Chapter 12

372 12 0
                                    

Dedicated to: I don't really know who I should dedicate this chapter to. Sorry for the long wait everyone! Some stuff... Just happened. I really can't tell you what it is but I apologize for not updating this story. Hoping you'll forgive me with this chapter.


---


Sumilip siya. Walang tao. That's a good sign. She wouldn't want anyone to see what she'll suppose to do later on. Either that, or she will kill the person kapag nakita siya nito.


---


     Naikuwento na ni Lee kay Miggs ang nangyari.

     Hindi man ito makapaniwala na mayroong isang Hugo na nandiyan para makipagtulungan sa kanila ay minabuti na lamang nitong tumango. Matapos noon ay dumiretso sya kay Queenie. Nakita niya itong gising ngunit nakatulala lang ito sa kisame.

     Doon niya naalala ang sinabi ni Lee tungkol sa lason na nagpamanhid sa buong katawan ni Queenie. Hindi niya maiwasang hindi maawa para sa kaibigan niya. If only Megan was here... Umiling siya. No, he must not think of Megan for now. Hindi siya galit dito, pero nagagalit siya dahil ilang taon na sila netong pinag-hihintay. And all of this happened because they wanted to protect her. Pero 'ni hindi man lamang nito magawang magparamdam sa kanila. He was very sure na nakaabot na ang nangyari kay Megan. Mayaman si Megan, and she has a whole lot of connections everywhere.

     Enough of her!

     Alam ni Queenie na may pumasok sa kuwarto niya ngunit hindi niya alam kung sino iyon. Sobrang sakit pa rin ng katawan niya at tila mapuputol ang isang parte ng katawan niya kapag ginalaw niya iyon. Hindi niya rin magawang igawi ang kanyang ulo sa ibang direksyon kaya minabuti na lamang niyang tumingin sa kisame kahit medyo nangangalay na siya at nagsasawa sa kulay puting dingding na nakikita niya.

     Maybe this is the punishment for betraying my own friend.

     "Queenie." tila nabuhayan ang loob niya nang marinig ang boses ni Miggs. She was glad that he was okay. At least hindi malala katulad ng sa kanya. She felt it was not right for Miggs to suffer from the consequence that she and her brother should have receive. Leader nga nila si Miggs sa Dark Gang pero hindi naman pwede na lagi ito ang magiging responsable para sa mga ginagawa nila ni Lee.

     "I have something to say," rinig niya na sinabi nito. Hinintay niya na lamang ang susunod nito na sasabihin dahil hindi niya kaya na mag-salita, "Let's stop trying to reach Megan."


---


     Umiiling na umalis si Megan sa lugar na iyon. She was expecting for a fight. Unfortunately, it didn't happen. Ayaw na muna niyang bumalik sa Gangster Palace. Maiiwan naman na muna si Zero doon. Tutal naman, Ella is there to guide and prevent him from doing something stupid.

     Kibit-balikat niyang kinuha ang kaniyang susi ng kaniyang motor at may pinindot dito. Maya-maya ay dumating ang isang Ducati sa harapan niya. Sumakay siya rito at kinuha ang helmet na nakasabit sa likod ng motor niya.

     Kailangan niyang pumunta sa Underground Battle Dome. She has to meet that person even if it was the last thing that she has to do.



     Taas-noo na naglakad si Megan habang may pinapaikot siyang kunai sa daliri niya. Ramdam niya ang mga tingin na nakapukol sa kaniya at rinig na rinig niya rin ang mga bulungan sa bawat tao na nadadaanan niya.

     "Who the hell is that girl?"

     "Shhh! Huwag mong lakasan ng masyado ang boses mo. That girl is the former gangster queen."

     Mula sa paglalakad ay napatigil siya. Former? What the hell are they talking about?

     "Really? Bakit siya natanggal?"

     "I heard she still lives in the Gangster Palace so how come she's the former Gangster Queen?"

     "No idea, but the Headmaster will appoint the Gangster Princess as the new Gangster Queen this afternoon. I don't really know what happened as for the Headmaster to suddenly remove her from that position. I mean, she's so cool! And the best so far!"

     "That's so sad. Maybe related yun sa pagkawala niya ng mahigit dalawang taon?"

     What was that?! She was removed from the position of being the Gangster Queen?? She was not informed about this! What the hell is that Headmaster thinking?! Sa inis ni Megan ay wala sa isip siya na tumakbo para puntahan ang office niya. Hindi niya inintindi ang mga tingin na binibigay sa kaniya ng mga tao. The most important thing is to confirm whether what she has heard from those gangsters were real at hindi gawa-gawa lamang. She need to hear it directly from the Headmaster.


---


     Nanlaki ang mata ni Queenie sa narinig niya mula sa mismong bunganga ng kaniyang kaibigan. Hindi niya alam kung magagalit ba siya o maiiyak dahil sa sinabi ni Miggs but she's so sure that she was frustated with the way Miggs is acting. Marami na ang nangyari sa kanila dahil sa kagustuhan nilang makitang muli ang kanilang kaibigan na ayaw magpakita sa kanila pero kahit ganoon hindi pumasok sa kaniyang isipan na tumigil.

     At mas naiinis siya dahil hindi niya kayang sabihin ang gusto niyang sabihin ngayong oras na'to! Damn this, she thought, I need to say something!

     "It's not that I have something against Megan. I mean... I," napapikit si Miggs. "Megan... I love her so much. Hindi ko kayo sinisisi ni Lee kung bakit pati kami ni Kim nadamay sa lahat ng ito. Galit ako kay Red Tiger dahil sa kaniya nagmula ang lahat ng gulo. As much as I want to see Megan... It's just... It's so impossible."

     Nawala ang inis na nararamdaman ni Queenie. So that's how it is. She's so stupid to not even notice na mahal pala ng kaibigan niya si Megan. Another reason for her to blame herself. Kung hindi nila siguro pinili na i-betray ang kaibigan nila, maybe by now alam na ni Megan ang nararamdaman ni Miggs para sa kaniya. Maybe by now... Maybe...

     "M-mmi--"

     Parehas na nagulat si Queenie at Miggs. She could speak! I mean not really speak pero this is the first time na nabuka niya ang bibig niya to utter some words!

     "M-miggs, y-you ba-ka." Queenie grinned. "If you love her then why stop, bakayaro?"


---


     Tanging mga hakbang niya lang ang naririnig sa hallway. Sinigurado niyang hindi siya makikita ng lalakeng iyon. Napailing siya. May bagong lalake na naman na dinala si Megan sa Gangster Palace. Hindi niya alam kung para ba talaga maging kanang kamay nito ang lalaki o sadyang malandi lang talaga ang amo niya.

     Dahan-dahan siyang naglakad sa Black Room. Sumilip siya. Walang tao. That's a good sign. She wouldn't want anyone to see what she'll suppose to do later on. Either that, or she will kill the person kapag nakita siya nito.


RecklessTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon