Chapter 9

14 0 0
                                    

Faith's POV

Hindi ko alam kung saang parte ako ng manila nagpababa sa habal-habal na 'yon. Ang tanging nasa isipan ko lang kasi ay ang maka-alis ako sa siraulong lalaking 'yun, dahil hindi ko din masisikmurang magtrabaho kung ganun din ang magiging amo ko.

Magha-hating gabi na din pero ako eto, naglalakad lang sa gilid ng kalsada. Iniinda ko ang bigat ng bagahe at sakit sa paa. Nakakaramdam na din ako ng uhaw pero hindi na ata sasapat ang perang dala ko kung gagamitin ko pa ito.

Siguro ay maghahanap muna ako ng murang paupahan ngayung gabi at bukas maghahanap ako ng panibagong trabaho.

Napabuntong hininga naman ako at naisipang maupo muna sa sulok.

"Ano nang gagawin ko. Hindi alam nila nanay ang ginawa kong paglayas." mahina kong bulong at yumuko dahil sa kapagurang nararamdaman.

Halos pinanonood ko na lang ang mga taong naglalakad. Ang iba ay napapatingin pa sa'kin pero hindi ko na lang 'yon pinansin dahil alam ko namang kaawa-awa nga talaga ang itsura ko.

"Ang malas ko talaga. Siguro kung hindi ko nakilala yung siraulong 'yun, paniguradong hindi ko kasama ang kamalasan," bulong ko pa sa hangin.

Napanguso naman ako ng makakita ako ng mag-jowang nag susubuan sa isang Restaurant na kaharap ko. Kasabay nang pagnguya nila ang pagkulo naman ng tyan ko.

"Nagugutom na ako," nguso kong saad.

Nagulat naman ako nang may biglang sumulpot na tinapay sa harapan ko na nakapagpakunot sa noo ko.

"Tinapay?" taka kong saad.

"Kuhain mo na nga. Nangangawit na ako." masungit na saad ng katabi ko.

Napalingon naman ako bigla sa taong 'yun at nakita ko lang naman yung impaktong sumira sa araw ko.

Lumayo pa ako ng ilang dipa at mariing niyakap ang mga bagahe ko. "Anong ginagawa mo dito? Sinusundan mo ba ako?" madiin kong saad.

Inirapan naman ako nito bago nilapag sa ibabaw ng bagahe ang pagkain. "Ka-arte mo naman. Ikaw na nga 'tong tinutulungan nagsusungit ka pa."

Halos mapairap siya dahil sa sinagot nito sa kanya.

"Aba, gago ka pala, eh. Sino ba nagsabi sayong sundan ako?" iritado niyang saad at mabilis na hiniklat ang mga gamit kasama ang pagkain.

Nagtuloy-tuloy siya sa paglalakad at hindi pinansin ang prisensya ng impaktong kasama niya.

"Sumama ka sa'kin."

Natigilan naman siya dahil sa nadinig. Marahas niya itong nilingon para kumpirmahin kung tama ba ang lumabas sa bibig nito.

"Ano kamo? Paki ulit nga." sigaw ko na nakapagpakunot ng noo nito. Nakita ko pa ang pag irap nito sa'kin at nag-crossed arms pa sa harapan ko.

"Aba. Ang kapal naman ng mukha nito." Saad ng utak niya.

"Bingi ka ba o baka tanga ka?" iritadong saad nito.

Halos umusok naman ang ilong at tenga ko sa narinig kaya hindi na ako nagdalawang isip na hambalusin ito ng bag.

"Gago ka pala! Anong karapatan mong tawagin akong tanga, ha!" sigaw ko at malakas pang pinagtatadyakan ito sa binti.

Alam niyang pinag ti-tinginan na siya pero wala siyang pake, mas mahalaga sa kanya ang makagante sa siraulong kaharap niya. Sinubukan din niyang suntukin ito sa mukha pero lumalayo lang ito sa kanya.

"Aray masakit! Ano ba!" sigaw nito habang nag i-iwas ng mukha.

Kulang na lang ay lumuwa ang mata niya sa panlilisik dahil sa sobrang galit na nararamdaman. Akala ba niya nakakalimutan niya ang ginawa nitong paghalik sa kanya.

Mr Badboy Personal MaidTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon