Chapter 23

5 5 0
                                    

*Belle

Nakatutok na sakin ang baril ni franco at handa ng iputok nang iwasiwas ko ang katana ko at tumama sa kamay nya na may hawak na baril.

"Sa panaginip mo lang makukuha trono ko. "asik ko dito at lumayo ng kaunti sa kanya.

Paputok lang sya ng paputok sakin ng baril, samantalang iwas lang ako ng iwas dito.

Hanggang sa maubusan na sya ng bala, kaya may pagkakataon ako sugurin sya. Daing lang sya ng daing sa bawat pagtama ng katana ko sa kanya, gusto ko muna syang pahirapan bago mawala dito sa mundo.

Pasugod na ako sa kanya ng may tumamang bala sa binti ko. Ininda ko lang yun at nilipat ko muna sa kabila kong kamay ang isang katana at kinuha ang nakasukbit na baril sa hita ko. Alam ko saan nanggaling yun kaya doon ko tinutok ang baril kahit kay franco pa rin ang tingin ko.

Binaril ko na din sa binti si franco para di na sya makatakbo. Kalaunan sya na lang natira.

"I told you, sa panaginip mo lang makukuha to!!"walang gana kong saad dito.

"mamatay kang kasama k-- arghh" napaluhod sya at naputol ang sasabihin nya ng hindi sya makahinga ng maayos.

"oh! I forgot may lason pala ang katanang kanina pa nagbibigay ng sakit sayo, maya maya lang eh mag kikita na kayo ng amo mong gahaman!! " i smile, smile that saying no can defeat me. Umalis na ako sa harap nya at hinahanap ang iba.

Nakita ko si sam na maayos ang sila ivan, nick, bryan at james. Pero may kulang, nasan sya. Nag alala na ako, kinakabahan na ako dahil hindi ko talaga sya makita, ang daming nakahandusay at mamaya lang darating na dito ang mga awtoridad.

Tumakbo ako sa ibang direksyon nilibot ko ng tingin ang paligid at hindi ko pa rin sya makita.

"Andyyyyy!!! "tawag ko sa pangalan nya.

"Belle sino hinahanap mo? "tanong ni sam.

"si drew sam nasan sya?" sagot at tanong ko sakanya.

"hindi ko alam, kanina lang nariyan sya. "sagot nya at naghanap na rin.

Naiiyak na ako, bakit kasi nahiwalay ako sa kanya, edi sana hindi na ako naghahanap at nag aalala sa kanya.

"Belle!!! "tawag ni nick, natanaw ko naman agad sya at tumakbo patungo sa kanila.

Nanlumo ako ng makita ko sya, nakahiga sya at may tama sa tagiliran.

Nanginginig akong lumuhod para mahawakan sya. Tuluyan na akong naiyak.

"h-hoy andy g-gumising ka,s-sabi mo hindi mo na ako iiwan, n-nag promise ka pa. "tuloy lang ako sa pag iyak at pilit ginigising si drew.

"h-hoy wag naman k-kayo tumayo lang dyan, d-dalin natin sya sa hospital." pagmamakaawa ko sa kanila dahil alam kong buhay pa sya.

"a-andy gising wag mo kong iiwan, mahal na m-mahal kita, wag kang p-papakuha sa liwanag, a-andy di ka pa p-pwede dyan."tuloy lang ako sa pag iyak.

Binuhat nila james si drew pasakay sa kotse at nagmadaling nag tungo sa hospital.

Nang nasa hospital na kami tumawag agad kami ng nurse para asikasuhin kami pero nilalaktawan lang kami miski ang mga doktor eh hindi naman sila busy, di kami malapitan dahil siguro sa itsura namin, nainis ako kaya nangharang ako ng isang doktor at tinutok sa kanya ang katana ko na kanina ko pa pala dala.

"lalaktawan mo kami o gusto mong mawalan ng ulo. "banta ko dito dahil kanina nya pa kami dinadaandaanan.

"a-asikasuhin na, nurse patulong dito at daling agad sa ER, b-bilis mahal ko pa b-buhay ko. " nanginginig na sabi nito.

Mr.Cold Mafia Fell In Love With Ms.Brave Where stories live. Discover now