Prologue

52 7 28
                                    

ONE YEAR AGO

"Allison!" tawag sa akin ni Emil.

Lumingon ako at nakitang paparating sil nila Calyx at Kuya Brent, officer namin sa ROTC. Mas at home kasi siya na tawagin namin siyang kuya kapag nasal abas kami ng office.

"Oh, Emil. Kala ko ba busy ka? Sabi mo hindi ka makakasabay ng lunch?" tanong ko.

Lagi ka namang busy eh.

Tumawa siya. "Pwede ba yun? Kaya nga ako nag-laan ng oras para makasama kayo eh."

Talaga lang ba?

Nagkatinginan kami ni Calyx at nagkibit-balikat siya. Madalang na kasing sumasama si Emil sa amin kapag kumakain ng lunch. Magmula nung lagi siyang iniimbitahan nila Mia para kumain o mag-lakwatso, hindi na siya nakakasama sa amin kahit ilang beses pa namin siyang tawagin.

Ang lagi niyang rason, BUSY SIYA. Kaya nakakapagtaka ngayon, na siya pa ang mag-aaya ng lunch kasama kami.

"Oh, kain na tayo." Sabi ni kuya Brent, breaking the awkward silence na pumapalibot sa amin.

Nagsimula na akong kumain ng taimtim. Hindi ko mawari, pero merong kung ano sa isip ko na pumipigal sa akin na magsalita.

Tumingin ako ky Calyx at saktong nakatitig din siya sa akin.

'Usap tayo mamaya.' Sabi ni Calyx sa akin habang kumakain kaya napatango ako.

Matapos ang napaka-awkward na lunch, hinintay ko si Calyx sa may bench since nauna akong umalis sa cafeteria kanina.

"Oh, Lyx. Bakit?"

Nagkibit-balikat siya. "Ewan ko Ali. Nakakapagtaka."

Tumango ako kay Calyx. "Hayaan mo na bes. Kung ano man 'yon, sana handa tayong lahat."

Napatahimik ako. "Next week daw pala, may outing tayong lahat sabi ni Emil."

"Lahat? Alam nila sir Brent?"

"Yun na nga eh, walang alam si sir kaya nagulat din ako."

Napatingin ako ng kaduda-duda kay Calyx. "Okay."

- - - - - - - - - - - - - - -

Pagdating ng weekend, hindi ko pa rin alam kung pupunta ba ako or hindi.

"Ali, what is your decision? Will you go or not?" Tanong sa akin ni kuya.

"Hindi ko nga alam kuya eh. Feeling ko, may mangyayaring masama, pupunta man ako or hindi." Malamya kong sagot kay kuya.

Nilapitan niya ako at pinisil ang pisngi ko. Andito kami sa mall kasi may bibilhin si kuya. Hinila lang naman niya ako para may kasama siya kaya eto, mapipilitan siyang ilibre ako ng pagkain.

"You what Allison, do what your heart tells you to do. Kung hindi gusto ng puso mong pumunta, 'wag mong pilitin. Kahit naman alam o hindi ng mga tao, huhusgahan ka eh."

"Sabagay." Sagot ko. "Kuya, tara bili ng pizza." Masayang aya ko pagkatapos niyang magbayad ng pinamili niya.

Walang nagawa si kuya nang hilain ko siya diretso sa Shakeys. Sobrang dami kasi ng tao sa pizza hut kaya dito nalang ako dumiretso.

Nang makakuha kami ng pagkain, tumawag sa akin si Calyx.

"Hello Allison, asan ka?"

"Mall."

"Ginagawa mo jan?"

"Kasama ko si kuya. Lyx, hindi na yata ako pupunta." Sagot ko kaya napatingin si kuya sa akin.

Boy meets GirlOnde as histórias ganham vida. Descobre agora