CHAPTER 15

21 7 3
                                    

*Belle*

So yun na nga, nandito na kmi sa bahay, sobrang ingay kasi nadagdagan ng dalawa ko pang kaibigan, yung kambal nandito rin, hay nako.

"Belle bake naman tayo namiss ko na kasi mga gawa mong cakes eh, tsaka iwan muna natin yung mga yan dyan, please" pagmamakaawa ni samantha.

"oki oki fine, namiss ko rin mag bake eh tara bilis excited na ako ayyyiiieeee!!" sabi ko at nagmamadaling pumunta sa kusina.

"belle ano gagawin nyo?" tanong ni james.

"magbake muna kami dyan na muna kayo, oki?" tanong ko sa kanya.

"oki oki, sarapan mo tapos penge ako hehehehe" sagot nya.

"oo sige sige, tara Samantha bake na tayo dali."pag aya ko kay Samantha.

" ayyyiiiieeee di halatang excited magbake belle hahahaha"tawa nya

"eh pano kasi nakakamiss na kaya mag bake, naiinggit na ako sa mga nakikita ko sa tiktok, ig, twitter, at Facebook, buti nga nag aya ka, kaya tulungan tayo mag bake, oki?" naka ngiting paliwanag ko sa kanya.

"oki tara na." sagot nya.

Pumunta na kami sa kusina para iprepare yung mga gagamitin at ingredient.

"Samantha magbake na lang ako ng strawberry Swiss roll, oki na ba yun?" tanong ko sa kanya.

"oo pwede na yun."pagsang-ayon nya.

Nagprepare na ako ng strawberry, flour, egg, vanilla, salt, sugar, drop of lemon or cream of tartar.

Favorite kasi ng isa sa bias ko na isa sa boy group na kilala dito sa pilipinas itong strawberry so try ko naman mag bake ng strawberry Swiss roll.

Tapos ko na imix lahat ng ingredient kaya ibake na lang namin ito, pero habang nagmix ako nagpre heat na ako ng oven. So sinalang ko na yung mixture sa oven at antayin na lang namin ng 30 min.

"belle excited na ako matikman yung swiss roll." sabi ni samantha na mas excited pa sakin, eh parang kanina lang ako yung excited, ngayon sya naman.

"hahahaha antayin mo na lang." sabi ko naman sa kanya.

*Nick*

Nakita ko na nagmamadaling pumunta sila belle sa kusina.

"james ano gagawin nila belle?" tanong ko kay james.

"ah yun magbake daw sila, siguro na op satin kasi ang iingay natin dito." sagot nya.

"di rin no, namiss nya lang siguro mag bake, tagal na rin kasi di nakakapagbake yan si belle." sabat naman ni sam. Kambal ni samantha.

"siguro nga." sagot ko naman.

Maya maya pa ay may na amoy kaming masarap.

"ang bango ano yun?" tanong ni ivan.

"galing sa kusina eh." sabi naman ni bryan at nakatingin sa kusina.

"ayyiiieee nagbake si ate, yehey makakatikim uli ako ng bake ni ate." tuwang tuwa na sabi ni john.

Si andrew naman ay wala lang tumingin saglit sa kusina at tingin uli sa ginagawa nya sa cp nya. Ewan ko ba dito sa kaibigan ko nato.

*Belle*
Hay sa wakas at natapos din ako after 1hr na pagbake ayos na pwede na lantakan to hahahaha.

"wooww! Belle patikim na ako please." pagmamakaawa ni Samantha.

"Kumuha ka na at nang makatikim naman yung mga tao sa sala."sabi ko naman sa kanya.

Pagtapos nya kumuha dinala ko naman ito sa sala para sa mga tao na nandito.

" oh pinagbake ko kayo, nakakahiya naman kasi sa inyo. "sabi ko at inilagay na sa lamesita ang ginawa ko.

" salamat belle, sigurado masarap to diba? "tanong ni james.

" ay tikman mo na lang no. "sagot ko.

" ate penge ako ha? "paghinge ni john.

" unti lang john ha. "sabi ko naman sa kanya.

" sige na kumain na kayo dyan at doon na lang ako sa kusina. "pagpapaalam ko sa kanila.

" salamat uli belle! "sabay pa sila nag pasalamat at ayun nilantakan na nila yung swiss roll maliban jay drew na busy sa cellphone nya.

Pumunta na lang ako sa kusina at nabutan ko si samantha na kumakain parin.

" ano samantha oki na ba? "tanong ko kay samantha.

" anong oki? Okay na okay kaya belle, sarap promise."sagot nya naman.

" hahaha oki sige kumain ka muna jn. Akyat lang muna ako. "paalam ko sa kanya.

Umakyat na ako sa kwarto ko. Tumunog cp ko kaya tinignan ko ito. May nag message pala pero di ko kilala sino to.

*unknown number
Soon you will be mine.

Woah! Ano to na wrong send siguro ito o kaya nang trip lang ito, wag ko na lang pansinin.

Idedelete ko sana pero kinutuban ako, kaya di ko muna dinelete.

Nakakapagod ang araw na ito grabe, sobrang nakakapagod mula school hanggang dito sa bahay. May biglang kumatok. Pumunta ako sa pinto at pinagbuksan ito. Si tatay lang pala.

"nak ano ba balak mo, ngayong may umaaligid sa bahay natin." sabi ni tatay na ikinagulat ko.

"ha?! Tay may mga umaaligid sa bahay natin bakit di ko napansin yun. Bukas na bukas aasikasuhin ko na pag alis nila john, kailngan di sila madamay dito." sabi ko naman.

"sige nak maya maya ireready ko na mga gamit nila." sabi naman ni tatay.

"sige po tay pababantayan ko na itong bahay, bahala na maprotektahan ko lang kayo." bahala basta nasa ligtas sila.

Matapos ng pag uusap namin ay umalis na si tatay. Hay ano ba naman ito nadagdagan nanaman problema ko.

Bumababa na ako kasi alam kong aalis na yung mga tao sa baba.

" Buti belle nababa ka na kasi magpapaalam na kami na uuwi na." si nick na ang nag paalam.

"ah sige ingat kayo, wag na pupunta sa kung saan saan, oki?" tanong ko dito.

"oki oki salamat uli." sagot nya.
Lumabas na sya kasi nasa labas narin yung iba. Ni hindi ko man lang nakausap si drew at tahimik lang sya kanina.

"ay belle uuwi na rin kami, salamat ha kasi pumayag ka magbake." naka ngiting pasasalamat ni samantha.

"walang yun basta ikaw, ah nga pala pwede sa labas mo na antayin si Sam?"tanong ko dito.

" oki antayin ko na lang sya sa labas. "sabi nya at lumabas na.

" ano yun? "tanong ni sam

" bukas ihahatid na natin sila john sa ligtas na lugar dahil may mga umaaligid na sa labas ng bahay, at bukas magpapakilala na ako sa grupo na sinasabi mo papuntahin mo na lang bukas sa head quarters natin, sige na yun lang. "sabi ko dito na ikinagulat nya din.

" eh queen sure ka ba dyan? "tanong nya.

" sure na, para sa kaligtasan ng pamilya at kaligtasan nyo rin to sige na inaantay ka na ni Samantha. "sagot ko dito.

" oki oki, sige uwi na kami. "paalam nya.

Nilock ko na ang dapat ilock at umakyat na ako.

Kailangan ko muna mag pahinga at sobrang nakakapagod itong araw na ito.

___________________
Hi nga pala kay jungcel wabyu bhe.

Mr.Cold Mafia Fell In Love With Ms.Brave Where stories live. Discover now