Chapter 20

1.4K 35 0
                                    

Adrienne POV


Nagising ako dahil sa ingay ng alarm clock ko.Nagulat ako dahil 5:30 pa.Ba't ba ang aga?9 AM pa nga ang klase ko.Teka,ba't ko nga ba sinet ng maaga?Oh sht!Napatayo ako kaagad mula sa pagkakahiga at ako'y naligo at nagbihis.Mamaya na lang ako kakain.


7:30 nga pala ang klase ni Sydney at balak ko sana siyang sunduin.Hindi ko naman alam kung anong oras siya umaalis sa bahay nila.Mas mabuti nang maaga ako doon.Baka maunahan pa ako ni Lance.Baka sinusundo niya rin si Sydney.


Pagkarating ko sa kanila, kumatok ako sa pintuan at isang Sydney na naka tuwalya pa ang bumungad sakin. Ilang minuto ata kaming nagkatitigan.Hindi ko magawang mag-iwas ng tingin.Basang basa pa ang buhok niya.Naka tuwalya ito at may sipilyo pa sa bibig.Halos mapalabas ang mga mata ko dahil sa nasa harapan ko ngayon.Natauhan kami nang nagsalita ang kapatid niya.


"Ate, ba't nakatuwalya ka?!"Wala siyang nasagot, tumalikod siya dumiretso lang ng akyat papunta sa kwarto niya. Ang kapatid naman niya, tinignan lang ako.


"Di mo ba ako papasukin?"Tanong ko. Ano, paghihintayin niya ako dito sa labas?


"Sinusundo mo ba ang kapatid ko?"Nasa lahi na ba nila ang tanga?Pero syempre, di ko sinabi sa kanya yun. Baka ma bad shot pa ako sa kapatid niya, kaya matipid na "OO" lang ang sinagot ko. Pinapasok niya ako at pinaupo sa sofa.


"Di ba ikaw yung lalaki noong isang gabi?"Nasa harapan ko na siya habang nakatayo ito.Para bang sinusuri ako.


"Ha? Oo ako yun."


Ilang minuto lang ay napansin kong bumaba si Sydney at naka uniporme na, ang bilis makabihis ah!Ni hindi man lang niya ako tinignan at deretsong lumabas ng bahay nila.


"Teka, hindi kayo sabay ng kapatid mo?"Nagtataka kong tanong sa kapatid niya.


"Hindi, malapit lang naman ang paaralan ko. Mamaya pa ako aalis."


"Ah sige, mauna na ako."Sabi ko bago kumaripas ng takbo para maabutan si Sydney.


"Hoy!" tawag ko sa kanya pero hindi siya sumasagot hanggang sa nakalabas nalang siya sa gate nila.


"Babaeng nakatuwalya!"Napahinto siya ng takbo. Tignan mo nga naman. Naglakad ako palapit sa kanya.


"Oh!ba't ka tumig-ARAY!ARAY!"hindi ko na natapos ang sinabi ko dahil pinaghahampas niya ako ng kanyang bag.


"Ba't ka ba nandito?!"


"Aray!"


"Loko ka!"


"Aray!"


"Sino ba nagsabi sayong pumunta ka dito?!"Puro aray lang ang nasasabi ko. Ang sakit niyang manghampas ng bag!Nung natapos na siyang hampasin ako, doon na ako rumesbak.

Let Me Be Yours (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon