Chapter 7

675 25 0
  • Dedicated kay those who waited for my update ;)
                                    

---

     "I need to go." napakunot ng noo si Zero. Saan naman? Mukhang nabasa naman ni Megan ang iniisip ng lalake kaya nag-salita ulit siya. "Somewhere, anywhere. Basta. Kahit saan basta walang katulad mo na madadaldal." napasimangot naman siya ng wala sa oras. Kahit kailan talaga, napaka heartless na babae na nasa harapan niya.

---

     "Eeenie, minie, mini, mo, sino kayang mauuna sa inyo?" Nanginig lahat ang nasa loob ng silid na iyon. Bukod sa nakapiring sila ay nakaposas rin ang mga kamay nila sa upuan na kinauupuan nila. Natatakot sila. Gusto nilang lumaban pero hindi nila magawa-gawa ito dahil sa sitwasyon nila.


     BANG!

    Nagulat silang lahat sa isang putok. Narinig nila ang isang kalabog na marahil ay dahil sa isang pagbagsak ng isa sa kasamahan nila. Mas lalo silang natakot. Ibig sabihin ay may namatay na namang isa sa kanila. Ilang kalabog na ba ang narinig nila sa loob ng isang araw? Sampu? Labing dalawa? Dalawampu?

     "Hindi pa ba talaga kayo magsasalita?! Putang-ina pala kayo! Matapos niyong ipahiya si Red Tiger! Mga walang kuwenta! Napakahina niyo! Gangster pa ba ang maitatawag sa inyo kung ganyan kayo makipaglaban?! Look at Terrence! An ex-member of the Red Tiger Gang! And yet after so many years, ngayon lang ulit siya nakipaglaban! Pero tignan niyo ang lakas niya, walang-wala sa mga putragis na katulad niyo na 2 taon na tine-training! I'll surely kill all of you ---" biglang napatigil sa pagsasalita ang taong nasa likod ng pagkamatay ng mga kasamahan nila. Napabuntong-hininga silang lahat. "That's enough Chino." biglang bumalik ang takot nila matapos marinig ang boses na iyon. "It's clearly not their fault . . . alisin mo ang piring sa mga mata nila." agad namang sumunod ang lalake sa utos palang ng nag-sasalita.


     Halos manlaki ang mata nilang lahat ng lumitaw sa harapan nila ang isang babae na kamukhang-kamukha ng  babae na pinapapapatay ni Red Tiger. This is the first time that they're able to see the face of Red Tiger kaya lahat sila ay gulat na gulat sa nakikita nila. The only difference was, punong-puno ng tattoo si Red Tiger sa leeg nito at may sugat ito na para bang kinalmot ng isang hayop sa bandang baba ng kaliwang mata nito.

     "Tell me. Who is the mastermind behind all of these? Alam kong hindi naman ganito ang mangyayari kung walang tao ang nagpakana ng lahat ng ito. May isa sa inyo ang trumaydor sa akin. Sino siya? Sabihin niyo sa akin kung gusto niyo pang mabuhay at makasama ang mga mahal niyo sa buhay!" nagsimula ng magalit si Red Tiger at nakita nilang lahat kung gaano kabilis nitong makuha ang baril sa kamay ni Chino at itinutok sa kanilang lahat. Napalunok ang isa sa kanila ng biglang itinutok ni Red Tiger ang baril sa kaniya. "H-hindi ko po a-alam. Nagsas-sa-sabi po ak-ko ng t-toto-o." tinaas ni Red Tiger ang kilay niya rito. "Talaga?"

     "O-Opo."

     BANG!

     Napapikit ang iba sa kanila na nasa silid na iyon ng ipinutok ni Red Tiger ang baril sa kasamahan nila.

     "Wrong answer."

---

     Halos malula si Zero sa laki ng bahay - - - mali, hindi pala bahay dahil mukhang palasyo ang pinasukan nilang dalawa ni Megan dahil sa sobrang laki neto. Nagulat pa siya dahil sa maraming mga tao na parang halos hindi magkandaugaga matapos nilang makita si Megan sa harapan nila. Parang tila ba ngayon lang ulit nila nakita ang babae. Napatingin naman siya sa babae na para bang tila wala lang dito ang nangyayari at basta-basta na lang pumapasok ng hindi nagtatanong sa mga tao sa harapan nila. "U-Uy! T-Teka nga lang! Is this your house?! Alam kong mayaman ka pero hindi ganitong mga bahay ang ineexpect ko na tinitirhan mo! At least pay some respect to the owner of this house!" pabulong na wika ni Zero kay Megan habang patuloy lang ito sa paglalakad na tila ba hindi siya nito naririnig. Magsasalita sana muli si Zero ng biglang tumigil si Megan kaya ang nangyari ay nagkauntugan silang dalawa.

RecklessTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon