"ANO BA?!"Pagsagot ko palang noon, pinaghahampas na naman niya ako.


"ANONG ANO?!LOKO KA! SA LAHAT NG ORAS NA PWEDE KANG PUMUNTA DITO NGAYON PA!"


"SHIT KA! DIBA SABI KONG LAYUAN MO AKO! ANG TIGAS NG ULO MO!"Hindi ko na kaya. Ang sakit na niyang manghampas. Kinuha ko ang bag niya at hinagkan siya ng pagkahigpit higpit.


"Ano ba ang hindi mo maintindihan sa ayokong lumayo?Ang bobo mo talaga."Sabi ko ng hinihingal.Nagpupumiglas siya pero hinigpitan ko ang hawak sa kanya.


"Sa lahat ba naman kasi ng oras eh ngayon pa."Hindi na ako sumagot. Hinagkan ko lang siya.


Ilang beses ko ba pwedeng sabihin sayo na hindi ko na kayang layuan ka pa? Kailangan ko pa bang I anunsyo sa buong University? Kung iyon ang gusto mo, gagawin ko. Gagawin ko iyon, huwag mo lang sabihin na layuan kita.


Nung huminahon na siya, doon ko na siya binitawan.


"Oh ayan!Ngingiti na siya."Sabi ko, hinawakan ko ang magkabilaang lips niya para magform ng smile. Ayun, hinampas ako sa braso.


"Aray!Ang sakit mo talaga manghampas."Seryoso ako, huwag niyo siyang hayaang manghampas dahil ang sakit.


"Ba't ka ba kasi pumunta dito?"Tanong niya sabay iwas ng tingin. Kitang kita ko. Kitang kita ko kung gaano pumula iyong mukha niya sa tanong na iyon. I just can't help myself but smile at her.


"Wala. Susunduin lang kita at ihahatid."Napatingin naman siya sakin.


"Ano?! Bakit?Siguro may balak ka na namang masama no?!"Gulat na tanong niya.


"Ano?!Ba't mo ba iyan naisip? Ihahatid lang kita.Napaaga kasi ako ng gising at bored sa bahay kaya pumunta nalang ako dito.Hindi ko naman alam na iyon pala ang bubungad sakin."Sabi ko sabay sipol.


Lumaki naman ang mga mata niya.Ang sarap niyang inisin.The way her face turned red,the way her eyes widened,the way her mouth dropped. It's just perfect!


"A-akin na nga yang bag ko!"Sabi niya at nag attempt na makuha ang bag niya, pero mabilis ang reflex ko kaya di niya nakuha at itinaas ko ito para di niya maabot.


"I'm sorry, miss.You can't get your bag unless you go to school with me." I said in a very playful tone which earned me a punch in the arms at ang sakit.


"Loko ka talaga!"Sabi niya bago lumapit sa sasakyan ko. I can't help but smirk knowing that I won.


Pumasok na siya dito, ako naman, nilagay ko muna yung bag niya sa backseat bago ako pumasok at pinaandar ang sasakyan.


Ang biyahe namin papunta sa school ay tahimik. Sa labas ng bintana lang siya nakatingin at paminsan-minsan nag tetext. Hindi ko naman alam ang sasabihin ko, mukhang bad mood kasi. Wait, hindi 'mukhang bad mood' kasi bad mood talaga siya.

Let Me Be Yours (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon