Prologue

2.7K 46 1
                                    

Dedicated to: sImpLe_gIrL_88 Thank you sa pagsusuporta dito sa magulo kong story :D Maraming salamat sa mga votes at comment mo :3

---

1 Message. 

Megan, asan ka na ba? Bakit mo kami iniwan dito? We called your maid, Ella, and she said she doesn't know where you are right now. Pumunta pa kami sa kanan mong kamay na si Terrence and even him doen't even know a slightest hint to where you are. Please, patawarin mo na sila Queenie at Lee. Gulong-gulo rin sila ngayon. Nagawa lang nila iyon dahil sa sinabi ni Red Tiger. Please, pumunta ka naman sa Underground Battle Dome kung mababasa mo ito. Nag-aalala na kami para sa iyo. Alam na namin ang lahat-lahat. Kung totoong kakambal mo si Red Tiger ay kami ang gagawa ng paraan para magkaayos kayo. Just . . . please . . . come back to us. -Miggs

---

     Ngumiti siya sa taong kaharap niya. Kunyari niyang ininom ang wine na binigay ng taong iyon sa kaniya. Hinayaan niya itong dumampi ng kaunti sa labi niya. "So . . ." panimula niya at binigyan ulit ito ng matamis na ngiti. Kunyari niyang hinilot ang sentido niya na tila ba parang nahihilo siya at nakita niya ang panandalian nitong pagngisi. "What the hell?" she blurted out para mas lalong maging epektibo ang pagpapanggap niya. Maya-maya ay naramdaman niya ang pag-gapang ng kamay nito papunta sa pinakapribadong parte ng katawan niya. Gusto niyang hampasin ito ng hawak-hawak niyang wine glass at putulin ang kamay nito gamit ang isang chainsaw dahil sa ginawa nito ngunit pinigilan niya ang sarili niya. Kinalma niya ang sarili niya dahil sa oras na hinayaan niyang gumapang ang galit sa puso niya ay malalaman nitong siya si Angelie Megan Reid, si Empress Phoenix, ang gangster queen, at ang kalaban ng Hugo Mafia. 

     Isang reaper ng Hugo Mafia ang taong nasa harap niya. Sa nakalipas na mga buwan na nandirito siya sa London ay pinagmasdan niya ang mga pinag-gagawa ng Hugo Mafia. Kung paano sila kumilos. Kung sino-sino ang mga tau-tauhan nila. Kung sino ang mahina, kung sino ang malakas. Kung paano sila gumawa ng maruruming operasyon. Halos lahat ata ng impormasyon ng mga Hugo Mafia ay alam niya na. Alam niya na ring nasa isang malalang kondisyon ang pinaka-importanteng tao sa Hugo Mafia. Isusunod niya na ito pagkatapos ng punyetang tao na nasa harap niya. 

     Ang akala ng mga ibang members ng mga Hugo Mafia ay umalis na lang ng sunod-sunuran ang mga reaper nila pero ang totoo ay sinusunod-sunod na ni Megan ang lahat ng mga reaper nila. Ang kaharap niya na ngayon ay ang pinakahuli sa lahat ng reaper. Sa dinami-dami ng reaper ng Hugo Mafia ay tila napaka-imposible naman nito. But Megan has her own dirty way. May mga kasabwat siya sa Hugo Mafia. Halos ang mga inaakalang kasabwat ng Hugo Mafia ay ang mga alipores ni Megan. Sila ang mga nagsasabi ng lahat ng tungkol sa Mafia na ito. Sila ang gumagawa ng bagay na hindi kaagad magagawa ni Megan.

     Bahagyang ngumiti si Megan sa taong iyon ngunit naalala niyang ang wine na binigay nito sa kaniya ay may gamot pampatulog kaya bumalik siya sa pagpapanggap niya. Pumikit siya at hinayaan ang sarili na mahulog sa upuan niya para malaman ng taong iyon na nahulog siya sa patibong nito.

    Humanda ka mamaya.

    Naramdaman niyang binuhat siya nito kaya kinalma niya ang sarili niya at binagalan ang paghinga niya para hindi nito mapansin na nagkukunyari lang siya. Naaalala niya pa sa mga pinag-aralan niya na ang mga taong tulog ay kumukuha lamang ng kaunting dami ng hangin dahil ang ibang sistema ng katawan ay hindi naman gumagana.

RecklessTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon