Chapter 4: Squad

37 12 27
                                    

"Ali gising na malalate ka na sa school." Gising sa akin ni kuya. Binuksan niya ang kurtina ko dahilan kung bakit biglang lumiwanag ang kwarto ko. Teka, anong oras na ba? Tinignan ko ang alarm clock na nasa tabi ng kama ko, 5:30. Kuya! nakakainis naman eh, ang aga aga.

"Kuya naman, ang aga pa!" Pagmamaktol ko. Kaya kung minsan naiinis ako kapag andito si kuya eh. Ang aga aga niyang nanggigising lagi. "Bangon na, ipagluluto kita ng pagkain."

Bumangan ako agad nang sabihin ni kuya 'yon. Once in a blue moon lang ako nilulutuan ni kuya dito sa bahay, kaya kapag nagsasabi siya, sinusulit ko na. Kahit alam kong pampalubag loob lang niya yan tuwing ginigising niya ako ng maaga, 'di ko yan tatanggihan. Kesa sa magbayad ako sa restaurant niya naman.

"Prepare for school, then baba ka. Okay?" Paglalambing ni kuya saka ngumiti at ginulo yung buhok ko. Si kuya talaga, pag sinumpong, sobrang lambing, kung minsan naman sobrang mapang-asar. Naku, ewan ko nga minsan kung kapatid ko 'to sa sobrang pang-aasar niya eh.

Inayos ko na ang bag ko at bumaba na ako mula sa kwarto. Pagbaba ko, amoy na amoy ang pagkaing niluto niya. Dumiretso ako sa kusina para kumain ng umagahan.

"Sila dad?" Tanong ko kay kuya.

Umupo si kuya at nagsimula na kaming kumain. "May seminar sila mama sa La Union hanggang next week. Si dad naman may biglaang conference sa Italy. Kakaalis lang nila kanina since kakatawag lang din sa kanila." Sabi ni kuya.

Bilib din ako sa magulang namin. Kahit minsan, hindi kami naging spoil ni kuya sa pera. Lahat ng mga gusto naming bilhin, galing sa ipon namin, kasi never talaga magbibigay sila mama kung wala kang ipon. Kaya never kaming lumaki ni kuya na mapagmataas dahil sa pera.

Never din nila kaming inispoil sa mamahaling gamit lalo na ang pagkain. Kahit tuyo, pancit canton o murang ulam at pagkain lang, kaya naming kainin. Never silang bibili ng gamit namin dahil gusto lang namin.

Kapag kailangan lang, saka nila ibibigay. Ni MacBook nga ayaw akong bilhan eh. Hindi rin naman kuripot sila mama, practical lang. Kaya nung nagcollege lang ako saka nila dinagdagan ang ipon ko pambili ng MacBook. Kahit kaya nilang ibigay, ayaw nilang ibigay lahat kasi gusto nila magamit naming yun sa future.

"Hatid na kita sa school." Ngumiti ako kay kuya. Inayos na namin ang pinagkainan namin saka ako hinatid ni kuya sa school. Napansin ko na ibang direksyon ang pinupuntahan namin.

"Kuya saan tayo pupunta? Hindi naman eto yung daan papuntang school eh." Teka, bakit parang papunta sa bahay nila Calyx 'to?

"Kuya papunta ba tayo sa bahay nila Lyx?" tanong ko sa kanya.

Nginitian ako ni kuya. Tinigil niya ang koste at napagtanto ko na andito nap ala kami sa bahay nila Lyx. Lumbas si Calyx sa bahay nila at nginitian ako.

"Good Morning." Bati niya habang nakangiti.

Nginitian ko siya. Pumasok siya sa kotse at ginulo yung buhok ko dahilan para tignan ko siya ng masama. Hinatid na kami ni kuya sa school at nagpaalam na susunduin daw mamayang gabi at may pupuntahan kami. Nang papasok na kami sa school, nakita naming sila Alex at Jacob.

Pagkatapos ng unang klase namin, dumaan kaming cafeteria nila Jacob. Naisipan naming kumuha ng makakain kasi direstso yung klase namin hanggang tanghali.

"Ali, bili ka na rin ng food mo, baka mag-extend na naman si ma'am sa klase mamayang tanghali. Alam mo naman si madam, kahit lunch break walang pinapatawad." Inis na sabi ni Alex.

Kumuha na ako ng smart-c, pringles classic na maliit at mga tinapay. Dumiretso na kami sa classroom at nagstart na 'yung klase namin.

"Kainis talaga 'yung teacher na 'yun! Aaaaaargh!" inis na sabi ni Alex.

Boy meets GirlWhere stories live. Discover now