'Memoirs in a Park'

8 3 0
                                    

Nandito ako sa isang park. Sa park na kung saan unang beses na muntik ako mawala sa aking mga magulang. Parang ang bilis talaga ng panahon eh. Parang kailan lang ay bata pa ako na walang kaalam-alam pa masyado o sa maiksing salita ay isa akong inosenteng bata. Naalala ko din dito ko unang nakita ang aking unang naging kasintahan na mula sa RPW. Siya ay taga Manila at ako ay taga Makati. Siguro sa paningin ng iba ay masyadong komplikado ang nangyari bago mabuo ang aming relasyon. Siguro sa iba ay nawakasan na agad kahit nagsisimula pa lamang sila sa RPW. Naalala ko din dito kami naghiwalay. Hindi kami naghiwalay dahil may minamahal na siyang iba o ako. Dahil kinailangan namin maghiwalay. Nagkaroon ako ng sakit na leukemia. Ang malala pa ay pinaalalahanan na ako ng doctor ko na maari na akong mamatay kahit anong oras o panahon. Hindi kasi ito naagapan dahil bukod sa mahina ang aking katawan sa mga gamot ay hindi na din kaya nila mama at papa ang mga gastusin. Nakipaghiwalay ako kay Kian dahil mas okay nang isang beses na sakitan na lamang. Ngunit habang papauwi siya ay nasagasaan siya ng kotse habang naglalakad. Binalita ito sa akin ng kanyang nanay.

Sa ngayon na sa iisang lugar na kami ni Kian. Dahil nang gabi bago masagasaan si Kian ay isunugod ako sa hospital dahil bigla akong hinimatay. At pagkatapos kong magising ay doon tumawag ang nanay ni Kian sa akin. Nang gabing iyon ay dalawang tao ang sabay na nagpaalam.

Ako ngayon ay isang kaluluwa na paggala-gala na lamang. Kailangan ko nang pakawalan at hayaan ang minamahal ko sa buhay. Nang sa ganoon ay matahimik at mapayapa na akong mawawala.

"Mahal, halika na." wika ni Kian

May nakakasinag na liwanag sa kanyang likuran. Lumapit ako sa kanya. Siguro panahon na din para sumama ako kay Kian. Sa lugar kung saan kami ay mananahimik.

Story Compilation (One Shots)Where stories live. Discover now