Chapter 6

119 50 49
                                    

Dahan dahan kong dinilat ang mga mata ko pero napapikit din ako ng liwanag ang sumalubong sa'kin.

"N-nasa langit na ba ako?" bulong ko. Nakarinig naman ako ng mga tawa kaya napabalikwas ako kaagad nang bangon. Naalala ko nang nag a-apply pala ako ng trabaho.

Nilingon ko naman ang gilid ko ng makaramdam ako ng kamay sa braso ko. "Hija, dahan-dahan lang. Ayos na ba ang pakiramdam mo?" Ngiting saad ng ginang. Si nanay Yolly pala.

"Pasensya na po kung na-, uhm, nahimatay ako," nahihiya kong bulong.

"Ayos lang iha, nabigla ka ata. Eto, umunom ka muna," ngiti niyang inabot sa'kin ang baso ng tubig. Kahit nanginginig ang kamay ko ay hinawakan ko pa din nang mabuti ang baso.

Nang mahimasmasan ay hinarap ko ulit ang mag-asawa na ngayon ay nakatitig sa'kin na may mga ngiti sa labi.

"T-teka lang po, wala po kasing nasabi ang nanay at tatay ko tungkol sa trabahong gagawin ko." Mahinahon kong saad habang nakayuko at mahigpit na hinahawakan ang baso sa hita ko.

"Ganito kasi 'yan, hija. Mawawala kasi kami ng ilang buwan dahil may Business kami na dapat tapusin, at yung panganay ko, ang sakit sa ulo namin. Gusto lang kasi naming may titingin sa kanya habang wala kami dito sa bahay since matanda na din si Yolly."

Nag angat naman ako ng tingin sa kanila ng marinig ko ang sinabi nila. "Ibig niyo pong sabihin ay magiging julalay po ako ng anak niyo?" gulat kong tanong sa kanila na ikinatango naman nilang parehas.

"Ganun na nga hija, but dont worry kapag may ginawa siyang kalokohan just tell us, and by the way, Doon ka na rin mag aaral sa school na pinapasukan niya para mas mabantayan mo siya ng maayos then, mag bubukas kami ng bank account para sayo. Para kapag may kailangan ka, you can use it,"

Halos hindi mag-sink sa isip ko lahat nang naririnig ko sa kanila. Para bang binabangungot ako ngayon nang gising.

"Doon na rin namin ihuhulog ang sahod at allowance mo kada 2 months, ok?" ngiting paliwanang ng ginang sa'kin. Tanging tango na lang ang nagawa ko dahil may isang bagay na hindi pa tuluyang nags-sink sa utak ko.

'Bank account? Eh, hindi ako marunong gumamin no'n' sigaw ng utak ko.

Tila inaantay ng mag asawa ang sagot ko kaya huminga na ako nang malalim dahil ayaw ko rin na mapahiya ang mismong amo ko. "Ma'am, Sir, sorry po pero hindi po ako marunong mag ano sa bangko," nahihiya kong sabi at kagat labing yumuko ulit. Hinintay kong makarinig ng panlalait pero bungisngis lang ang narinig ko na nakapag paangat nang tingin ko.

Nilapitan naman ako ni ma'am at mariing hinawakan ang mga kamay ko. "Sige. Gagawin na naming cash, but make sure na itatago mo ng maigi, ha? Ang sahod mo for a month is 30K, then yung allowance mo is 10K, 'yon ang ibibigay namin sayo every month pero since dalawang buwan bago kami nakakauwi dito, ia-advance na namin bago kami umalis ng tito mo. Okay na ba sayo 'yun?" Nakangiti niyang saad. Halos mahulog na ako sa kinauupuan ko dahil sa narinig ko.

'Seryoso ba siya?!'

"S-seryoso po ba kayo sa sinasabi niyo? Pero simple lang naman po ang trabaho ko" nagtataka kong saad.

"Hija, iba kasi ang tigas ng ulo ng panganay namin kumpara sa bunso. Paniguradong habang wala kami ay madaming mangyayaring hindi maganda, kaya kahit doon na lang ay mabayaran ka namin," nag aalalang sagot ni Sir na ikinatigil ko.

"Ano pong ibig niyong sabihin? Mamamatay tao po ba kayo?" Mangiyak ngiyak kong tanong. Aaminin kong OA pero naninigurado lang naman din ako.

"No! Of course Not! Hindi ganun.. I mean, hindi kami ganun," pagkakalma sa'kin ng ginang. Nakahinga naman ako ng maluwag sa narinig.

