"Para saan ito?" tiningnan lamang niya ang Gatorade at hindi inaabot.

"I bought it for you. Para 'di ka ma-dehydrate." 'di pa rin inaabot ni Saint ang bote.

"I have water." sagot niya.

"Yaan mo na, para sosyal 'di ba?" at nginitian siya nito. Inabot na lamang niya ang inumin and said his thanks, para hindi na sila mag talo. Siguradong may rebuttal na naman ito kapag kinontra niya pa ito.

"Bakit ka nga andito?"Pag ulit niya muli sa tanong.

Umupo na ito sa tabi niya at binuksan ang paper bag na dala nito.

"i texted uya Bran and asked if break time niyo na. Saktong labasan na ng last class ko for today. So, pumunta na ako dito and I brought food!" Oo nga pala at pinsan nito si Bran kaya alam niya ang schedule ng practice nila.

Pinanood niya lamang ito na linalabas ang dalawang tupperware mula sa loob nito. Binuksan nito isa-isa ang lalagyan. Sa unang tupperware ay may lamang lasagna, ang isa ay may lamang garlic bread at dalawang maliit na chocolate cupcake.

Kumuha din ito ng dalawang disposable fork mula sa paper bag at iniabot ang isa sa kanya. Wala sa isip niyang kinuha ang tinidor at tiningnan lamang ito.

"Eat up, I've prepared all of these for you. Nagpakahirap akong lutuin 'yan!" masiglang sabi sa kanya ni Valentine at tila proud na proud sa niluto.

"Thanks but no thanks, you don't have to do that. May pera naman akong pambili ng pagkain. It's not that boyfriend mo 'ko para paghandaan ng pagkain" malamig niyang sabi.

Tinitigan lang siya ni Valentine nang walang emosyon hanggang sa dumilim na ang mukha nito. Pinulot nito ang takip ng tupperware at padabog na tinakpan ang mga tupperware.

Hinablot din nito ang tinidor na hawak niya padabog ding inilagay pabalik sa paper bag. Padaskal nitong inilagay sa loob ang mga tupperware at hindi man lang inisip kung matatapon ba ang laman nito.

Mabilis itong tumayo at halos tinakbo na ang palabas ng dance room. Ang iilan na freshmen na nasa loob ng dance room ay napatingin dito. Nanunubig na pala ang mga nito at sumisinghot-singhot na ito.

Sakto namang lalabas na ito sa pintuan ay nakasalubong nito ang pinsang si Bran. Hinawakan nito ang pinsan sa braso at itinanong kung anong nangyari. Bigla itong ngumawa at itinuro ang direksyon niya.

"Uya! Si Saint kasi!" ngumawa uli ito pagtapos ay kumalas na sa hawak ng pinsan at tumakbo palabas. Bran apologetically looked at him at lumapit sa kanya.

"Pre, pagpasensyahan mo na yung pinsan kong iyon. Moody kasi at medyo sensitive ever since." Nagkamot pa ito ng ulo. Ganoon na talaga ang pinsang niyang iyon kaya kahit simpleng salita lang ay iiyak na ito.

"Wala ka namang masamang ginawa diba?" Bran's voice shifted from apologetic to serious.

"Tinanggihan ko lang yung pagkain na inalok niya. I didn't do anything wrong." he plainly said but deep inside, he was guilty of making Valentine cry.

Kaya naman tumayo siya at lumabas ng dance room habang dala ang Gatorade. He will apologize to Valentine, he realized na nag effort ito para sa kanya.

Hindi siya mahilig manuyo, that is fact. Hindi siya marunong at hindi din niya gusto ang nanunuyo. Kaya siguro din siya ipinagpalit ni Diana noon ay dahil never niya itong sinuyo kapag nagta-tantrums ito. Tipong nagtatampo nang walang rason.

He doesn't like dealing with this kind of shits. Ayaw na ayaw niya ang nanunuyo lalo na kapag nag iinarte lang naman.

He doesn't get why girls do that, tipong simpleng bagay lang palalakihin nila tapos mag tatampo sila tapos kailangan mo pang suyuin. It's just a pain in the ass, really.

My Weirdest ValentineWhere stories live. Discover now