit na yun dahil alam ko na susunod yung mga yun dito.

Matapos ko nga ilock lahat nag pahinga na ako at hanggang sa nakatulog na ako.

*Drew*

"nako drew kung nandoon ka lang sa baba kanina mabubugahan ka ng dragon. " saad ni nick.

"grabe! Galit si belle sayo pero nadamay kami. " dag dag ni bryan.

"sabi sayo mahirap amuhin yun, ikaw kasi prank ka pang nalalaman dyan. " now they blaming me.

"it's my fault I know so stop blaming me okay, nasan na ba sya? " tanong ko sa kanila.

"drive away."sagot ni ivan

"papunta saan? "tanong ko uli

"di namin alam, may be in their house. "suggest ni james.

" help me puntahan na natin sya lalo na't di pa tayo sure kung safe na ang lahat. "tumayo na ako medyo okay naman na pakiramdam ko wala lang sakin itong mga sugat na ito.

Mr.Cold Mafia Fell In Love With Ms.Brave Where stories live. Discover now