"Pero bakit po ang laki ng sahod ko?" Pangungulit ko sa kanila

"Yung anak kasi namin ay napakabasagulero, mahilig makipag away at maospital or makasira sa isang lugar," Kamot ulong sagot ni Sir. Nanlaki naman ang mga mata ko sa narinig.

"B-basagulero?" Kabado kong bulong. Napatayo agad ako dahil sa narinig ko na ikinataranta naman nilang dalawa.

"Hija, maupo ka, hindi kagaya ng asa isip mo ang anak namin," sagot ng ginang at masuyo akong pinaupong muli.

"I know nakakagulat pero kailangan kasi namin ng tulong mo at ikaw na ang pang pitong katulong na nag apply."

Tahimik lang ako at nakikinig pa rin sa paliwanag nila. Pilit kong sinisiksik sa utak ko lahat ng narinig ko.

"Yung 40k na sahod mo, dadagdagan pa namin ng 10k incase of Emergency." kagat labing sagot ng ginang. Kulang na lang ay gumulong na nang tuluyan ang mata ko sa mga naririnig ko.

'50k na sahod kapalit lang ng pag aalaga sa siraulo niyang anak?!'

Bago pa man siya magsalita ulit ay nilapitan ko na sila at mangiyak-ngiyak na hinawakan ang kanilang mga kamay.

"Napakalaking halaga na po no'n, sobrang maraming salamat po sa inyo. Nasaan po ang kwarto ko? Kailan ako mag sisimula?" naiiyak kong sabi. Natigilan naman ako nang makarinig ako ng yabag papalapit sa pwesto ko at halos kumulo ang dugo ko sa huling narinig ko.

"Tch, pakitang tao."

Naiirita kong nilingon kung sino ang poncio pilato na yon pero mali ata ang ginawa ko dahil muntik nang mahulog ang mata ko sa sobrang gulat.

Parang nag slow-mo ang lahat at malakas akong napasigaw dahil sa sobrang pagkagulat.

"IKAW?!" Sigaw ko habang dinuduro duro pa siya.

'Oh my gosh, SIYA?? Bakit siya pa? Jusko! andami daming pwedeng alagaan dito sa mundo. Bakit ito pang hambog na 'to' Mangiyak-ngiyak na sigaw ng utak ko.

"Mag kakilala kayo?" Tanong ng ginang sa'kin na ikinatahimik ko. Nakatitig lang ako ng daretso sa taong nakatayo sa harapan ko samantalang siya ay nakangiti sa'kin nang nakakaloko habang nasa bulsa ang mga kamay.

"Akalain mo nga naman na dito din naman pala kita makikita. Don't tell me sinundan mo ako?" Panunuksong sabi niya sa'kin na ikinagalit at ikinainis ko.

Hindi ko na napigil ang sarili kong sagotin siya dahil sa mapanukso niyang titig "Pwede ba mister hambog na masungit. Malay ko bang dito ka nakatita at wala akong intensyon sa baliw na kagaya mo. Kaya huwag mo akong pagsasalitaan nang ganyan." Matapang kong sagot na ikinangisi niya lalo.

Tila naman naguguluhan ang magulang niya dahil sa inasta ko kaya naman hininaan ko ang aking pananalita at yumuko ulit.

"Ikaw pa talaga ang may ganang magsabi n'yan." Masungit nitong sabi habang lumalapit sa'kin kaya napa atras ako nang hindi oras. "Eh, ikaw nga may kasalanan ka pa nga sa'kin,"

Kunot noo kong sinalubong ang mga titig niya. Aaminin kong nanlambot ang tuhod ko dahil sa mga mata niya.

"A-ang kapal naman ng mukha mo! Wala akong kasalanan!" Gigil na gigil kong sagot at aambahan ko na sana siyang bakalin ng basong hawak-hawak ko.

"Sige! Subukan mo. Hindi ako magdadalawang isip na patulan ka," seryoso nitong sagot na nakapag palunok sa'kin. Halos madurog na ang baso dahil sa gigil na nararamdaman ko.

"Ang lakas ng loob mong sabihan ako niyan! Fyi, Ikaw ang may kasalanan. Ikaw nga tong nangdadamay kasi hina hab-" hindi ko na natapos ang sasabihin ko dahil bigla niyang tinakpan ang bibig ko at pinandilatan nang mata.

'Ang bango niya!' Malanding sigaw ng isipan ko.

Akma ko nang tatangalin ang mga kamay niya nang makarinig ako ng bungisngis. Sabay pa kaming napalingon at napanganga nang makita namin ang tatlong matatanda na may hawak na pagkain at nanonood sa'ming dalawa.

To be continue...

Mr Badboy Personal MaidWhere stories live. Discover now