Chapter 23

1.5K 39 0
                                    

SYDNEY POV


Hindi pa rin ako makapaniwala sa sinabi ni Adrienne. Hindi ako makatulog. Kahit anong gawin ko makatulog lang ay hindi pa rin tumatalab. Ano ba talaga ang nangyayari? Napahawak ako sa dibdib ko.


"Ang bilis ng tibok nito."Then out of nowhere, I found myself smiling for no reason. Gusto ako ni Adrienne. Kinikilig ba ako? Tumayo ako mula sa pagkakahiga at kinuha ang kahon sa itaas ng kabinet ko. Iyong sapatos na bili niya sakin.


"Look, I've been trying to get your attention pero hindi mo ako napapansin eh. Gusto ko maging sweet pero binibigyan mo naman ito ng ibang kahulugan. Minsan, nakakapagod na rin.Tinitignan kita pero kay Lance ka nakatingin.Ilang beses ko na gustong sumuko pero hindi ko magawa.Ngayon, hindi ko alam kung gusto pa ba kita, dahil sa tingin ko mahal na kita"


Kaya ba sinabi ni Mika na may rason si Adrienne sa mga ginagawa nito sakin?Kaya ba nasabi niyang manhid ako?Tama!I need to talk to her. I called her at sinabi kong gusto kong makipag-usap sa kanya. Gusto kong maliwanagan. I really need to sort out my feelings.


KINABUKASAN


"What the hell,Sydney,ba't ganyan ang mukha mo?Kulang ka ba sa tulog?"Pambungad sakin ni Mika pagkarating niya.


"Ano ka ba,Mika?Anong kulang?Hindi no!Ang aga ko nga nakatulog kagabi." Wala talaga akong tulog.Obvious ba talaga? Letse tong si Adrienne, hindi ako pinatulog dahil sa mga sinabi niya.


"So, ano ang gusto mong tanungin?"She said at uminom don sa frappe na inorder ko para sa kanya.


"Ano..."I really don't know kung ano ang itatanong sa kanya at kung saan ako magsisimula. Na gets naman siguro niya kaya nagsalita nalang siya.


"Na realize mo na gusto mo rin si Adrienne?"


"A-ano?"


"You see, I'm an expert when it comes to these things. I can easily tell whether you like the person too or not."


"Nakakatawa kasi kung gusto ko nga siya, ba't hindi ko man lang naamin sa sarili ko?"Umiling si Mika.


"It's because of the thought that you glued into your mind that Adrienne doesn't like you and that he's doing it out of boredom."


"Kailan ba talaga nagsimula ang lahat?"Ibinaba ni Mika frappe at nag-isip.


"Sa tingin mo, kailan ba nagsimula?"


"Eh, bakit ako ang tinatanong mo?Kaya nga ako nagpatulong sayo."Ano ba naman tong si Mika, ako pa ang tinatanong. Hindi ko nga alam kung ano talaga ang nararamdaman ko.


"Let's start again. Huwag 'when' ang unahin natin kundi ang 'who'. Kung nalilito ka talaga, simulan natin sa tanong na sino ba talaga ang gusto mo" Ang hirap. Gaya noong tinanong niya ako niyan, hindi ko pa rin alam ang isasagot ko. Simula kasi na sinabi iyon ni Adrienne, mas lalo na akong naguguluhan.

Let Me Be Yours (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon