"Good morning Allison." Sabay na bati nila Lexter at Jacob.

"Good Morning." Walang gana kong bati.

"Anong oras date niyo ni Calyx?" tanong ni Lex. Ayan na, nagsisimula na silang mang-asar.

"Saan kayo magdadate?" tanong ni Jacob. Anak ng tokwa!

Hindi ko sila inimikan kaya lalo nila akong kinukulit. Mabuti nalang dumating na ang teacher namin kaya nakawala ako sa mga pang-aasar nila. Pagdating ng lunch, kasama ko sila Alex na mananghalian nang dumating sila Jester at Kaitlyn.

"Oh, kamusta na yung mang date mamaya?" pang-aasar ni Jester.

Tumingin silang lahat sa akin na mukhang naghihintay ng sagot.

"Mga loko kayo. Hindi nga yun date!"

"Talaga?"

"Weh?"

"'Di nga?"

Sabay sabay nilang sagot. Isssssss!

"Teka, ba't hindi niyo kasama sila sir Brent at Calyx?" tanong ni Alex.

"Si sir Brent, may klase pa daw. Si Calyx naman, may aasakasuhin daw. Naku, baka yung date nila ni Ali 'yon!" pagpapaliwanag ni Jester.

"Ano baaaa! Hindi nga date eh!" pagpupumilit ko sa kanila.

Natawa naman silang lahat sa reaction ko. "Parang dinner lang dahil best friends day naming ngayon eh." Sabi ko ng mahina.

"Ayun naman pala. Dinner daw." Pang-aasar ni Kaitlyn kaya tumahimik nalang ako.

Papalabas kami ng cafeteria nang biglang nagvibrate yung phone ko. Tumatawag si tito.

"Hello Ali?"

"Tito, kamusta po?"

"Ayos naman. May klase ka ba ngayong oras?"

"Wala naman tito."

"Sakto, kararating ko lang kasi. Andito ako sa may main gate ninyo."

"Talaga tito? Sige po, papunta nap o ako." Sabi ko sabay ngiti at binaba yung phone.

Nagpaalam ako kila Alex na kanina pa ako inaasar at dali daling pumunta sa main gate ng school.

"Ali, eto na yung pinagawa mong jacket kay Tita mo. Hindi na niya binalot kasi naisip niya baka may mga gusto ka pang isama jan." ngiting sabi ni tito.

"Thank you tito." Sabi ko sabay abot nung jacket na naka box.

"Osige Allison. Mauna na ako ha. May ihahatid pa ako sa mall na orders eh." Sabi ni tito at nagpaalam na rin ako.

Dumiretso ako sa SCC office para tignan yung box since doon ang malapit na office kung saan walang makakakita sa akin at walang makakakita ng jacket na'to. Baka kung hahanapin ko sila Alex, ako na naman ang maging tapunan ng mga pang-aasar nila.

Nang buksan ko ang box, tinaas ko ang jacket na pinagawa ko. Isang pure black na may neon green na lining sa may hood adjustment part. May embroidered na pangalan ni Calyx na kulay silver sa harap. Enough yung size niya para mabasa ng masa malayo. Sa likod, naka embroider din ang zodiac sign ni Lyx, Leo.

Itatago ko na sana yung jacket nang biglang may nagsalita sa likuran ko.

"Kay Calyx yan 'no?" tanong ni Zack.

"Zack naman! Papatayin mo naman ako sa kaba eh!"

Walang imik siyang dumiretso sa may couch at natulog. Binilisan ko nang tinago yung jacket at dumiretso sa parking lot. Buti nalang, walang tao dito. Agad akong sumakay sa likod at kinuha yung regalo ni Calyx.

Sinubukan kong ipatong ang jacket nang matapos kong tupihin ng maayos. Buti nalang, saktong sakto siya at natatakpan niya ang sapatos na nasa loob ng box. Buti nalang talaga at eto ang sinabi ni kuya na bilhin namin.

Pagkatapos kong maayos yung regalo, dumiretso na rin ako sa klase ko. Pagpunta ko, hinihintay pala ako nila Alex at Jacob. Saktong dumating naman yung prof naming kaya hindi na nila ako natanong. Mga 6:30 na ng hapon, nadismiss na kami. Nagpaalam na ako kila Alex at wala ng bago, puno na naman ng asar ang mga sinasabi nila sa akin.

"Yieeee. Good Luck sa date mo Ali!"

"Ingat ka. Baka langgamin ka masyado bukas."

"hintayin ko kwento mo!"

Pang-aasar nila Alex, Jacob at Lexter.

"Loko, sige na! Una na ako." Sagot ko sa kanila at dumiretso na sa restaurant ni kuya.

Pagdating ko doon, hinihintay na ako ni Calyx sa labas.

"Antagal mo naman." Pang-aasar niya.

"Baliw, baka naman kakatapos ng klase ko kanina."

"Tara na nga." Sabi niya at pumasok na kami sa loob. Umupo na kami sa may second floor since yun ang pinili ni kuya na uupuan namin. Nang mag-oorder na kami, nagulat ako nang si kuya ang kukuha ng order.

"Good Evening, ma'am, sir. What will you order for tonight? Baka gusto niyo ng isang tasang asukal at isang baso puno ng pagmamahal?" pang-aasar ni kuya kaya tinignan ko siya ng masama.

Loko ka Kuya Lev!

Tumingin ako kay Calyx at tinignan din niya ng masama si kuya. Buti nalang at walang malapit na table na nakaupo dito sa kinauupuan naming. Baka isiping magjowa kami. Natawa naman si kuya na nakatingin sa amin.

"Kuya, dalawang steak, apat na rice, dalawang chocolate mousse, tapos dalawang frapucinno." Diretsong sabi ni Calyx. Wow naman, bakit parang yung mga paborito ko ang inorder ni Lyx?

Bago umalis si kuya, may iniwan siya na note sa akin sabay ngiti kay Lyx.

He likes you. Sulat ni kuya sa note. Teka, bakit na naman bumalik kay Calyx. Akala ko ba noon, si Sir Brent lang? Kuya naman eh!


- - - - - - - - - - - - - -

A/N: Allison is in the Feature Photo. Imagine, ganyan ang reaction ni Allison nang makita niya ang note ni Kuya Lev.

Boy meets Girlजहाँ कहानियाँ रहती हैं। अभी खोजें