CHAPTER 3

102 15 10
                                    

"I said sit here..... beside me"


Walang anu-ano'y hinila niya ako paupo sa tabi niya. Binitiwan niya na rin ang wrist ko kaya dali-dali ko kaagad inayos ang dress ko.


Nahihiya rin kasi talaga ako sa kanya dahil nga sa nagawa ko kanina. "Bakit ba? Doon na nga lang kasi ak—"


"Nasa akin ang bag mo diba? Are you expecting me to call you there just to give you this?" itinuro niya pa ang target spot na uupuan ko sana kanina sa gitna nina Yael at Nicco. "O baka naman hinihintay mo 'to lumakad papunta sa'yo? Andito na ba talaga napunta yung mga paa mong 'di makalakad kanina ha?" masungit at sarkastiko niyang sabi. Inis niyang kinuha ang bag ko na nasa kabilang gilid niya saka binigay sa akin.


Oo nga pala. Bakit ko ba nakalimutang nasa kaniya 'to? Napakalutang ko yata talaga ngayon! Jusmeme...


Hindi na ako nakapagsalita nang magsimula na rin ang orientation program. Inumpisahan ito ng isang panalangin kasunod ang pambansang awit. Bakas sa himig at tindig ng mga senior high school students ang pagiging masigla ngayong unang araw. Ewan ko na lang. Tignan na lang natin sa mga susunod na araw hmm... Chos! HAHAHA.


 Sinundan naman ito ng TU Hymn na syempre ay hindi pa namin alam ang tono at lyrics. Tanging ang mga teachers at officials sa gitna, at ibang students sa magkabilang bleachers lang ang may alam. Malamang ay Grade 12 na ang mga 'yon...


Nagtaka ako nang may marinig akong sumasabay sa TU hymn. Paglingon ko sa kanan ay hawak  na ni Devin ang student handbook niya at kinakanta ang hymn nang wala sa tono. Nakakahiya kasi hindi talaga sila magkasabay ng kanta, as in naghahabulan sila nung lyrics! Tapos yung pababa pa na part ay pataas niyang kinakanta. Jusko!


Bida-bida talaga 'to eh. Di waring manahimik na lang.


Buti na lang ako pabuka-buka lang ng bibig kahit walang sounds. At least diba?


Paglingon ko sa kaliwa ay nagulat ako nang makitang nakatingin na pala sa akin si Dash na para bang sobrang nawiwirdohan siya sa ginagawa ko at ni Devin. Kunot-noo niyang inalis ang tingin sa akin at binaling doon sa stage saka niya pinasak sa kanang tainga niya ang isang airpods.


Napatikom tuloy ako ng bibig saka ko sinuntok sa braso si Devin para manahimik. Ang sama sama ng tingin niya nang lumingon siya sa akin.


"Ano ba? Wag ka ngang magulo, Sol! Inaaral ko 'tong kanta at baka nasa exam 'to." inis niyang bulong saka ulit tumingin sa handbook, seryosong hinahanap gamit ang daliri kung saang gawi na 'yung kanta.


Ganon ba talaga nakakatrauma sa kaniya ang exams? Sabagay, nakakagulat nga naman kung minsan na makikita mo sa dulo ng exams niyo 'yung National AnthemPledge of Allegiance to the Philippine Flag, Patriotic Oath at hymn ng school niyo o di kaya'y mission, vision, core values at iba pa. Bonus pa nga minsan tapos hindi mo naman alam kung mong o mo'y ba 'yung tamang ilalagay. Kinakanta mo pa sa isip mo pero biglang mawawala, lumulundag ka na sa ibang part tapos mapapasabi ka na lang na 'Kabisado ko naman to ah!'. Tsk.

Glimpse of EclipseTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon