Chapter 8

601 15 3
                                    

Dedicated to: Call_Me_Empress. HI~! Thank you po sa pagbabasa at pag vo-vote ng ITGQ :) 

MESSAGE/Author's Note/Epal Note: Starting from now, mag a-accept na po ako ng dedication request :3 Pero kung maaari lang po, gusto ko pong makita yung comments o kaya votes niyo (optional. Bahala po kayo kung gusto niyo comment or vote lang) para malaman ko po kung ano yung naiisip niyo sa story ko. Pero kung ganun po talaga kayo katamad mag vote at mag comment, sige po, mag de-dedicate pa rin po ako :3 Pwede rin pong i- comment niyo yung mga dapat kong ayusin tsaka idagdag sa story na ito para maimprove ko po 'tong story na 'to :) Mag comment lang po kayo dito sa mismong update na 'to sa mga gustong mag padedicate PERO ililimita ko muna po siya ng upto 5 persons para di po ako masyadong maguluhan hehe. Yun lang po! SALAMAT SA PAGBABASA :D

---

     "Kakampi niyo nga ako sa ngayon, pero kalaban ko pa rin kayo. Ganito ang buhay ko simula ng magkaisip na ako at malaman kong isa akong heiress ng isang Mafia.  Ang tanging gusto ko lang ay magkaroon ng isang simpleng buhay kaya ko 'to ginagawa. Kung ang tanging solusyon sa lahat ng kaguluhan na ito ay ang pakikipagkampi ko sa inyo, kaya kong isugal ang buhay ko para makuha ang minimithi ko." 

---

     "Wrong Answer." sabi ni Angel matapos ang pagbagsak ng bangkay ng taong pinaputukan niya sa ulo. Umiinit na ang ulo niya at itinutok ito sa sunod na tao na nandoon. "Kung ayaw niyong iputok ko sa ulo ninyong lahat ang baril na ito ay sabihin niyo na sa akin kung sino ang may pakana ng lahat ng ito. Alam kong hindi kayo basta-basta matatalo ng ganyan-ganyanan lang. Bilisan niyo bago pa magbago ang isip ko." unti-unti niyang kinalabit ang baril sa taong kanina niya pa tinututukan ng kaniyang baril.

   

   "Tama na p-po! Si L-Lillianne! Si Lillianne po! A-Ang heiress po ang n-nagk-kanulo sa atin. Maawa po k-kayo! Iyan po ang totoo." napatigil si Angel ng marinig niya ang isa sa mga pinapahirapan nila na bigla na lang sumigaw. Napalingon siya rito at tinaasan niya ito ng kilay. Pinagmasdan niya ang mukha nito at kita niya ang takot sa mukha ng taong ito. Tinitingnan niya kung nagsasabi ang taong ito ng totoo at bigla siyang napangisi. Huwag mo akong gagawing tanga, isip niya, pero hindi niya ito sinabi ng harapan sa taong iyon.

      "Chino."

   "Ano na naman ang naiisip mo ngayon, Red Tiger?" tanong nito sa kaniya pero nanatili pa rin siyang nakangisi. May magandang plano siyang naiisip ngayon. "Sa SecRoom." sabi niya at umalis na siya sa kuwartong iyon kung saan nila pinapahirapan ang mga taong bumigo sa kanila. Tumango naman kaagad si Chino at sumunod kay Angel. 

     "Sabihin mo na sa akin, nangangati na naman ang kamay ko na pumatay." sabi ni Chino sa kaniya at sumalampak ito sa isang sofa na nandoon. Napairap ng wala sa oras ang babae. "Not now. Kailangan natin sila. Bigyan mo sila ng pagkain na matino at pagkatapos noon ay pauwiin mo sila sa Hugo Mafia Headquarter. Make sure na hindi sila magsasalita ang mga ito tungkol sa ginawa natin sa kanila dahil sa oras na marinig ito ng kanang kamay ng Headmaster ay malilintikan tayo ng wala sa oras." sabi niya kay Chino habang nakatingin sa labas ng bintana ng SecRoom. Napabuntong-hininga si Chino sa sinabi ni Angel. Hindi niya makuha ang utak ng babaeng ito kahit kailan. Tumango na lamang siya at bago umalis sa kuwartong iyon ay nagsalita siya, "Your wish, is always my command."

---

     "You've gotta be kidding me." bulong ni Queenie na hindi nakaligtas sa pandinig ng mga tao sa loob ng kuwarto na iyon. Sakto namang magsasalita siyang muli ng biglang may pumasok na tao sa kuwarto at nanlaki ang mata niya ng makita ang kaniyang kakambal na si Lee at si Kim.

RecklessTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon