CHAPTER 15

4.3K 132 2
                                    

PATERSON'S POV

"Ok class, goodbye" uwian na namin ngayon. Kanina pa talaga ako hindi mapakali at gustong gusto kona puntahan si Sam sa Infirmary.

"Ok kalang Jack?" Tanong ni Ameer

"Si Sam, nasa Infirmary daw puntahan ko muna" aalala kung sabi

"Samahan kana namin" sabi naman ni Hansel. Tumango naman ako at lumabas na kami para puntahan siya

"Paano mo nalaman na nandun siya Jack?" Tanong ni Derick

"Nag message siya sa akin na nasa Infirmary siya dahil na dulas daw" sagot ko naman. Nang maka punta na kami, ay tinignan namin bawat kurtina at nakita namin siya sa pangatlong bed. Natutulog siya, sigurado akong kanina pa siya natutulog at napagod siya.

"Dulas lang ba 'to? Grabi pasa naman sa may siko niya kung nadulas lang" sabi naman ni Ameer na sinang ayunan naming tatlo. Unti unti namang gumalaw si Sam at dumilat ang mata niya

"P-pat?" Mahina niyang sabi

"Anong nangyari sayo Sam? Ayos kalang ba?" Alala kung sabi at inilalayan siya umupo sa higaan.

"Ayos lang ako, medyo nanghihina lang ang katawan ko, pero okay lang ako" sabi naman niya

"Sam, anong nangyari sayo?" Tanong ni Derick

"Ah, nadulas ako pag labas ko sa rooftop" sabi niya.

"Sam, magsabi ka ng totoo, anong nangyari sayo?" Seryoso kung sabi. Imposible kung dahil lang sa nadulas kaya nagkaroon siya ng ganitong pasa, pati sa may noo niya may sugat at medyo basa din ang buhok.

"Ang kulit niyo talaga. Ewan ko kung ano ang nangyari, basta paglabas ko bumuhos sa akin ang isang baldeng tubig na may coloring food at nung pababa na ako sa hagdan ay nadulas ako" paliwanag naman niya.

"Sino naman ang immature gagawa nun?" Tanong naman ni Hansel.

"Wala tayong evidence, kaya ayokong mambintang" sabi naman niya.

"Kung sino man ang gumawa niyo makaka tikim talaga yun" seryoso kung sabi

"Pat, ang nga natutunan natin ay hindi para gamitin sa mga taong walang kalaban laban, ang mga natutunan sa pakikipag labas ay para pigilan si Cristopher sa mga demonyong niyang plano" seryoso naman niya sabi na sinang ayunan ko.

"Kaya mo bang tumayo Sam?" Tanong ni Derick. Sinubukan naman niyang tumayo, kaya naman niya pero nanghihina siya kaya inilalayan ko siya. Si Hansel naman ang nag dala ng bag ni Sam, medyo malapit na rin mag dilim kaya umuwi na kami.

"Hatid na kita Sam, at bukas susunduin kita, kung hindi mo pa kaya, wag ka munang papasok, ako ang bahala sayo mag excuse sayo" sabi ko naman sa kanya

"Papasok ako bukas Pat, kaya ko naman eh" kahit kailan ang tigas ng ulo. Di ko nalang siya kinontra dahil kahit anong gawin, matigas pa rin talaga ang ulo niyan.

"Dahan dahan lang Sam" umuwi na ang tatlo ako nalang ang nag hatid kay Sam dito sa ni rentahan niya

"Thank you Pat, sige na uwi kana gabi na rin" sabi naman niya.

"Sigurado kang wala ka ng kailangan? " tanong ko

"Wala na Pat" sabi niya

"Sige una na ako, sunduin kita bukas ha." Umalis na rin ako para rin makapag pahinga na siya ng maaga. Hindi ko nalang 'to sasabihin kina Tita at Tito baka mag alala pa 'yun. Dapat nilang unahin ay yung sa Company, baka in just a blink of an eye, mawala na sa amin lahat dahil kay Cristopher.

LOUIE'S POV

Nandito ako sa penthouse ni Drew kasama si Justin. Ewan ko ba dun kay Zach, ayaw sumama. Badtrip daw siya, pero nahuhuli naman naming ngumingiti.

"May napapansin ba kayo kay Zach?" Curious na tanong ni Drew

"Hindi lang ikaw nakapansin niyan bro, para may something eh" sabi naman ni Justin na parang nag iisip kung ano yung something

"I find him weird too, well he is always weird in every aspect. But right now, he is different being weird before" sabi ko naman

"Napansin ko rin yan. Simula nung sinagot sagot siya ni Ms. Zieglier, may iba na eh, di kaya..." sabi naman ni Justin

"Oh sh*t!" Sabi naman ni Drew ng di makapaniwala "I knew it!" Sigaw niya na may isang magandang sagot sa nangyari kay Zach. Dahil di naman ako slow ay naintindihan ko agad

"HE IS INLOVE!" Sigaw naming tatlo. Maybe he is.

"Pwede. Pero bakit ni bully ni Zach si Ms. Zieglier?" Sabi naman ni Justin

"Slow ka parin kahit kailan Justin, malamang torpe si Alas II eh" sabi ko naman at umiling at tumango naman si Justin.

"May plano ako" ngiting nakaka loko ni Drew. Nagtinginan naman kami tatlo.

"Ano yun?" Tanong ni Justin

"Simple lang naman para mapa-amin natin si Zach eh" ngiting sabi ni Drew

"Paano?" Mahina kung sabi na sapat na para marinig nilang dalawa

"Edi pasilusin natin si Zach" natatawang sabi ni Drew, pero kaming dalawa ni Justin ay ngumiwi lang na parang isang kalokohan ang naisip niya

"Bahala ka diyan Drew, mag isa mo yang gawin, baka pag nag selos yun, balibagin niya ang kamay natin, ayoko mawalan kamay noh" sabi naman ni Justin na sinangayunan ko.

"KJ niyo naman, impossible yun, tatlo naman tayo eh isa lang siya" natatawang sabi niya pero umiling lang ako "sige na, para naman magka lovelife na kaibigan natin" pilit niya sa amin, pero sa bagay, bata palang siya, para na siyang pinag kaitan ng mundo, simula nung namatay ang mama niya. I think it is time to find his happiness.

"Sige na nga" suko ni Justin

"Ayaw pa rin ni Louie kasi may gusto siya kay Ms. Zieglier eh" sabi ni Drew na mat ngiti sa labi, tinignan ko naman siya ng masama.

"At bakit naman ako nadamay?" Seryoso kung sabi

"Diba pinagtanggol mo siya? Naks naman third party tong si Louie oh, badtrip" sabi ni Justin

"Sira*lo, natutuwa lang ako kay Ms. Zieglier dahil napaka ingay, pero wala akong gusto. Ga*o" inis kung sabi.

"Easy, defensive naman. Pero good yan. So game? Si Louie ang magpapaselos ha" sabi ni Drew kaya sinamaan ko siya ng tingin

"Bakit ako? Si Justin kaya o ikaw, ka babaero niyong dalawa eh" pasa ko sa kanila

"Hoy! Di na ako babaero noh. Nahanap ko na yung the one ko" sabi ni Justin at napa pikit pa. Binatukan naman siya ni Drew

"Basta ikaw Louie, patunayan mo, na 'di mo talaga  gusto si Ms. Zieglier" sabi naman ni Drew

Aba talagang hinahamon ako ha.

"Fine, game"

She's A Secret Billionaire (COMPLETED)Where stories live. Discover now