CHAPTER 2

32 11 0
                                    

*Someone POV*

"Mga bro balita ko may bago daw na studyante, tara pagtripan natin." Sabi Bryan ng naka ngisi.

Kahit kailan ganyan talaga ang mga kaibigan ko pag tritripan nila ang mga bagong sa school naming mapa babae man o lalake.

"Sige pagtripan natin ha." Sabi naman ni Ivan.

Sumakay kami ng jeep Hindi muna kasi namin ginamit yung mga sasakyan namin kasi mang tritrip pa daw sila.

"Oy mga bro may sasakay na babae mukhang bago sa school natin ha." Sabi naman ni James habang naka ngiti.

Sumakay na yung babae may kasamang batang lalake.mukhang 8 years old at yung babae nasa 17 pataas.

May kinuha yung babae na wallet at kumuha ng pera pang bayad.Nung naka kuha na sya pinahawak nya sa bata yung wallet.Kinuha naman ni Bryan yung wallet na hawak ng babae.Kaya ayun umiyak yung bata. Naramdaman ng babae yun kaya tumingin sya sa bata at may tinanong.

"Oh!bakit ka umiiyak ha!?"tanong nya rito.

"Kinuha kasi nila ang wallet mo ate!"sabi naman ng bata sa ate nya at tinuro ang grupo namin.

Minasdan ko ang mukha ng babae habang Hindi ito naka tingin sa akin.maganda pala sya.

Sinamaan nya ng tingin ang grupo namin pati yung mga naka sabay namin sa jeep masama ang tingin.

Bumaba na sila ng nasa tapat na kami ng school.Kaya bumaba na din kami.Pumunta sya sa kabilang school siguro para ihatid ang kapatid nya at tama nga ako hinatid nya.

Pag kahatid nya dito agad syang tumakbo.Kami naman pa chill chill lang sa pag lalakad,ako ang nasa unahan Kasi ako ang leader ng mga ugok na to.

Pagpasok namin nagtitilian ang mga Babae at bakla.Grabe sakit sa tenga nito.

" Grabe ang yummy ni James!"
"Sakin ka na lang fafa Nick!"
"Ang guwapo ni Ivan!"
"Pakasalan mo na ako Bryan!"
"Ang king ng buhay!Andrew!"

Sakit sa tenga nyan diba.
Nalate pa tuloy kami sa pagkakagulo nila.

Pag pasok namin nandun na yung prof namin Kaya sermon nanaman.

"Late nanaman kayo kailan ba kayo magiging maaga sa klase ha!?"sabi ni sir na mukhang galit, napadpad ang paningin ko sa babaeng naka upo sa likod.napamura na lang ng mahina ang katabi Kong si nick.Miski ako na gulat na classmate pala namin sya.

"Sige maupo na kayo!"sabi naman ni sir Kaya agad kaming umupo sa likod kung nasaan yung bago.Aalis na dapat sya ng hilahin sya ni Bryan Kaya naupo na lang ito.

" Hi miss anong name mo!?transfer ka dito no!?"tanong naman sa kanya ni Bryan.

"Bakit ko naman sasabihin ang pangalan ko eh sinabi ko na kanina, ayoko na inuulit ang mga nasabi ko!"masungit na sabi nito Kay Bryan.

"Eh Hindi ko naman narinig kanina kasi nga late kami diba!?"sabi naman ni Bryan na parang naiinis na.

"So it's my fault na Hindi mo narinig kanina sorry ka Hindi ko na uulit kasi nasabi ko na!"masungit na sagot ng babae.

"Nakakapikon kana ha niwala pang sumasagot sakin nang ganyan nagtatanong lang naman masama ba malaman ha!?"pikon na sabi ni Bryan.

"Oo masama Bakit may reklamo ka!?"ang tapang ng sagot nito.

"Awat na Bryan babae lang yan napikon ka na!"sabi ko naman dito para Hindi na mapikon samantalang sabi nya sya ang mang tritrip ngayon,eh bat parang inis ka agad sya.

"Sige sasabihin ko na ang name ko."sabi naman ng babae.

"Sasabihin naman pala eh."sabi naman ni Nick.

"My name is Belle Flores!"sabi nya ng ikinabigla ko,

"Yun naman p--"sabi ni Ivan na pinutol ni belle.

"Kaya lang naman ako naging masungit sa inyo dahil kayo yung mga lalaki na kumuha ng wallet ko sa kapatid ko kaya nainis ako nang kayo pala magiging classmates ko!"sabi naman ni belle.

Kaya ayon natawa na lang si James Kay belle natahimik na lang tuloy kami at pinakilala kami ni Bryan ng mahimasmasan na sya.Ng matapos na sya sa pagpapakilala sa amin saktong dating ni sir umalis kanina kaya walang naging asungot sa pagiging mayabang namin.Nagdiscuss sya ng nagdiscuss.hanggang sa nag bell na.nag punts na kami sa canteen ng makita ko na may nag aaway,ng makita ko si belle pala at ang grupo ni carol.Tinapon ni carol yung food ni belle at umalis na,si belle naman at pumunta sa library.

Lumabas na si belle at papunta na sa room himalang alam nya ang library dito ha.Pumunta na rin kami sa room.Pagdating namin sa room makita naming lumipat ng upuan si belle kaya tinabihan sya ni Bryan at tumabi na rin kami dito.Dumating na yung prof namin Kaya nakinig na lang kami sa mga lesson nila hanggang sa mag uwian na.Napansin ko na nag mamadali si belle kaya nauna na ako sa mga kaibigan at sinundan si belle,pumunta sya sa kabilang school kung saan nandoon ang kapatid nya.Sinundo nya pala ang kapatid nya. At umuwi na sila.

"Bro Tara na!" Aya ni James sakin.

"May laban pa tayo." Sabi naman ni Ivan. Kaya umalis na kami at pumunta sa lugar kung saan may nag aantay sa amin na isang grupo na lalabanan namin.

*Belle's POV*

Grabe ang araw na to makatulog na nga lang sa kama,isipin no yun nakakilala ka ng grupo ng mayabang may gang siguro yun,hays makatulog na nga bukas pasok pa.

Mr.Cold Mafia Fell In Love With Ms.Brave Where stories live. Discover now