'Writing Reality into Fiction'

15 3 0
                                    


"Denver, ano ba?!" Sigaw ko

"Eh kasi pansinin mo na ako!" Makulit na sagot naman niya

"Nakakainis ka! Lagi mo nalang ako kinukulit! 'Di ba pwedeng kahit isang araw naman ay lubayan mo ako at huwag kulitin?! Kapag ako bumagsak dahil sayo malalagot ka sa akin!" Pagbabanta ko kay Denver

Pagkatapos kong magbanta ay tumakbo na ako palabas ng room. Dahil lunch time namin ay dumiretso ako sa tambayan ng aking bebe. Simula sa aking kinatatayuan ko ay nakikita kong nakangiti siya habang nakahawak at ginagamit ang phone niya. Baka iniistalk niya yung mga fb pics ko tapos nacute-an siya. Syempre isang charot lang iyon! Itigil ko dapat ang aking pagiging assumera. Nagtago ako sa gilid ng mga lockers. Baka kasi makita niya ako at pagalitan niya ako. Nagulat ako nang bigla siyang tumayo at papalakad siya ngayon sa aking direksiyon. Ay shemay! Anong gagawin ko?!

"Joyce." tawag niya

Ako ba ang tinatawag niya? Hindi ako sure kung may ibang Joyce sa paligid. Mamaya mapahiya lang ako kapag lumabas at sumagot ako tapos hindi naman ako yung tinatawag niya.

"Joyce, alam kong nagtatago ka diyan sa gilid ng mga lockers. Bakit ka nandirito at sinisilip ako?" Tanong niya

"A-ah k-kasi k-kuya A-august....g-gusto kasi kitang makita. M-may gusto kasi ako say—" Bigla niya itong pinutol

"Ah kaya pala. Pero Joyce, hindi sa sinabi ko na hindi ka maganda ngunit mas maganda sayo yung taong gusto ko. Hindi kita gusto, Joyce. Hindi rin ako pumapatol sa mas bata sa akin. Kapag nahuli ulit kita nagtatago sa mga lockers ay isusumbong kita sa ate Joan mo." Sabi niya

"O-opo. 'Di na ulit ako magtatago dito at susundan ka." Pagkatapos kong magsalita ay tumakbo na ako ng mabilis bago pa tumulo ang aking mga luha

Sumapit ang uwian namin ay namamaga pa rin ang aking mga mata. Buti na lamang at hindi ito napansin ng teacher ko. Habang naghihintay ng tricycle na masasakyan ay nakita ko si Denver na papalapit sa aking kinatatayuan sakay-sakay ng kanyang bike. Nang makalapit siya ay inaya niya ako sumakay sa bike niya tutal ay iisang street lang naman kami. Habang nakasakay ako sa likudan ng kanyang bike ay nag-uusap kami

"Umiyak ka? Namamaga mata mo eh." Sabi niya

"Oo. Sino 'di maiiyak kapag nireject ako nung natitipuhan ko si kuya August... " Aking binulong ang kanyang pangalan

"Si kuya August? As in yung pinsan ko?" Gulat na tanong niya

"Oo." Sabi ko

"Bakit kasi siya pa nagustuhan mo? Eh nandito naman ako na may gusto sayo. Bakit kasi napaka-manhid mo?" Bulong ni Denver

"Oy ano iyang binubulong mo? Mamaya kung ano-ano pinagsasabi mo ah!" Sabi ko

"Wala, kumakanta lang ako. Oh ayan na bahay niyo." Sabi niya at itinigil ang bike upang makababa ako

"Salamat sa pag-hatid ah! Bye!" Pamamaalam ko

"Bye!" Sigaw niya habang papalayo

Pagkapasok ko ng bahay ay bumungad sa akin si ate na kinikilig at tumitili.

"JOYCEEEEEEE!!!!! MAY BOYFRIEND NA AKOOOO! WAAAHHHHH!!!!" Tili niya habang niyuyugyog ako habang hawak ako sa balikat.

"Eh sino ba iyan?" Tanong ko

"Si August, yung classmate ko. Matagal nang nanliligaw iyon sa akin ng patago." Sabi niya

"Congrats sa inyo. S-sige na ate, akyat na ako." Sabi ko

Napakasakit lang. Bakit sa lahat ng babae na matitipuhan niya ay ang ate ko pa? Kaya naman pala sabi niya ay isusumbong niya ako kapag nakita niya ulit ako doon. Dahil may namamagitan na sa kanilang dalawa




Ngayon ay fan meeting and signing ang aking pupuntahan. Isa akong author ngayon. Ang aking pagkakakilanlan sa iba ay AJE na mula sa letra ng pangalan ko

"Ate Aje, ano po yung totoong name niyo?"
Tanong sa akin ng isang fan

"Ailyn Joyce Ertiza." Sagot ko

"Sabi daw po ng iba ay almost whole story na ginawa niyo ay based sa nangyari sayo noon." Kuwento sa akin ng isang fan

"Ah. Oo, totoo iyon. Kahit ang names ng characters sa story ay nakabase halos. Sa katunuyan ay kasal na si ate Joan kay kuya August." Paliwang ko

"Eh ikaw ate Aje single ka ba or in relationship?" Tanong ng isang fan

"Engaged na ako. Sa kuya ni Denver na si Devier." Sagot ko

"Bakit hindi po si kuya Denver ang nakatuluyan niyo?" Tanong ng isang fan

"Paano ko makakatuluyan ang isang taong namatay na sa isang aksidente?" Tanong ko

Si Denver ay namatay noon bago kami maka-graduate ng college. Naging kami for 7 years. His brother was always there for me since he died. He became my hero who always saves me whenever I'm in danger. One day, I just realized that I'm falling in love with him. Not because he resembles Denver. I fall for him because he is Devier, the one who became my bestfriend and lover. We're now engaged and we will having an angel soon.

Story Compilation (One Shots)Where stories live. Discover now