CHAPTER 1

207 26 9
                                    

There he was...


Sitting on the edge of the rooftop.


Embraced by the cold wind of the night.


Looking at the heavenly bodies above us.



I, then, decided to walk towards him. I smiled as I sat beside the person I really love. Hinawakan ko ang kamay niyang nakapatong sa tabi ko dahilan upang ilingon nya ang paningin sakin.


Natatabunan niya ang buwan mula sa aking paningin kung kaya't hindi ko maaninag ang mukha niya nang lubusan. I could not see his reaction and facial expression. Was he surprised or what?


Napangiti ako sa isiping iyon. Gulat ka yata ha. Sus.


Muli niyang ibinalik ang tingin sa taas ngunit sadyang hindi ko siya maaninag nang maayos gayong nasisinagan naman sana ng liwanag ng buwan ang mukha niya.


Blurred... why?


"Bakit ka nandito? Gabi na." hindi ko inaasahang tanong niya. Akala ko ay matutuwa siya.


Kasabay ng pagsabi niya noon ay ang pag ihip ng malamig na hangin. Kasing lamig ng pakikitungo niya sa akin.


Pasimple n'ya pang binitiwan ang kamay ko upang ikamot ito sa sentido niya at ibagsak sa kanyang tuhod pagkatapos.


Pakalmot kong isinara ang kamay kong nakapatong nalang ngayon sa malamig at magaspang na semento. Napapahiya ko na lamang niyakap ang sarili ko dahil sa ginaw.


"Gusto lang kit—", he didn't even let me finish my line. Carefully, he raised his thighs and turned backwards. My feet were the ones left hanging there.


Nakatayo na siya nang lingunin ko. Tanging lapad ng likod niya ang nakaharap sa akin.


"Ihahatid na kita. Halika na," malamig niyang sabi saka nagsimulang humakbang papalayo.


Ano bang nangyayari? Bakit biglang ganito? May problema ba tayo?


"T-teka lang!" nagmamadaling sagot ko. Ibinaling ko na rin ang katawan ko patalikod, papunta sa gawi niya. Ilalapat ko na sana ang mga paa ko sa sahig  nang maramdaman ko ang pagsabit ng laylayan ng bestida ko sa  nakausling bakal ng pasimanong kinauupuan namin kanina.

Glimpse of EclipseTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon