Chapter 4

1.9K 47 2
                                    

Sydney POV

Peste tong lalaking to, inofferan nga ako ng pagkain pero in the most insulting and offending way naman.Sino ba naman ang tatanggap ng pagkain na iyon?Okay na sana eh, kaso iniinsulto niya naman ako.

Doon na ako napaiyak dahil sa mga panlalait niya.Ayoko sanang awayin siya dahil hindi pa ako nakakain, eh dahil hindi ko pwedeng palagpasin yung ginawa niya ay inaway ko na siya.Pinaghahampas ko siya habang sinabi yung mga gusto kong sabihin sa kanya.I felt numb habang ginagawa iyon.Wala akong pakialam kung nasaktan ko man siya o siguro nga kahit mapatay ko siya ay wala lang din sakin.

Grabe talaga pag nagalit ka noh?Mapapalabas mo talaga yung lahat lahat na nais mong sabihin sa taong iyon.

Pero nung nahawakan niya ang kamay ko,dun ako napatigil sa ginagawa kong panghahampas sa kanya.Umayos ito mula sa pagkakahiga niya.

He was so close to my face.It made my heart skip a beat.No guy has ever been this close to my face before. EVER.First time ko to.He smiled.It made my heart melt also.Alam niyo iyong palagi nilang sinasabi?Yung butterflies sa stomach?Nararamdaman ko ito ngayon.

No.Galit ako sa kanya.Hindi ako dapat mahulog sa bitay niya.Alam kong ginagawa niya lang ito para pahirapan ako.Para patahanin ako.

Kahit anong iwas ko,I always end up looking directly in his eyes.Kaya ayaw kong  tignan siya sa mata.Nadi-distract ako.Para akong matutunaw.Para akong nawawala sa sarili ko. His BROWN EYES that I like so much.


Napasinghap ako nang ngumiti siya.His perfectly white teeth.Oh no,imbes nag pa-plano ako para patayin siya,eto ako ngayon at pine-praise siya.

I didn't notice that I was holding my breath.Not until he said this line.


"Tama nga siguro ang sabi nila noh? Pumapanget nga lalo ang babae kapag umiiyak ito."

I frowned.


Tinawanan niya ako habang may kinukuha siya sa bulsa niya gamit ang isa niyang kamay habang yung isa ay nakahawak pa rin sa mga kamay ko.

Bakit kahit pagtawa niya ang ganda pa rin pakinggan?Parang musika sa tenga?

Umiling ako.Dapat hindi ito ang iniisip ko!Galit ako!Galit na galit!

Nagtaka ako nang inilabas niya ang panyo sa kanyang bulsa at ginamit ito para punasan ang luha ko.Inilagan ko ito kahit na napunasan na niya.Mas lalo akong nanghihina,eh.Nakahawak siya sa wrist ko.Ang lapit namin.Ang sakit ng tiyan ko dahil sa pinaghalong kilig at kaba.

"Hay nako!Ang sakit mo palang manghampas noh?"

"Eh..ewan ko. Masakit ba?"Sana masakit nga, gago to.

"Grabe!Hindi ka pa kumakain noh?"

I nod as a response, ano bang nakain nito at biglang bumait ata?He's still holding my hands.

"Ako nga din eh, hali ka."Binitawan na niya ang mga kamay ko at tumayo na siya.

Bakit ba parang nadismaya ako nang bitawan niya ang kamay ko?No.No.No.

Tumayo na rin ako.

"Saan?"Tanong ko "Malapit na rin mag time."

"Kakain, saan pa ba?"

"Hindi ako sasama, busog pa ako" Nagpakipot ako kahit na gutom na gutom ako.Pero traydor ang tiyan ko.

"Hindi nga?Di ka talaga gutom?"He gave me an amused grin.

Let Me Be Yours (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon