Chapter 10

512 14 0
                                    

Dedicated to: maryloverj27 THANK YOU FOR READING AND VOTING MY STORY :D


---

     Muli siyang tinignan ni Zero pero biglang nagbago ang itsura ni Ella. Naging galit ang ekspresyon ng mukha nito. Napaatras siya dahil sa takot na naramdaman niya. Napailing na lamang ang lalake at dali-daling umalis sa Black Room para mapuntahan si Megan. Pero napatigil siyang muli at hinarap ang babae. "Uhm . . . Thanks?" he mumbled and then he run.

---



Nakatingin lang si Kim sa madilim na langit. Napakunot-noo siya nang maramdaman ang presensya ng isang tao. "Miggs." bulong niya at lumingon sa taong iyon. Napabuntong-hininga siya sa inis. Sinabihan niya na ito kanina na huwag munang aalis sa kuwarto nito dahil hindi pa ito masyadong magaling. Pinagmasdan niya ang mukha nito. Seryoso ito habang nakatingin rin sa langit. Kanina pa ito gising. Mga isang oras na rin ang nakalipas simula ng pagbisita ng Gangster Princess at isang Hugo kay Queenie. Hindi pa rin siya makapaniwala sa mga narinig niya kanina. Someone is helping them. And not just an ordinary person but an heir to the Hugo Mafia. Meaning, ito ang magiging sunod na pinuno sa oras na mamatay ang Headmaster ng Hugo Mafia. Sure, the girl has her own reason which is freedom; to be free from all those mafia and all within the gangster world, but she can sense that the girl has a deeper reason why she is helping them. At 'yon ang kailangan niyang alamin.

"What happened?" tanong ni Miggs sa kaniya habang hindi pa rin inaalis ang tingin sa langit. Alam nito na may nangyari habang wala pa itong malay kanina. Napakatahimik ng plaigid. Awkward. Iyon lang ang naiisip ni Kim.

Tumalikod muna siya dito at pumikit. She tried to brush away all her thoughts while her brain is trying to process what Miggs just asked her. Napakadali niya talagang madistract sa lahat ng bagay. Sa sobrang raming mga bagay na pumapasok sa utak niya ay nakakalimutan niya ang reyalidad. It was one of her habits she couldn't change. Napailing na lamang siya.

"It's a long story. You know that I'm not good at explaining things. Especially long ones." she was telling the truth. Bago pa man sila mag-meet ni Megan ay napakahina na talaga niya pagdating sa pagsasabi ng mga nangyari. Humarap siyang muli kay Miggs pero napasinghap siya ng magkasalubong ang mata nila. Sobrang dilim nito na para bang hinihigop nito ang buo niyang pagkatao. Para bang hinahanap nito ang sagot sa katanungan na bumubuo sa isipan nito. "I need to know everything while I was unconscious. I might be able to help." Umiling muli si Kim. "Just ask Takanashi."

Pagkatapos niyang masabi ang first name ni Lee ay bigla nilang narinig ang boses nito. "What is it?" nakakunot-noo nitong paglapit sa kanila. Napailing na lang si Kim kay Lee. Napaka chismoso talaga neto. Stalker! isip niya. Akala naman neto ay hindi niya ito nahuli na sumisilip kanina habang nag-uusap sila ni Miggs. "About Hugo, the Gangster Princess . . . whatever. Just tell Miggs what he needs to know." sabi niya at umalis sa harapan ng dalawang lalake para pumunta sa kuwarto ni Queenie.


---

Pabalik-balik si Zero sa loob ng Black Room habang tahimik lang na nakamasid sa kanya si Ella. Nang mapagod siya ay kunot-noo siyang tumingin sa babae at tinuro pa ito. "Sabihin mo nga sa akin, ano bang kalokohan ang nangyayari? What do I need to do? What mission is needed to be accomplished? What's her objective?" Tumingin lang nang diretso sa kanya ang personal maid at maya-maya ay kumurap ito.

Napabuga na lang siya ng hangin sa inis dahil hindi siya nito sinagot. Aalis na sana siya sa Black Room nang bigla itong nag-salita. "I don't know." Napatigil siya at saka tumingin dito. Nanigas siya nang tignan niya ito ng diretso sa mata. Kung cold ang mata ni Megan, mas malamig ang titig ng babaeng ito sa kaniya. Para bang wala itong buhay at kulay. Para bang nabuhay ito na wala man lang emosyon na nararamdaman. Come to think of it, isip niya, I never once saw this girl smile, laugh, or frown. "I really don't know." bulong neto sa kaniya.

Mga ilang segundo ang lumipas ng bigla itong ngumiti sa kaniya. "If you're looking for the Mistress, she's on the roof." Nanlaki naman bigla ang mata. "Roof?! You mean rooftop?" paninigurado niya. Umiling ito sa kaniya. "You heard me. Just go to the right hallway if you want to take an elevator to go to the rooftop. Just shout her name and she will be there for you."

Tinignan lang siya ni Zero na may halong pagtataka. "Only she, can answer all your questions. Now go."

Muli siyang tinignan ni Zero pero biglang nagbago ang itsura ni Ella. Naging galit ang ekspresyon ng mukha nito. Napaatras siya dahil sa takot na naramdaman niya. Napailing na lamang ang lalake at dali-daling umalis sa Black Room para mapuntahan si Megan. Pero napatigil siyang muli at hinarap ang babae. "Uhm . . . Thanks?" he mumbled and then he run.



---


"I . . . I don't think so. Sorry Red Tiger, but I can't."

She was fuming with anger once she heard those words coming out from him. "Why? Don't you want to live a simple life? I'll give you that after you join us! You can wish for anything --- and I mean ANYTHING AND EVERYTHING --- but only if and only if you help us!"

"Bakit?! Why do you want me to join again your worthless crap? To use me again? To make me again a dirty towel that you can throw anytime you want when useless?! Don't make me fool again by using those same words Red Tiger! I have a sharp memory, don't you remember? You use those words the first time you ask me to join your gang! Pero tinupad mo ba yun? No! So don't you ever show your face again to me because I won't hesitate to report you to a police the next time our paths crossed again!"

Nanlaki ang mga mata ni Red Tiger. Hindi niya aakalaing lalaban na sa kaniya ang lalake na nasa harapan niya. 'People really do change.' she thought. Ngumisi na lamang siya kay Terrence. "Well . . . if you insist." itinaas niya ang hawak niyang kutsilyo. Binuksan ni Terrence ang bibig niya upang mag-salita nang inunahan siya ni Red Tiger. "Your wish this time will be granted. Our paths will never meet again because you will be going to heaven soon enough. I'll join you . . . " tumawa siya nang mapait. "That is, if I'm going to heaven too." at unti-unti niya nang ibinaba ang kamay niya upang isaksak ito kay Terrence.

"RED TIGER!!!"

Napalingon silang dalawa sa taong dumating.

"Stop it if you still want to live!"

RecklessTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon