CHAPTER 2

122 14 2
                                    

Napalingon si Dash sa akin nang mapansing hindi ako sumusunod sa kaniya. Iiling-iling pa siyang humakbang pabalik malapit sa kinatatayuan ko.


"What? You cannot walk now, huh? Nandito ba yung mga paa mo sa bag na 'to?" naiinis na aniya nang makitang nakaestatwa pa rin ako sa kinatatayuan ko. Kumunot na agad ang kaniyang noo. Parang ganon lang eh... Napakabilis talaga magbago ng mood ng lalaking ito! Bipolar ka ha? Bipolar? Letche.


"Huh? Baliw ka. Akin na nga 'yan! Kaya ko naman dalhin 'yan eh! May mga kamay naman ako ah?" I stretched out my arms and shook my hands like I was asking him to give me back my bag.


"You have hands but you do not have feet? Seriously, Sol?" sarkastiko niyang tanong. "Psh. Amazing, huh." tyaka niya ako tinalikuran.


Napakamot pa ako ng ulo at asar na asar na humahabol sa kaniya habang siya ay nagpatuloy na sa paglakad.


Nakarating na kami sa living room. Wala na sila rito, malamang ay nasa labas na ang mga iyon. Dinig ko rin dito ang ingay nila mula roon sa labas... o kung nasaan man sila.


"Dash, akin na nga kasi 'yan!" pilit na habol ko sa kaniya. Iritang-irita na ako. Hindi niya pa rin ako pinapansin at talagang nagtuloy-tuloy lang sa paglalakad. Letche ka talaga. Letcheeee!


Bakit ba kasi napakalalaki ng mga hakbang ng taong ito? 


Maliit ba ako?  O baka naman maiikli ang mga biyas ko? Hindi naman ah!


"DASHEN HELIUS LUNA!" inis ko na talagang sigaw.


Napahinto siya sa paglalakad at dahan-dahang lumingon sa akin. Mababasa ang pagkagulat sa mukha niya. Gayunpaman, nagawa niya agad iyon palamigin.


"What did you just call me?" malamig niyang tanong. Nakatagilid ang katawan niya mula sa akin habang ang mukha ay nanatiling nakahilig sa akin. Nakaabante pa ang isang binti niya at marahan itong pinapadyak-padyak sa sahig.


Kunot noo kong sinalubong ang tingin niya. "I called you by your whole name, stupid deaf!", nakapamewang kong sigaw sa kanya. Tinaasan ko pa siya ng kilay para naman matinag siya.


Taray mode. Ts.


He's so moody! Parang kanina lang na pababa ako ng hagdan ay badtrip siya tapos noong muntik akong maaksidente ay concern siya tapos bigla ulit nabadtrip at sinabing kumain na kami. Noong pagkadasal naman ay nginitian niya ako at paglabas ko sa kusina—kinuha niya ang bag ko-- ay maayos na naman ang mood niya, tapos ngayon... ARGHHH! Nakakabaliw ka na,  Dashen!


Humupa ang inis ko at pagtataray nang makita kong bigla niyang inalis sa akin ang tingin at sa halip ay binaling ito sa kanyang harapan. Bahagya pa niyang inihilig pataas ang ulo at tumingin sa kisame na parang may iniisip. Kitang-kita ko ang perpektong korte ng ilong at ang mahahabang pilikmata niya na palagi kong pinaglalaruan dati. Nasaksihan ko rin ang sunod-sunod at malalalim na paglunok niya.

Glimpse of EclipseWhere stories live. Discover now